WAI 32

17 0 0
                                    

Erza's Pov

Salamat at kahit kontrabida ako, mabait pa rin ang diyos sakin, unti-unting gumagaling na si Jace, at hindi na Jace ang name niya kundi bumalik na sa Charlie, kilala na niya ang sarili niya as Charlie.

Nandito ako ngayon sa Domainian Health Care Center , sa madaling salita, isang Mental Hospital kung saan inadmit ko si Charlie, weekly ko siya dinadalaw dahil busy ako sa work ko, pero lagi naman ako inuupdate ng mga nurse niya dito.

"Hi!" bati ko sa kanya.

"Erza buti napadalaw ka ulit!" He's not cold diba? At bumalik na siya sa dating friendly at hindi masungit, yan kasi talaga pagkakakilala ko sa kanya noon pa man.

"Uy namiss mo ba ko? May dala akong food na favorite mo"

"Syempre namiss kita, wala akong kakwentuhan dito kundi yung mga nurse, siguro akala nila nababaliw pa din ako" sabay tawa niya at ngiti sakin.

"Nako, eh kamusta naman buhay mo dito? Handa kana bang humarap ulit sa real world?" Yan ang lagi kong tanong sakanya, pag kasi iba ang sagot niya at malayo sa tanong ko, hindi pa siya magaling nun, yun ang payo sakin ng doctor niya.

"Hindi pa ko handa Erza, hindi ko pa kayang harapin lahat ng naging kasalanan ko nung ako pa Si Jace" napatingin siya sa malayo, hmm may improvement naman yung sagot niya, nung mga una kasi, di niya talaga ko kinakausap, nagtiyaga lang talaga ko sakanya, ganun ko siya kamahal.

"Basta sabihin mo lang kung handa kana okay? Magsisimula tayo ulit Charlie.."

"Salamat Erza.. sa lahat" niyakap ko siya, naiyak naman ako, dahil finally! Magiging masaya na ulit ako kasama ang taong mahal ko. "Kung hindi dahil sayo, baka wala na ako, binalot na siguro ako ng kabaliwan ko at tinuluyan na lang ang sarili ko"

"At hindi naman ako papayag na mangyari yun Charlie"

Isang matamis na ngiti ang binigay niya sakin saka niya ko niyakap at nagpaalam na sakanya.

Habang papalakad naman ako papuntang parking lot....

"Mukhang sobrang saya mo Erza ah?" si Melanie, ghad I forgot to get rid of this bitch, di ko siya pinansin at dumiretso ako sa tapat ng kotse ko, pero sinundan niya pa din ako, sabay hatak sa braso ko.

"Anong ginagawa mo dito bitch?" Pagtataray ko sa kanya.

"Kung ako sayo gagawin mokong kakampi mo at isheshare mo sakin lahat ng nakuha mo" sambit niya sakin habang nakapameywang pa sa harap ko.

"At bakit ko naman gagawin yun sayo? Sampid lang naman kayo sa buhay ng dad ko" papasok na sana ko sa kotse ko pero hinila niya ulit ako. "Ano bang problema mo?!"

"Alam kong pinlano mo lahat Erza, alam kong ikaw ang naguutos sa pinsan mo para bigyan ng drugs si Tito Alec at para tuluyan na siyang mabaliw! Alam ko din na pineke mo lang ang pirma ni Tito Alec sa papeles kaya napunta sayo ang kayamanan niya!" nanlaki bigla ang mga mata ko at nasampal ko siya, hindi ko siya nasampal sa galit, nasampal ko siya kase ang lakas ng boses niya, hinila ko siya sa loob ng kotse at doon ko siya kinausap.

"Paano mo nalaman lahat ng ito?! Are you some kind of a stalker?!" sitting pretty lang siya habang nakatingin sa bintana.

"I have a spy camera on Renee's room, matagal nang nandon yon, kase gusto kong hulihin siya sa mga gagawin niyang masama para may dahilan para palayasin siya ni Tito Alec, kaso sobrang bait niya kaya walang nangyare, until you came, napakinabangan ko yung spy cam" sabi niya habang nakangisi pa.

"You little bitch" sabi ko habang naka cross arms.

"You better watch your words Ms. Perre, i have the evidence na pwede kang makulong in 10 or more years, or better yet, lifetime imprisonment" tama, tama siya.

"Kapag binigyan kita, titigilan mo na ba ako?!" Iritang sabi ko sa kanya.

"Hinde, kase may gusto pa kong gawin mo, or tulungan mo ako" ano nanaman binabalak neto?! The hell! Kung kailan nagbabago na ko, saka dadating tong devil na to.

"At saan naman?!"

"I want Dominic back, yung nakabuntis kay Mylene, akin naman talaga siya, malandi lang yung kapatid ko kaya inahas niya sakin si Dominic" same with Renee, magkapatid kami sa ama at inagaw niya sakin si Charlie.

"Okay deal. Pasalamat ka at naiintindihan ko yang sitwasyon mo, bukod sa uhaw ka sa pera, uhaw ka din sa pag-ibig" tinulak ko na siya palabas nang kotse at saka dumiretso sa office.

Naglalakad na ko papsok sa main office, rinig ko ang ingay nila, Dont know kung office related or just plain chismisan, Pagpasok ko ng office, lahat sila natahimik. Bakit nga ba hindi? Super strict ko, at alam nila na ako ang anak ng dating CEO nila which is si Dad.

"Ms. Perre, may nagiintay po sainyo sa office—"

"What?! Who? At bakit pinapasok mo agad sa office ko?" sabi ko nang mapasinghal ako.

"Kilala ka daw po niya ma'am" inirapan ko siya at di na inintay pa matapos ang paliwanag niya.

Pagpasok ko sa office ko, nakatalikod sakin ang swivel chair ko, which means.. may nakaupo doon.

"Who are you? And how dare you to sit on m—" i gasped. "Mama?"

Si Mama ba talaga tong nasa harap ko?!

Who Am I? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon