Chapter 1
Babala sa taong Babasa nito.
Kung wala kang tapang ay mas mabuting sunugin mo na lang ito at tuluyan nang kalimutan.
Dahil kung inumpisahan mo nang buklatin ang unang pahina nito ay masasadlak ka sa isang sumpa.
Isang sumpa na hindi mo na kayang talikuran. Isang pananagutang hindi mo kayang tanggihan.
Ang buhay mo ay mababago sa mga kwentong sadyang hindi inilathala at tuluyan nang kinalimutan.
Ang sekretong ito ay pinangalagaan ng ating angkan sa matagal na panahon. Binibigay ko naman ito sa iyo at sa mga susunod pang henerasyon. Ang katungkulan natin sa bayan ay mas mahalaga pa sa buhay natin. Kaya kung masyado mong pinapahalagahan ang buhay mo ay mamuhay ka na lang ng mapaya.
- Alejandro
Ito ang nabasa ko ilang taon na ang nakalipas. Ilang taon na pala iyon? Hindi ko na alam pero hindi ko makalimutan ang araw na iyon. Ang araw kung saan ako’y naging isang SPY. Nagmula daw ako sa angkan ng mga espiya. Si Alejandro? Hindi ko siya kilala… pero ang sabi ng nakakatanda kong kapatid siya daw ang tunay kong ama.
Maliit pa lang ako ay lagi nalang akong napagtitripan sa aming bayan sa Tondo. Mahirap ang kinagisnan kong pamumuhay, isang lasengo ang tinuring kong papa at isa namang labandera si mama. Madalas kong nakikitang sinasaktan ni papa si mama hanggang sa nagkasakit ito at tuluyang nawala. Magmula noon ay hindi na ako bumalik sa bahay at namuhay ako sa kalye… mga batang palaboy ang tawag nila sa amin. Sampung taong gulang ako nang matuto akong magnakaw kasama ng bestfriend kong si Islaw.
Mahirap ang naging buhay namin… madalas ay nasasangkot kami sa mga habulan at minsan naman sa bakbakan. Pero mabuti nalang at meron akong naging tunay na kaibigan na talagang maaasahan ko. Magkasing edad lang kami ni Islaw pero mas matanda siya sa akin kung mag-isip.
Makalipas ang dalawang taon ay nahuli na rin kami ng mga pulis at dinala sa DSWD. Inilipat kami sa Boys Town, isa itong institusyon para sa mga batang kalye na tulad namin. Pero tumakas kami ni Islaw kasama ang dalawa pang bata dahil hindi na namin matiis ang pang-aapi ng mga namamahala sa lugar na iyon. Sapilitan kasi kaming pinagtatrabaho sa isang sindikato. At ang iba ay ginagamit rin nila sa pagbebenta ng druga.
Hindi madali ang naging pagtakas namin dahil hinabol pa kami ng salbahing security guard. Habang tumatakbo kami ay umalingawngaw ang malalakas na putok ng baril. Mabilis kaming tumakbo pero biglang nadapa si Islaw… tinamaan pala siya sa kanyang balikat.
“Islaw!” napahinto ako.
“Umalis ka na!” ito lang ang huling narinig ko. Tumigil ako at bumalik sa kanya pero pinagbabaril na kami at natamaan pa nga ang isa sa mga batang kasama naming tumakas. Patay ito agad habang ang isa naman ay patuloy lang sa pagtakbo papalayo sa amin. Hindi ko na kinayang tumakbo at umiyak na lang ako habang tinignan ang nag-aagaw buhay kong kaibigan. Tumigil naman sa pagbaril si Mang Kulas nang masiguro niyang patay na talaga si Islaw. Napaiyak ako at niyakap ang kaibigan na itinuring kong kapatid. Naisip ko ang mama ko at si Islaw sa pagkakataong iyon at wala na naman akong nagawa para tulungan sila.
Alam kong papunta na sa kinakatayuan ko ang si Mang Kulas at nakatutok sa akin ang kanyang baril. Hindi ko nalang siya tinignan. Idinungo ko na ang ulo ko at hinintay na barilin niya rin ako. At umalingawngaw ang isang putok na akala ko ay tumama sa akin pero hindi iyon ang nangyari. May isang lalaking dumating at pinaputukan si Mang Kulas na tinamaan sa may ulo nito at bumagsak sa lupa.
BINABASA MO ANG
Ang Punyal ni Bonifacio
ActionBabala sa taong Babasa nito. Kung wala kang tapang ay mas mabuting sunugin mo na lang ito at tuluyan nang kalimutan. Dahil kung inumpisahan mo nang buklatin ang unang pahina nito ay masasadlak ka sa isang sumpa. Isang sumpa na hindi mo na kayang tal...