Naaalala mo pa ba,
Nung tayo'y unang nagkita?
Mga titig mo'y kay ganda
Tila ako'y namamangha.Puso ko'y binihag mo na,
Handang alipinin mo pa.
Lahat ibibigay sa'yo,
Kahit buong pagkatao.Ang unang yakap at halik,
Sa isipa'y di maiwaksi.
Mundo'y biglaang tumigil,
Tuwing ikaw ay kapiling.Pagkagising sa umaga,
Boses mo ay hanap-hanap na.
Marinig ko lang boses mo,
Kompleto na araw ko.Tuwing sasapit ang gabi,
Puso ko'y di mapakali.
Nais kang tawagang muli,
Kalagaya'y hangad lagi.Susunduin ka sa skwela,
At susurprisahin kita.
Tsokolate't mga rosas,
Ay alay ko sa'yo sinta.Akala ko ay tunay na,
Puso ko ay mali pala.
Matutuldukan na pala,
Walang hanggang inakala.Ngayon ay hinahangad ko,
Tunay kong kaligayahan.
Sana ay masaya ka na,
Kahit ako'y durog na.Huling sana'y pagbigyan,
Bisig mo'y maramdaman.
Kahit puso ko'y basag man,
Huling Yakap ay pagbigyan.
BINABASA MO ANG
Tula ni Author
PoetryIsang manunulat at makata na dating nagmahal subalit paulit-ulit lang na nasasaktan kaya nagdisisyon na lang na magsulat ng mga tulang sumasagi sa kanyang malikot na imahenasyon.