Kabanata 27

604 7 0
                                    

Totoong hindi nagparamdam sina Dylan at Jane sa mga Mendoza dahil masyado silang mainit sa mga pulis lalo na sa nangyari nung nakaraang araw dun sa Kingdom Towermall.

Nagpa appointment nalang sila sa isang pinagkakatiwalaang surgeon na kinuha ni Andrew para sa surgery ng mukha ni Dylan.

May malaking utang na loob sa pamilya nina Andrew ang surgeon na kinuha niya kaya hindi nito magawang tumanggi sa hiling niya.

Isa pa, hindi naman ito libreng serbisyo dahil malaking pera ang ibabayad ni Jane para sa surgery ng kapatid. Atleast may makita silang napuntahan ng nanakaw nilang pera sa Pamilya Mendoza.

"Sigurado ka bang hindi tayo sasabit diyan?" seryosong tanong ni Jane kay Andrew habang tinatali nito ang buhok niya

"Of course. Kung hindi siya makikipag cooperate, ako na mismo ang papatay sa kanya ." seryoso din ang mukha niya habang sumasagot kay Jane

Si Pinky naman, pinuntahan muna si Maureen sa bodega kung saan siya itinali ni Andrew. Nalaman kasi ni Andrew na narinig lahat ni Maurice yung pinag usapan nila ni Pinky sa restaurant noong nakaraang araw.

About yun sa plano nina Dylan at Jane. At dahil kasabwat si Andrew, hindi niya pweding hayaan si Maurice na makapagreport sa kalaban nila kaya kinuha niya ang kapatid nito bilang hostage. At dahil narin kay Pinky, hindi na sinaktan pa ni Andrew si Maureen since kaibigan parin ito ng kapatid niya.

Pagpasok ni Pinky sa bodega, nakita niya doon si Maureen habang naka kadena ang mga paa, nakatali naman ng patalikod ang mga kamay at may panyo pa sa bibig nito. Halatang magdamag itong umiyak dahil sa namamaga nitong mga mata.

"Maureen." malungkot na sambit ni Pinky sa kaibigan niya

Isang malungkot na tingin lang ang tanging maisagot ni Maureen sa kanya.

Pinky slowly walk towards Maureen at umupo din siya sa harapan nito. Tinanggal niya ang panyo na nasa bibig nito.

"Bakit Pinky? Bakit mo to ginagawa?" malungkot na tanong sa kanya ni Maureen habang nakayuko ito. Pawis na pawis ito kaya pati buhok niya ay tumatakip na sa mukha niya

"It's not what you think, Maureen. You know how much I love my brother kaya hindi ako papayag na mapahamak siya." seryoso niyang sambit na may malungkot na tono

Tumawa ng mahina sa Maureen sabay iling. Napatingin naman sa kanya si Pinky.

"Matagal mo na bang alam ang tungkol dito? Alam mong isa ang kuya mo sa muntikan ng pumatay kay Raniella pero pinagtakpan mo parin siya." panimula ni Maureen. Umiiyak na siya dahil sa disappointment na nararamdaman niya

Nakinig lang si Pinky sa kanya at hindi na sumagot pa.

"Alam mo rin bang halos mabaliw na si Kent sa kakahanap sa mga taong nanakit kay Raniella? At ang taong dahilan kung bakit nasa ospital ngayon ang Daddy niya?" tiningnan niya ng malungkot si Pinky habang tumutulo ang luha niya

"Alam mo ang pakiramdam kapag nawalan ng taong minamahal kaya siguradong alam mo rin ang nararamdaman ni Kent nung muntikan nang mamatay si Raniella at ang Daddy niya. So please, make things right before its too late." yan lang ang huling nasabi ni Maureen at hindi na nagsalita pa

Yumuko lang siya na kahit naramdaman niyang tumayo na si Pinky ay hindi niya parin ito nilingon.

"This is not what I want, Maureen. You know me. Maldita ako pero hindi ko kayang gumawa ng bagay na alam kong masyado ng masama. Pero, mahal ko ang kapatid ko Maureen. I hope you understand. Kapag nahuli siya ni Kent, siguradong hindi yun magpipigil at papatayin niya ang kapatid ko." at tumalikod na siya

Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon