Forever

51 1 0
                                    

Lyn

Love? Tss. Masakit. Masakit magmahal. Alam ko na yan eh. Habang naglalakad ako patungo sa park, nakapansin ako ng isang couple na sorang sweet. Unang pumasok sa isip ko si Ren. Si Ren. Those moments with him are the best. Lahat ng binigay niya, ginawa niya, lahat nasa puso ko at kelanman ay hindi mawawala.

"Ai. Anong gagawin mo kapag nawala ako sa yo?"

"Syempre, pipigilan kita. Mahal kita eh."

"Talaga?"

"Talaga."

Ai ang tawagan namin which means love in Japanese. Haha. Corny noh? Pero, para samin, we mean it. Really. Mundo na namin ang isa't isa.

"Ai, sigurado ka ba dito?"

"Syempre. Kasama mo naman ako eh. Di kita hahayaang mapahamak." Sasakay kasi kami sa Space Shuttle. He knows that I'm afraid of heights, pero eto siya, namimilit.

"Sigurado?"

"Sigurado."

SPACE SHUTTLE

"Ai, ayaw ko naaa."

"Kaya mo yan." Magsisimula na pero eto ako, nakapikit at mahigpit ang hawak sa kanya.

"WAAAHHH." Kasali ako sa mga sumisigaw kaso may hindi nakatakas sa tenga ko.

"AI. MAHAL NA MAHAL KITA!!!!!!!!!!" Napangiti ako. Tila nag-slowmo ang pagbaba ng space shuttle and before I knew it, nasa baba na kami.

Dalawa lang yan sa mga memories namin. Masaya naman kami eh. Pero, siguro hindi lang talaga kami meant to be. We're not destined for each other. Bakit nga ba kami nag-break? Hay.

"Lyn." First time niya akong tinawag na ganyan. As in, sa real name ko.

"Ai, bakit?" kaba kong tanong sa kanya.

"Lyn, ayoko na."

"Anong," Nangingilid na ang luha ko. "Anong ayaw mo na?"

"Lyn, ayoko nangg makipaglokohan sayo."

"Hindi naman tayo naglolokohan ah?"

"Pero Lyn, hindi na kita mahal." Pagkasabi niya non, tuluyan na akong naiyak. Nakatingin lang ako sakanya habang hinihintay ang, 'Joke lang. Mahal kita Ai' niya. Iniintay ko lang yon eh. Pero wala. Nakatingin ako habang nakatakip ang kamay ko sa bibig ko para mapigilan ang hikbi ko.

"B-bakit?" Kahit wasak na wasak na ang puso ko, pinilit kong magsalita para malaman ang katotohanan.

"May mahal na akong iba." And with that, mas lalong nawasak ang puso ko. Bakit pa niya to ginawa sakin? May karapatan naman akong magmahal at mahalin diba? Pero, bakit ako pa?

"Sino?" Kahit ayaw kong malaman, pinilit kong patatagin ang sarili ko. But with the name that followed my question, I don't think my heart can live any longer.

"Momo." Bakit? Ha? Bakit ang bestfriend ko pa? Bakit siya pa? Ako naman ang nandito ah. Bakit?

"Bakit," nauutal kong sabi. "Bakit ang BESTFRIEND ko pa?"

"I really don't know. Nalaman ko nalang na isang araw, siya na ang mahal ko." Ang sakit. Ang sakit-sakit. Ano pa bang kalokohan ang tinatago mo, ha, Ren?

"I'm so so sorry. Pero, huwag mong isipin na hindi kita minahal dahil I really loved you." LOVED. Past tense. Tapos na. Tuloy tuloy pa rin ang luha ko ngunit agad ko itong pinunasan. 

Forever (OS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon