Chapter 35

1.4K 24 6
                                    

Irish's POV

"Good morning, mi amor." Nakangiting bungad ni Ricci sa akin habang nakatayo sa labas ng bahay namin. Nasa bulsa ng suot niyang shorts ang mga kamay niya habang malapad na nakangiti sa akin.

Pinigilan ko ang sarili kong mapatili dahil kahit na madaling araw pa lang ay kitang kita na ang kagwapuhan ni Ricci. Para siyang hindi bagong gising!

Naka plain white T-shirt lang siya at black shorts pero ang lakas lakas ng dating niya! Para siyang model-- I mean, model naman talaga siya pero-- basta sis! Ang gwapo niya!

Medyo naconcious nga ako dahil parang mas fresh pa siya sa akin!

"G-Good morning." Nakangiting bati ko pabalik sakanya. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko nang mautal ako sa harap niya.

Nakita kong natawa siya. "Stuttering huh?"

"Tss... Gwapo mo kasi, hirap magconcentrate." Bulong ko sa may gilid ko.

"Huh?"

"Wala. Sabi ko tara na." Pagsisinungaling ko. Nanatiling nakatingin lang sa akin si Ricci na para bang sinasabi na 'Weh, di nga?" Pabiro ko siyang inirapan. "Sabi ko ang gwapo mo." Pag-amin ko at dali-dali akong pumasok sa loob ng kotse niya.

Sumilip naman ako sa labas at kitang kita ko ang malaking ngisi ni Ricci habang papunta sa may driver's seat. Napangiti na lang din ako habang kinakabit ang seatbelt.

Bumukas ang pinto at pumasok siya. "Ikaw ha, ang aga aga ang harot mo." Pang-aasar niya sa akin. Nagsimula niyang buhayin ang makina ang kotse at pagkatapos ay nagsimula na niyang paandarin ang sasakyan.

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo." Depensa ko sa sarili.

Nagulat ako nang ihinto ni Ricci sa gitna ng kalsada yung kotse. Buti na lang ay wala pang ibang dumadaan dahil nga madaling araw pa lang.

"Oh, bakit tayo huminto?" Taka kong tanong.

Lumingon siya sa akin at bahagyang lumapit. "May nakalimutan ako..." Nakangisi niyang tanong.

"Huh? Ano?"

Hindi siya sumagot at sa halip ay mabilis niya akong hinalikan. Smack lang iyon pero sapat na yun para pabilisin ang tibok ng puso ko.

Nanlaki ang mata ko at agad na nag-iwas ng tingin. Ramdam na ramdam ko na uminit ang pisngi ko dahil sa ginawa niya.

Grabeng umagahan naman 'to sis!

Nagsimula na ulit siyang magdrive habang nakangisi. Ako naman ay pinagdasal na sana ay huwag sapian ng sobrang kalandian si Ricci habang nasa daan kami dahil baka hindi ko kayanin! Kyaaah! Para sa mga nagtatanong, yes. Malandi po si Ricci. Pero minsan... Well, natutuwa ako sa kalandian niya kasi ganun siya maglambing. Minsan naman ay naiinis ako dahil hindi ko mapigilan yung puso kong nagwawala!

Madaling araw pa lang at nasa daan na kami papuntang Tagaytay. Actually, kagabi lang sa akin sinabi ni Ricci na mamamasyal daw kami sa Tagaytay ngayon. Linggo ngayon kaya wala akong pasok at wala rin siyang training. Mabilis naman akong pumayag nung sinabi niyang magdedate daw kami. Matagal na rin kasi yung huling nag-out of town kami na kaming dalawa lang, plus gusto ko talaga siyang makasama ngayon.

"You better sleep, Irish." Saglit na lumingon si Ricci sa akin bago muling binalik ang tingin sa daan. Napansin niya kasi na kanina pa ako hikab ng hikab.

"Hindi. Ayos lang ako." Nakangiti kong sabi.

"Sure? Malayo pa tayo, pwede ka pang magpahinga."

Umiling-iling ako. "Ayos lang. Tsaka baka mamaya mabored ka. Wala ka manlang kausap." Sabi ko.

You're Still The One || Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon