Kabanata 46 - Ang Pagbagsak
Plaza de Asis
Ciudad de Santa Clara de Asis "
1890Nagkatinginan kaming magkakapatid at ng dahil sa bagong panukalang batas ni Gobernador Facundo ay tila hindi na ako matatahimik nito. Panginoon ko po ano na namam po kayang masamang balak ng gobernador na ito? Tulungan niyo po kami.
"Ano na naman bang nais ni Facundo? Ako'y nababagabag sapagkat nakatitiyam ako na bagong hirap na naman ito para sa atin" rinig kong bulong ni Ina at kita ko sa mata niya ang bakas ng takot.
Hinawakan ko ang kanyang kamay para pakalmahin siya at nakita naman niya 'to.
"Ina huwag ka pong mag-alala, naniniwala ako na hindi tayo pababayaan ng Diyos, magtiwala lamang tayo sa kanya" sambit ko kay Ina at niyakap niya ako gamit ang isang kamay niya.
Hindi ko hahayaan na pahirapan pa kami lalo ng gobernador na 'to sisiguraduhin ko na pipigilan ko siya sa kahit anong paraan.
Panginoon tulungan niyo po ako.
----
Dumaan ang ilan pang mga araw at katulad ng inasahan namin ay mas naging malala pa ang naging sitwasyon namin. Habang tumatagal ay patuloy na nalulugi ang aming hacienda sapagkat inaatake ng mga peste ang mga tanim na niyog sa plantasyon.
Nandito kami ngayon sa plantasyon ng mga niyog sa aming hacienda kasama ko sila Ina ngunit wala ang nga kapatid ko dahil may kanya kanya silang ginagawa sa mga kwarto nila.
"Don Carlos malaki na po ang nawawala sa atin simula ng dumapo ang mga pesteng insekto sa mga niyog na pananim natin, hindi na po namin alam ang aming gagawin" wika ng isang trabahador ni Ama na siyang namumuno sa mga kapwa niya trabahador ng haciendero.
Napapikit na lang si Ama at napailing iling habang hinihithit niya 'yong tabako niya.
"Wala na bang ibang paraan upang malutas ang ating problema sa mga niyog?" Tanong ni Ina sa trabahador na kausap namin.
"Doña Catalina, halos dalawang linggo na din tayo pinahihirapan ng mga peste na iyan at ilang bungang buko at punong niyog na ang nasira ng dahil sa kanila, hindi na po namin alam ang gagawin" inda pa no'ng trabahador at may nakikita ako sa hindi kalayuan na pinuputol na niyog dahil patay na ito.
Kung naimbento na agad ang pesticide sa panahon na ito, Hindi sana naghihirap ngayon ang mga trabahador namin? Ang kaso mahigit apat na dekada mula ngayon bago pa maimbento ang pesticide dios mio ang tagal pa.
"Sige na sunugin niyo na ang mga niyog na sira upang mamatay na ang mga nakadikit na mga peste rito at tiyakin niyong hindi mahahawaan ang iba pang mga tanim, nauunawaan niyo ba ako?" Bilin ni Ana do'n sa trabahador.
"Opo Don Carlos masusunod po" tugon no'ng trabahador.
"Sige na bumalik ka na sa iyong gawain" ramdam ko sa boses ni Ama ang pagkalugi kaya naman naaawa ako para sa kanya dahil kapag nagtagal tagal ito ay baka bumagsak ang hacienda at maghirap ang aming pamilya .
"Carlos paano na iyan? Kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon natin ay malulugi ang ating plantasyon at maghihirap ang ating pamilya" malungkot na sabi ni Ina kay Ama at bakas din sa mukha ni Ina ang panghihinayang.
BINABASA MO ANG
The Unexpected 19th Century Journey
Ficción históricaCatherine McKinley in short Cath, isang popular student ng kanilang school una sa lahat maganda at sobrang talino, manang mana sa grandparent niya na model, lahat na sa kanya pero nasa sinapupunan pa lang siya ng Mommy niya ay sinabihan na siya ng i...