1997..
"Please Alec.. wag mo akong iwan..."
"Isabelle patawarin mo ako.."
Ganong ganoon na lamang iniwan ni Alec si Isabelle kahit alam nitong buntis si Isabelle at magkakaroon na sila ng anak.
"Pagbabayaran mo ang lahat ng ginawa mo sa akin Alexander Charns"
Mahigpit ang hawak nito sa tiyan at saka inihagis ang mga plato at kung ano pang mga babasagin na malapit sa kanya.
Lumipas ang ilang taon ay naitaguyod ni Isabelle ang kanyang anak na si Erza, pinalaki niya itong matatag, matapang at mapaghiganti, dulot ito ng ginawa ni Alec sa kanya, kaya ganoon na lamang niya impluwensiyahan ang anak niya kahit sa masamang gawain.
Pagtungtong ni Erza sa edad na sampu, nakilala ni Erza ang kanyang ama mula sa malayo, pinagsabihan ni Isabelle na huwag na huwag lalapit dito at baka kunin siya nito sa kanya.
Masunurin si Erza sa kanyang ina, kaya naman kahit gustuhin niyang kilalanin ang kanyang ama, ay hindi niya ito ginagawa dahil pinagbabawalan siya ng kanyang ina.. gayoon na lamang ang naging estado ng buhay ni Erza, sa pagsulyap niya sa kanyang ama mula sa malayo habang kasama ang bago nitong pamilya.
Doon na lamang nagkaroon ng inggit si Erza sa kanyang kapatid sa ama na si Renee, dahil sa mayaman ang napangasawa ni Alec na si Romela, ay nahatak siya nito pataas ng madalian.
Inggit na inggit si Erza kay Renee, bukod sa mayaman ito, nasa kanya pa ang ama niya at nabibigay nito ang mga kinakailangan bilang ama ni Renee na sana ay naranasan niya din.
Paguwi ni Erza sa kanilang bahay ay agad niyang hinanap ang kanyang ina, halos baliktarin na niya ang kanilang bahay ngunit hindi niya ito makita, ipinagtanong na din niya ito sa kanilang kalapit na bahay ngunit wala din silang nalalaman kung saan nagpunta si Isabelle.
Hanggang sa isang araw ay may nagbalita kay Erza na patay na daw ang kanyang ina, nung una ay hindi niya ito pinaniniwalaan dahil hindi niya matanggap, ngunit nang makita niya ang balita na nasusunog ang lugar kung saan nagtatrabaho si Isabelle ay bigla na lamang siya nanlumo.
Agad niyang pinuntahan ang pinangyarihan ng insidente, halos hindi na niya makilala ang mga bangkay na nakatabi malapit sa ambulansya na nakaparada, kaya naman nagdesisyon siyang sa ospital maghintay ng sagot at ng katotohanan.
"Ikaw ba ang anak ni Isabelle?"
Tumango lamang ito at sumunod sa doktor..
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Erza nang makita ang bangkay ng kanyang ina, nakumpirma niyang ito si Isabelle dahil sa suot nitong kwintas.
Mula noong inilibing si Isabelle ay kinupkop ng isang bahay ampunan si Erza, na wala pang isang linggo ay inampon naman agad siya ng pamilya ni Yuan.
At doon nakatagpo siya ng pamilyang mamahalin siya at aalagaan siya sa abot ng kanilang makakaya...—
*Present Day*
Erza's POV
Kanina pa ko pabalik balik ng lakad sa harap ng desk ko habang tatawa tawa naman si mama na nakaupo sa swivel chair ko.
BINABASA MO ANG
Who Am I? (On Going)
Novela JuvenilA girl who lives in lies, how will she know the truth? Would anyone will tell her? Or she could figured it out herself? How can she escape? Or will she? What if she doesn't?