Nerdly Love <3

245 4 5
                                    

Writter: Markarvin Panaligan @TrueMarkyLiit

Maganda, Sexy, Kaakit-akit, at walang lalaking hindi nabibighani. Siya si Gabriella Ashley Morgan, lapitin ng mga lalake simula pa noong high school hanggang sa nagka-trabaho kaya binansagan siyang playgirl ng mga kaibigan niya ngunit sa dami ng manliligaw niya wala siyang nagustuhan o sinagot man lang ni isa.

Isang taon nalang at wala na sa kalendaryo ang edad niya kaya binalikan niya isa-isa ang mga nangligaw sa kanya noon ngunit lahat ng ito ay pawang may mga pamilya na at wala nang gusto sa kanya. Iisa nalang ang natitira, ang pinaka-ayaw niyang manliligaw dahil isa itong nerd. Matiyaga itong nangligaw sa kanya noon.

She has no choice kundi hanapin ito pero laking gulat niya na nang makita ito ay isa ng super gwapo, alluring, handsome, hunk at lahat ng makasalubong nitong babae ay napapalingon.A transformation she never expected from this guy. Mapa-ibig pa kaya niya itong muli sa kabila ng mga panlalait na binitiwan niya rito noon.

Zedrick Saher Reyes dating isang nerd at iisang babae lang ang inibig pero ang babaeng siya ring nagtulak sa kanya para magbago.

Chapter 1

Kanina pa naka-tingin si Gabriella Ashley Morgan a.k.a. Ashgab  sa kalendaryo at orasan na nakasabit sa dingding. Gising na gising parin siya na kung iyong pakikinggan mabuti ang kanyang puso ay sobrang bilis ng pagtibok nito. Kaarawan na naman kasi niya. Isang taon nalang at wala na sa kalendaryo ang edad niya. Imbes na matuwa siya dahil kaarawan niya ay naalarma siya ng husto.

Ano ba ito? Tatandang dalaga na ba ako? Kabadong tanong niya sa sarili. Nasaan na ba kasi ang groom ko? Bakit hindi pa siya nag-paparamdam? Tumunog ang telepono at mabilis niya itong dinampot.

“Happy Birthday!” bungad ng matalik niyang kaibigan na si Precila o mas kilala sa pangalang Pre.” You’re twenty—“

“Stop!” pigil niya rito.”Please lang Pre, huwag mo nang bangitin ang edad ko. Sumasakit ang ulo ko kapag naririnig ko yan.”

“At bakit? pareho lang naman tayo noh! Pero mas affected ka kesa sa akin. ‘Alam mo pag-hinintay mo ng hinintay baka lalong hindi dumating. Kaya kung ako sa iyo, relaks ka lang. Take it easy.”

Hindi siya mapakali, lakad dito, lakad doon sa kanyang silid habang hawak ang cordless phone.

“Pre, hanggang kailan ako mag-hihintay? “I’m twenty.. arggg. I don’t want to be an old maid. Paano ‘pag hindi ko na nakita ang groom ko at talagang hindi na ako nakapag-asawa? Tapos hindi na rin mag-kaanak? Paano kung ‘pag nag menopause na ako?

Malulutong na tawa ang narinig niya mula sa kabilang linya. Sa isang side ng kanyang kwarto meron siyang full length mirror at dun tinitigan ang sarili.

“Graveh ka! Talagang takot ka huh! Talagang hindi ka makakapag-asawa kung ganyan ka.

“Pinaparusahan na yata ako Pre,” may pag-aalala niyang sabi. Dumarami na wrinkles ko. Hindi na siya yung dating Ashgab na kinaba-babaliwan ng mga lalaki noon. Ano pa ang silbi ng matangos niyang ilong na kinopya ni Pre ang korte nung nagpa-nose lift ito. Sexy ang lips niya with or without lipstick. Naalala pa niya nuon na laging sinasabi sa kanya ng mga manliligaw niya kay sarap hagkan ng kanyang mga labi. Habang nagkakaedad siya, unti-unting namang nag-lalaho ang mga nang-liligaw sa kanya at eto nga wala man lang magkamaling mangligaw sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nerdly Love &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon