May mga bagay na gusto nating makuha pero hindi pwede,at kung ano pa ang ayaw natin ay iyon pa ang pwede.Minsan mapapatanong ka nalang,kung bakit napaka-unfair ng mundo?
At mapapaisip ka kung bakit sino/ano pa ang gusto mo ay iyon pa ang hindi pwede.Sa bilyon-bilyong taong nakatira sa mundo na ito ay isa lang ang hinihiling mong mapasayo,pero hindi pwede.hindi pwede,dahil maraming tutol.
Maraming pagsubok ang dadaanan mo para lang mapasayo ang taong iyon ngunit sa kabila ng pagsubok na iyon ay mapapatanong ka kung bakit gagawin mo pa iyon kung sa bandang huli ay imposibleng mapasayo siya.
Sayo nga siya pero dadating ang panahon na magkakahiwalay din kayong dalawa,hindi dahil sa mga pagsubok na papasok sa relasyon niyo,kundi sa mga taong pilit kayong paghihiwalayin.
Isa lang naman ang kaaway mo,at iyon ang tadhana.Tadhana na pilit kayong pinaghihiwalay,na kung kayo man ay pagtatagpuin ay may mga tao naman ang gagawa para paglayuin kayo.
May mga taong gustong makapasok sa buhay mo pero binabalewa mo lang dahil sa isang tao lang nakatuon ang atensyon mo,isang taong akala mo imposibleng magkagusto sayo ay yoon pala'y lihim kang ginugusto.
"Mas masakit magmahal ng patago dahil kapag nasaktan ka,wala ka na ngang karapatang masaktan lihim ka pang iiyak sa taong hindi mo alam kung meron ba siya sayong pakealam"
-Ashton
Sa pagkakataong iyon ay unti-unting pumapatak ang kanyang luha,pilit niyang pinipigilan ngunit dahil sa sakit ng nararamdaman niya ay pumatak na ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan.
"Mas masakit mag-mahal ng taong hindi mo alam kung may gusto ba siya sayo.Yung tipong wala kang pakealam kung babae ka dahil ikaw na mismo ang namimilit na mapasayo siya"
-Valerie
Pilit niya namang nilalabanan ang sakit,pagkadurog at mga likidong gustong tumulo.Nagmamahal lang naman siya ng taong hindi niya alam kung posible bang maibalik yung pagmamahal na ibinibigay niya sa isang tao,wala siyang pakealam kung siya pa mismo ang manligaw sa isang lalake.Ang mahalaga sakanya ay mahalin din siya nito pabalik.
"Dadating din ang araw na malalaman niya na dati ko pa binalik ang pagmamahal na gusto niyang maramdaman galing saakin.At sa araw na iyon ako naman ang gagawa ng paraan para maibalik ang mga paghihirap niya na ginawa para saakin nung mga panahong wala siyang kamalay-malay na may gusto na pala ako sakanya"
-Ashton
--------------
"Dadating din ang araw na mapapagod ako,sasara ang pintuang nakabukas sa isang taong gusto kong mapasaakin,at sa araw na iyon ay magpapahinga lang muna ako dahil sa pagod,at hindi ko alam kung kailan babalik ang lakas ko,at mas lalong hindi ko alam kung bubuksan ko pa ba ang pintuang para sa isang tao lamang"
-Valerie
At sa araw na sila ay mapapagod,didilim ang kalangitan at sasabay ang agos ng kanilang mga luha kasabay ng pagpatak ng mga ulan.Sa araw na sila ay magagalit sa Tadhana ay magagalit ang kalangitan at susunod ang tunog ng kidlat na tila galit na galit sa kanilang ginawa.
(Maria_Lity)
YOU ARE READING
Hindi nga pala tayo Pwede
Short StoryMay mga bagay na kung ano man ang ayaw mo ay iyon ang pwede,at may mga bagay naman na kung ano man ang gusto mo ay iyon pa ang hindi pwede...