Chapter 1
PAKIRAMDAM ni freya ay namanhid ang kamay niya sa lakas ng pagkakasampal sa babaeng kaharap. Hindi inaalis ang nanlikisik niyang mga mata at ang arko ng pagkakataas ng kaniyang kilay. Kailangan niyang panatilihin ang matapang at palaban niyang aura, hanggang sa marinig na niya ang hinihintay na hudyat.
Pero sa likod ng madilim na aura niya na iyon, labis na pagod na ang nararamdaman niya. Kung siya lang ang masusunod, gusto na niyang makauwi kaagad at makapagpahinga.
"And. . . Good take!"
Isang malalim na buntong hininga ang ginawa niya ng marinig ang hudyat na gusto niyang marinig kanina pa. Pagkatapos ay walang ano anong tumalikod siya at muling naupo sa silyang nakalaan para sa kaniya. Ni hindi na niya napansin ang biglang pag talim ng tingin sa kaniya ng babaeng kaeksena.
Sanay na siya sa mga ganung uri ng artista. Na kung minsan ay nakakasagutan pa niya kapag wala sila sa harapan ng kamera o nasa dressing room. Inaakala talaga ng iba na napaka perpekto ng showbiz industry.
Freya is an actress. pero hindi tulad ng iba, hindi siya ang tipo ng artista na laging bumibida sa mga pelikula at palabas. Kilala siya sa kaniyang karakter bilang isang kontrabida.
Nagsimula siya sa karera na iyon na hindi lumaon ay mas umusbong pa. Isa na siya ngayon sa mga magagaling na kontrabida. At yun ay dahil na rin sa kaniyang pagtatiyaga.
Hindi madali sa umpisa na hanggang sa nagtagal ay nakasanayan na niya. Pero may mga pagkakataong lihim siyang naiinis. Lalo na't hindi lang sa mga artistang kaeksena siya nakakarinig ng mga masasakit na salita. Ganun din sa iba.
Trabaho lang ang ginagawa niya, pero may mga tao talaga na minsan ay pinipersonal siya. Ngunit binabalewala nalang niya ang mga naririnig at sinasabi ng ilan.
Pagkasandal niya sa upuan Agad na lumapit sa kaniya ang personal assistant niyang si joy. inabutan siya nito ng malamig na tubig at nginitian. Gumanti rin siya ng tipid na ngiti dito bago niya nakita ang paglapit ng kaniyang manager na si ayen. Hindi nalalayo ang edad niya dito ngunit wala pang asawa. Two years ago ng magretiro ang dati niyang manager na si mrs. sam. Hanggang si ms. Ayen na ang maging handler niya. Gaya ni joy ay nginitian din siya nito nang makalapit sa pwesto niya.
"Bukas na lang daw kukunin yung mga susunod na eksena sabi ni direck. and i know you're tired. Gusto mo na bang dumeretso ng uwi?"
"Sana. Pero wala na ba akong ibang naka scedule ngayon?" Tanong niya dito. Gusto na talaga niyang magpahinga. Halos kaninang madaling araw pa kasi siyang nagtatrabaho. paron't parito sa mga lugar na kailangan niyang puntahan.
"Don't worry, ako ng bahala. Kakausapin ko nalang sila. Besides, gagabihin ka rin kung pupuntahan mo ang mga iyon. Sa ibang araw na lang natin gawin, magpahinga ka na muna. I bet, hindi ka pa nakakatulog ng maayos. Three days ka ng sunod-sunod na nagpupuyat."
"Oh, ms ayen. You're really an angel." Ginantihan niya ito ng matamis na ngiti. Parang kapatid na rin ang turing niya sa kaniyang manager. Buti nalang talaga at lagi siyang ginagabayan nito.
MAG ISA nalang ng makauwi si freya sa luxury condominum na tinutuluyan niya, dala naman niya ang sariling sasakyan kaya hindi na siya nagpahatid pa sa manager. Alam niyang gusto na rin nitong makauwi at magpahinga, pinauwi na rin niya si joy na alam niyang wala ring matinong tulog.
BINABASA MO ANG
🔞 When The Curtain Falls [ON HOLD]
General FictionFreya was satisfied with what she did achieve in her career, dahil alam niyang hindi biro ang lahat ng kaniyang pinagdaanan para makamit ang pagiging isang magaling na primera kontrabida. She would say, her life was almost perfect. Not until cliden...