Epilogue

4 0 0
                                    

Abot langit ang ngiti ko na para bang wala nang bukas. Ito yung araw na magiging masaya ako sa buong buhay ko. Pinakiramdaman ko ang hiyaw at palakpak ng mga tao na nasa paligid habang hawak ang isang bouquet na bulaklak papuntang altar.

"Ito na, nakikita ko na sya." sa isip ko

Nakita ko siya sa gilid ng altar. Nakasuot ito na white tuxedo na mas lalong pumogi sa kanya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Napakagat ako sa labi.

"Gosh! This man is so damn hot." sa isip ko

Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad ngunit binagalan ko ito upang tingnan siya nang matagal. Habang tinitignan ko siya nang biglang pumasok sa isip ko ang mga memories pinagsalohan namin sa sampung taon. Kaysarap ulit-ulitin ang mga pangyayaring iyon ngunit naramdaman ko ang pagkadismaya habang tinitignan siya. Nagtaka siya sa itsura ko at agad ko din itong binawi ng malapad na ngiti.

Palapit nang palapit ako sa kanya at tinignan ang dalawa niyang mapupungay na mata. Binigyan niya ako ng magandang ngiti na lalong nagpatibok ng puso ko. Ang pula ng kanyang labi na kaysarap halikin. Di ko na napigilan ay bumagsak na ang mga luhang kanina pang bumubuo sa aking dalawang mumunting mga mata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 04, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Destined But Not Meant To BeWhere stories live. Discover now