Renee's Pov
I've been waiting for Blue for almost a year, siguro mag 1 year na next month, mag 1st bday na nga ung anak ni mylene, but he never came back. Naubusan na ako ng pagasa na babalik siya, kung magpapakatotoo ako sa sarili ko ngayon? Minahal ko na si Blue, nahulog na din naman ako kahit na may feelings pa ko kay Starr pero unti unti ko na nalilimutan yun dahil kay Blue, pero heto ako ngayon, mag-isa at walang kasama.
Hindi ko labis maisip kung ano ba talaga tinadhana sakin ng panginoon? Sa dami daming nangyari sa buhay ko, kakaunti lang don ang masasayang memories, kaunti lang ang tinetrrasure kong happy memories.
"Loveeee, ibili mo ako ng napkin! Napakasakit ng puson ko!" rinig kong sigaw ni taf.
"Wait lang, og ako eh"
Narinig ko namang may kung anong tumama sa ulo ni jiro.
"Aray! Sumosobra kana ha"
Haynako, ganyan talaga yang dalawa, aso't pusa pero mahal naman nila isa't isa. Natatawa nalang din ako dahil sila pala ang magkakatuluyan, hindi ko man masabi kung pang habang buhay na ba tong love story nila pero masaya ako para sa kanila.
Hindi tama ung ginawa nila, dahil marami silang nasaktan, pati nga lovelife ko nawala eh, pero kapalit naman nun ay kasiyahan nila, masaya na din ako.
"Lintik talaga, talo tuloy ako! Sa susunod bibilhan ko na ng isang box ng napkin si taf pra di na pabili ng pabili"
Tumabi sakin si jiro habang nagrarant, kahit panay reklamo niya ay sinusunod pa din naman niya si taf, ganoon niya kamahal si taf.
"Hoy renee tulala ka dyan!"
"Madami lang ako iniisip.." Tinaasan niya ko ng kilay, di pa rin talaga nawawala sakanya katarayan niya.. "Alam mo jiro, masaya ako para sainyo.."
"Salamat renee.. hindi ko din lubos maisip na sa lahat, si taf pa pala makakatuluyan ko, naghahanap pa ko ng iba, nandiyan naman siya, yung babaeng nakikita kong makakasama ko habang buhay"
Na touch tuloy ako sa sinabi ni jiro, sana may ganitong lalaki din na mainlove sa akin.
"Pasensya kana renee, nadamay kapa sa gulo na ginawa namin ni taf, pati ung kasiyahan mo nawala, pati ikaw nasasaktan ngayon, hindi ko deserve lahat to" niyakap ako bigla ni jiro na ikinatulo ng mga luha ko.
"H-hindi ko deserve.. p-pero nandito na ako eh" hikbi ko habang nakayakap parin sa kanya
"Im sorry renee... nasira lahat ng goals mo dahil sa pagkakamali namin.."
"Its okay jiro, magiging okay din ako, kung ano man nangyayari sa buhay ni blue ngayon, desisyon niya yun. Desisyon niyang hindi bumalik, at desisyon niyang gawing priority muna ang mga kapatid niya... kahit hindi niya sabihin sakin, alam kong iyon ang dahilan"
—
Naglakad ako papuntang park kung saan hilig namin tumambay ni blue.. huminga akong malalim at tumingin sa langit.. pinipigilan ko ang mga luha ko..
"Sobrang sakit blue.. b-bakit pati ako nadamay? Masaya tayo eh, we were so happy while planning our wedding..
We're both excited! Pero heto ako ngayon, nagdudusa nanaman sa kasalanang hindi ko ginawa, na nadawit lang naman ako pero pati ako nasaktan, pati ako naiwan.."Hinubad ko ang singsing at inilagay yun sa kabilang swing kung saan lagi nakapwesto si blue
"I guess this is goodbye.."
Naglakad na ako palayo, dahil ramdam ko na din naman sa sarili ko na anytime tutulo na ang mga luha ko, anytime magbbreakdown na ako..
Habang binibilisan ko ang paglakakad, kasabay naman ng pagbilis ng tulo ng luha ko ang pagpatak ng ulan, malabo na ung paningin ko dahil sa mga namunuong luha sa mata ko at sa patak ng ulan na napupunta sa mata ko—
"Oh miss.. I'm sorry, are you okay?"
Starr?!
—
Nasa isang mini kubo kami malapit sa beach, parang rent lang to for 1 person, dahil maliit ang space, single bed, pero aircon, basta pang isang tao lang.
"Here hot choco.."
Tinanggap ko naman iyon dahil giniginaw din ako kahit may nakapatong at balot sakin na comforter.
"Anong ginagawa mo dito?"
I asked him, hindi niya ko kilala diba? O nagpapanggap lang siya? Hindi ko na alam takbo ng utak ni Starr, lalo na ngayon na matagal kami nawalay sa isa't isa.
"Finding my true identity..."
"Huh? I don't understand" confused talaga ako, wala ba talaga siyang maalala?
"Ever since I got into that freaking accident, I always dreamed about a girl and that girl wasn't Loraine"
"Then who was it?"
"I don't know.. malabo ang itsura niya, but it seems like we had a strong relationship together"
"I see... bakit hindi mo kasama si Loraine?"
"I broke up with her, I can feel that she's lying, ever since I saw you, I always ask her kung sino ka ba talaga.."
"A-ako?" biglang tumibok ng mabilis yung puso ko.
"Yes. That moment when I saw you at the party? Iba yung naramdaman ko and it doesn't match on how I feel towards Loraine, sobrang magkaiba, and that's what I wanted to know.. kung sino ba talaga ako at sino ka ba sa buhay ko?"
"Ayoko sabihin Starr... ayaw ko na sakin manggaling, gusto ko matuklasan mo na lang"
"But please help me... sobrang hirap na hirap na ako, I don't even know if I have siblings or a family"
Napakunot yung mga noo ko, hindi niya kilala ung triplets? Weird, pero naalala ko din na wala sila don sa party ni Ate Janine, is this some kind of coincidence or what?
"Hindi mo kilala mga kapatid mo?"
"May mga kapatid ako?" bigla niyang inilapag yung hot choco na hawak niya. "Tell me more about me.. please.."
—
Pangalawang bote na ng mojito yung iniinom namin ni Starr, kinwento ko na sa kanya ang lahat, pero hindi pa nagpoprocess sa utak niya yun, hindi ko nga din alam kung naniniwala siya sakin, nabanggit niya din sakin na may partial amnesia siya, yun lang daw ang alam niya at wala nang iba, hindi daw sinabi sa kanya ni Loraine yung totoo, which is hindi din namin alam ang dahilan kung bakit niya itinago ang lahat kay Starr, nagmumukhang malaking question mark tuloy para kay Starr kung sino ba talaga siya.
"Thank you Renee for accompanying me, I'm really glad I bumped into you"
"Masaya din ako na nakausap at nakasama kita ngayon, kailangang kailangan ko to"
Naikwento ko din kay Starr about sa mga nangyari sakin buhat nang umalis siya, lahat lahat.
"I'm sorry if you've been through worst since I left, and also about Blue.."
"It's okay, there's no one to blame, yung nangyari satin noon, di mo kasalanan yun, we both know may ibang reason kung bakit nangyari to sayo, at yung kay blue naman, it's his decision and I won't blame him if he wants to prioritise his family first.."
Medyo napaluha ako ng kaunti dahil naalala ko nanaman si Blue, I'm ready for the wedding eh, handa na ako makipagisang puso kay Blue.
BINABASA MO ANG
Who Am I? (On Going)
Teen FictionA girl who lives in lies, how will she know the truth? Would anyone will tell her? Or she could figured it out herself? How can she escape? Or will she? What if she doesn't?