Ako ay naglalakad sa liblib na lugar. Tanging malalaking puno at matataas na streetlights lamang ang makikita. At tanging malalakas na hangin lamang ang maririnig sa lugar na ito. Sa bawat kanto ay mayroong streetlight upang magsilbing liwanag sa kalsada kaya hindi masyadong madilim. Malamig ang hangin ngayon kaya tinanggal ko ang jacket na nakatali sa aking bewang at agad na isinuot.
Habang naglalakad ay may nakita akong anino sa bandang likuran ko. Nakaramdam ako ng takot at kaba, pati na din ang panginginig ng dalawa kong tuhod sa dala ng malamig na hangin. Ito'y aking liningon subalit wala akong nakitang tao, ni anino ay wala akong makita. Malakas na tibok ng puso ko ang tanging naririnig ko sa bawat hakbang dala ang aking dalawang tuhod na patuloy sa panginginig dala ng malamig na hangin. Hindi ko iyon pinansin bagkus ay pinagpatuloy ko ang aking paglalakad papuntang kinaroroonan.
Sa kalagitnaan ay may nakita akong anino na sumusunod sa akin. Lumingon ako ngunit wala akong makitang tao. Sa puntong ito ay binilisan ko na ang aking paglalakad. Nagpakita na naman sa akin ang anino na kanina pang sumusunod sa akin. Nagulat ako na may dala itong itak. Mas binilisan ko ang aking paglalakad ngunit mas nangibabaw ang takot na nadama ko dahil mabilis din akong sinusundan na nasa likod ko. Sa puntong ito ay tumakbo na ako ng mabilis. Pakiramdam ko ay hinahabol niya ako. Hinihingal at takot na takot sabay ang panginginig ng buong katawan ang nadama ko.