Stefi's POV
I'm so excited kasi pupunta si dito si crush salamat kay Jannah and yes tama kayo ng basa dahil crush ko si Aira since nung first encounter ko sa kanya. Naramdaman ko kasi yung di ko pa nararamdaman dati.
Narinig ko na may nag doorbell kaya naman binuksan ni Dada iyon at inilabas nito sina Aira na nakanganga dahil ata sa laki ng bahay namin kaya naman pinapasok na sya ni Dada hanggang ako ito todo ang ngiting abot tenga.
"Ahh gusto nyong kumain? magluluto ako"tanong ko sa kanila.
"Ay sige"agad na sabi ni Prince kaya naman dumiretso ako sa kusina syempre para magluto nang lumapit sakin si Aira.
"Tulungan na kita tutal marunong rin naman ako magluto"sabi nya kaya naman tumango ako at nag isip ng lulutuin.
"Hmm what should we cook?" tanong ko sa kanya kaya naman napatingin at nagtama ang aming mga mata at bigla nalang bumilis ang tibok ng heart ko kaya naman umiwas agad ako ng tingin.
"Uhhmm Bicol Express na lang gusto kasi nila yon"agad na sabi nya kaya tumango ako.
"Sige gusto rin naman nila yon" sabi ko rin kaya naghiwa na kami ng mga ingredients.
Nang matapos kami magluto ay dinala na namin ito sa sala.
"Wow mukhang masarap yan ahh"sabi ni Cha Cha kaya nginitian ko sya pero sya naman ay nag smirk lang, alam ko ang ngiting yan kaya naman sinamaan ko sya ng tingin dahil pag titripan ako nyan.
"Oo nga patikim"sabi naman ni Rhaniel at tinikman ang luto namin ni Aira.
"Ako rin"sabi naman ni Dada kaya naman kumain na rin sya at kumain na rin ang iba
"Hmm ang sarap, stefi gusto mo?"tanong sa akin ni Aira habang naka amba ang kutsara sa bibig ko kaya naman sinubo ko agad ito ng magsalita si Princess.
"Ang dami namang langgam dito" sabi nya kaya naman napatingin ako sa braso at sa paligid ko pero wala akong nakitang langgam.
"Oo nga ang kati kinakagat na ako oh" sabi rin ni Jannah.
"Maligo ka nang mawala yang langgam sa katawan mo"sabi sa kanya ni Angela kaya naman inawat namin sila kasi baka magkaroon pa ng World War 3.
"Hayy nako mag aaway nanaman kayo"sabi ni Badeth kaya sabay napatingin sakanya ng masama ang dalawa kaya naman tinaas nya ang dalawa nyang kamay na parang suma surrender sa pulis.
"Tara na nga gawa na tayo ng project at baka madamay pa tayo sa gulo nyan"sabi ko at akmang aalis ng may sabihin sya.
"Wehh ang sabihin mo gusto mo lang masolo si Aira"sabi nya kaya naman namula ako at umiling na lang at pumunta sa kwarto ko baka makapatay ako dito na nag ngangalang Jannah Mhei Soriano.
BINABASA MO ANG
The New Girl(GxG)
Teen Fictionpaano kung mainlab ang sikat na grupo sa SDMB university sa mga hamak na transferee lang.... Abangan sa storyang ito