CHAPTER 1: THE GIFT by Jim Brickman
‘But the colors fade away and the years will make us break.’
***************************************************************
“Multiply the first number in the fourth blah blah blah, that is, written two times the eklavu of chuvanes and chakadoll.. and that’s how you solve the synthetic division. Any question class?”
Tagal naman magbreak. Gutom na ko. Amboring pa naman magturo nitong professor na to.
Zeeeezzz…
Napatingin ako sa katabi ko. Tsk. Tulog na naman..
Poke! Poke!
“Uy Ngetz..” bulong ko sa kanya.
Zzzzzeeezzzzzzz….
Haiszt! Ayaw gumising nitong katabi ko… Palibhasa matalino eh! Mukhang tukmol pa naman pag nakatungo at natutulog.
Poke! Poke!
Tinusok ko ng tinusok ng takip ng ballpen yung pisngi nya.
“Uy Ngetz gising na. baka mahuli ka ni Ma’am.”
Abat dineadma lang ako?
“Hmmp! Bahala ka na ngang mapagalitan!”
Nakakaloka naman kasi tong si Austine, tanghaling tapat natutulog? Ano ba’ng pinaggagagawa nito at sa araw natutulog?
Hay salamat tapos na rin maglecture sa Math. Tsk. When I was kinder and grade school I really really love math. But now I’m starting to hate it. Duh! Kung makapagsynthetic division at factoring akala mo naman magagamit mo yun sa pagbili ng mga pagkain. Duh ulit! Try mo nga?
Pabili nga po (2x+6)(3x-9) na bawang.
Oh di ba? Pag hindi ibinato sayo lahat ng bawang ng tindera eh. Tsk! Hindi ko lang talaga magets kung bakit kailangan pang matutunan yung mga ganyan. Ikaw? Alam mo ba? Paexplain naman ng sipagin ulit akong mag-aral sa math!
At habang nandito ako’t nagrereklamo sa inyo, tignan mo tong katabi ko, nakaalis na’t lahat lahat yung prof namin tulog pa rin? Magising na nga at baka magwala pa pag di nakakain ngayong breaktime.
“Ngetz..”
Arrgg! Deadma pa rin! Ano ba ang pinagkakaabalahan nito at mukhang pagod na pagod?
“Hoy Mr. Sirius Austine Anderson! Yang mga alaga mo sa tiyan baka nagwawala na!”
“What the F*ck! RIELLE!”
Bwisit kasi ayaw gumising. Ayun sinigawan ko sa tenga nya, napatayo siya sa gulat at tinignan ako ng masama. Look at this nerd’s face!! Parang gusto na kong ilibing ng buhay! xD