Chapter 1

25 4 0
                                    

-Kai'zer's Eyes-

Walang katao-tao sa loob ng laboratory. Marahil siguro nalalapit na yung school fair na and nagpeprepare na sila. Libre naman ako ngayon kaya napagdesisyunan ko magpahinga sa lugar na tahimik. Huminto ako sa harapan ng Science Lab. Wala naman sigurong mambubulabog sakin dito.

Napahinto yung pagmumuni muni ko nang may kumatok sa pintuan. Siguro pangapat na beses na niya tong pagpasok dito sa Lab para lang magtanong about sa School Fair. Napatayo ako ng di oras mula sa pagkakahiga ko sa lab table nung naningkit yung blue niyang mata sakin.

"You know you weren't supposed to sit on the laboratory table, Kaizer." Panenermon niya sakin. "Marami naman tayong stools ah. Bakit hindi ka maupo sa isa sa mga yun?" Dagdag pa niya.

"They make me feel uncomfortable." Blankong sagot ko sa kanya. Ganyan talaga mga sagutan ko sa mga tao, choice na nila kung ma-annoy sila or hahayaan nalang nila.

"Pinapatawag ka ni Reign sa Quad. Nakaoff daw yung phone mo, di ka daw niya ma-contact." Bumuntong hininga siya bago ngumuso. Hawig niya si Simsimi. Siya si Tabitha Maine Ortiz, hindi lang sa panlabas mukhang inosente, pati sa pagiisip.

"Himala ata na Reign tried to contact me through his phone, Tabby." Biro ko sa kanya bago ako nagsimulang maglakad palabas ng Lab. Quadrangle? Madaming tao and mainit dun ah. Alam ni Reign kung gaano ko kaayaw ang mataaong lugar at init.

Binagalan ko lang yung lakad ko papuntang Quadrangle. Marami-rami narin palang tents at booths na nakatayo. Pagkatapak na pagkatapak palang na kaliwang paa ko sa Quad, rinig ko na kagad ang sigawan at tilian ng mga tao.

"Kai is here!"
"OMG atii!"
"Dali! Picturan mo bakla!"

Napabuntong hininga nalang ako habang naghahanap ng lalakeng nakasalamin at magulong buhok. Nagulat ako ng may biglang humarang sa harap ko. Junior Student Chase. Notorious na Fuccboi and gangster sa school.

"Tignan mo nga naman kung anong dinala ng hangin dito." Inismiran ko lang siya at tinitigan. Nagpanggap akong inaamoy yung hangin bago binaling pabalik sa kanya yung tingin ko.

"Hulaan ko, Ikaw at yung putok mo?" Nginitian ko siya ng nakakaloko. Kitang kita ko kung pano halos umusok yung tenga at ilong niya. Nakakaaliw naman siya, sayang may putok siya.

"Mayabang ka talaga eh noh?" Pikon si tangkad. Gustong gusto ko talaga kung pano sila mapikon ng simpleng salita lang. Ambabaw nga lang nun kung tutuusin. Palibhasa puro pagpapa-pogi lang ang alam.

"Can't help it. I'm too damn good." Sagot ko sakanya habang nakaismid ng nakakapangasar. Tinalikuran ko na siya at nagsimulang hanapin ulit si Reign.

"Aba'y loko ka pala talaga eh!" Hinawakan niya ako sa balikat at hinatak. Nagsisimula na akong mairita sa kanya. Naikuyom ko ang palad at bigla nalang yung kamao dumapo sa pisngi niya. Hindi naman yun ganun kalakasan pero napabalikwas parin siya sa sakit. Nagtigilan at nagtilian yung mga tao.

"Sinayang mo oras ko. Isang suntok palang yan, wag mong hintaying ibigay ko sayo yung 'full package'." Inayos ko muna yung lukot sa coat ko bago ako naglakad palayo. Dun sa likod ng mga taong nakapaligid samin, nakita ko yung lalakeng hinahanap ko. Naglakad ako papunta sa kanya at automatic na nahati yung mga tao parang yung Red Sea lang nung Exodus.

"What's with you punching every damn guy who annoys you?" Asar niya sakin habang pinupunasan niya yung salamin niya. Inabot niya sakin ang isang folder bago kami nagsimulang maglakad paalis ng Quad.

"He pissed me off." Tipid na sagot ko sa kanya. "You called me out. What the hell is it this time?"

"President ka ng Student Council Kai. You have to do something hindi yung naggagala gala ka." Umpisang sermon niya sakin. Siya si Reign Kristoff Andersen, Vice president ng Student Council. Hindi ko pinansin yung sermon niya at binasa ko yung document na inabot niya sakin kanina habang papalapit ako sa kanya.

"Ano to?" Inis na tanong ko sa kanya. Tinapik ko pa yung folder gamit yung likod ng palad ko. "Why should I cooperate with the Dance Troupe? We already agreed to their proposal last event. Ano nanamang bang kalokohan to?" Like hell that would work out.

Naramdaman kong nanlisik yung tingin niya sakin. Ano nanamang ginawa ko? I was just stating facts. Inagaw niya yung folder bago ngumiti ng nakakaloko. Malakas ang saltik nitong lalaking to at paniguradong may naiisip nanaman siyang kalokohan kada ngumingiti siya.

"No. No Reign. Just. No. " Lumapit siya dahan-dahan at inadjust yung salamin niya. Tang ina nitong lalakeng to.

"The thing is, I already accepted it before I made you read it." Lumiwanag yung salamin niya nung may sinag na tumago sa mga dahon. 'Fuck you Reign' Tch. Wala na akong magagawa, Never pa naman akong nanalo dito sa lalakeng to. I shoved the papers back to his chest bago naglakad palayo sa kanya.

Habang nasa hallway ako, may narinig akong upbeat music. Hindi kalayuan sa kinatatayuan ko ay may nagpapractice ng dance. 'Dance Troupe?' Out of curiosity, lumapit ako dun since andami rin namang mga taong nagkukumpulan.

Dun ko nakita ang isang babae. I was mesmerized by the way she danced. Magaling siyang sumayaw at malinis ang movements niya. It almost felt like she was born to dance.

"Hi, kilala mo ba yung babaeng yun?" Tanong ko dun sa isang babaeng nanunuod. Nung una ay hindi niya nakilala yung boses ko kaya hindi niya ako pinansin.

"I was asking if you know her." Paguulit ko sa tanong ko kaya't napalingon na siya. Nakakunot pa yung noo nya nung una ngunit naglaho yun bigla at napalitan ng napakalawak na ngiti.

Titili na sana siya pero tinakpan ko kagad ng hintuturo ko yung bibig niya.

"Just answer the question." Nakangiti ko pang sabi sa kanya.

"S-siya si Michelle V-Valdez, current Captain ng Lions." Pautal-utal na sagot sakin. So siya pala Captain ng Lions, Dance Troupe ng School.

"Sige, Maraming Salamat." Nagbow ako ng konti bagi umalis mula don. 'Akalain mo yun, dito lang rin pala kita makikita.' Bahagya pa akong napatawa dahil sadya pala talagang mapaglaro si tadhana.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mirrored RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon