Faye's POV
"Oh bajada! Bajada! Anim anim yan oh pakiurong nalang! "
Pababa palang ako ng hill yan na naririnig ko . Tsk ang ingay ni kuya ! Pero atleast suki na niya ako , pag anjan siya madali ako nakakasakay ng jeep kasi pinapauna niya ako makasakay . Eto na malapit na ako ! Yehey konting kembot nalang ! Aabot pako sa time di ako malalate !
Teka , nagpakilala na ba ako? Ako nga pala si Faye , maliit at cute ^_^ as in super liit ko napagkakamalan akong bata lagi -_- 17 years old nako pero ganito padin . Single padin samantalang yung mga barkada ko lahat sila may lovelife na . Pag kausap na nila kanya kanya nilang boyfriend ayun nganga na ako . Lagi naman eh , wala ako magagawa muka akong bata eh kaya naglalaro nalang ako ng Flow or Pou :) (Bata ka nga Faye)
"Kuya!Goodmorning ! " bati ko kay kuyang nagtatawag , sasakay na sana ako nang may punyaterang pandak na lalaking walang modo ang bumangga sakin at inunahan ako ! Aba bastos yun ah !
"Hoy pandak! Ang luwag luwag pa ng jeep oh ? Ano atat lang makasakay ? Excited excited?" halos lamunin na siya ng google nose ko sa galit ko! Lakas maka panira ng araw ng dwarf nayun . Sumakay nako at tinitigan siya ng masama , kung nakakapatay lang ang titig malamang double dead na siya !
"Tss talagang ikaw pa nagsabi sakin na pandak ako ha ? Nagsalita ang matangkad , hoy babaeng pandak pa kesa sakin , di ko kasalanan tatanga tanga ka at naunahan kita . pandak na nga tanga pa." aba sumosobra na tong asungot na to ah ! Bigla bigla nalang nagsasalita . Kagulat ha, tsk badtrip .
"Manong para ! yoko sumakay dito sa jeep niyo may feeling magandang babae di naman kagandahan kung maginarte tss" bastos talaga ! Buti nga bumaba siya ! Ayoko masira araw ko no !
Bumaba na din ako ng makarating ako sa school . Pagbaba ko doon nakita ko nanaman yung pandakleching lalaking yun badtrip siya bakit siya nandito ? Sinusundan niya ba ako ? Nako nako eto na nga ba sinasabi ko eh . Pakunwari pang suplado eh yun naman pala may gusto din tsk im so pretty talaga! Darla im so pretty :)
"Pati ba naman dito nakakaabot ang epidemya ng kapangitan at kapandakan mo ha ?!" Aba galit pa siya nakakita na nga siya ng dyosa
"Hoy dala mo ata ang hanging habagat sa sobrang yabang ! Ke liit liit mo ang yabang mo ! Bakit naman kita susundan ? Baka ikaw ang stalker ! Pakunwari ka pa na suplado pero ang totoo gusto mo ko ! Asus ok lang yun kunwari ka pang dwarf ka . " Hahaha ano siya ngayon . Ako pa talaga hinamon niya ha .
Unti unti siya nag smirk tapos dahan dahan lumapit sakin . Syet baka nabisto ko siya tapos ikikiss niya ako tapos magiging kami tapos magpapakasal kami tapos magkakaanak tapos .. Tapos..
"Babaeng ulikba , wag kang tanga .." Pinakita niya sakin ang nameplate at ID niya , "dito ako nagaaral , at di kita magugustuhan dahil matatangkad gusto ko." Tapos iniwan niya na ako nakanganga . Hmm Irvin Leorico College of Dentistry pala ha . Bwahahaha buti nalang at nag nursing ako yiiiz di ko makakasama yung pandaklechi na yun. Ew in fairness ha kahit negro at payatot siya may fez naman ! Nako bahala siya makapasok na nga . Malalate pako dahil sa kanya.
BINABASA MO ANG
Jeepney Love Story
Short StoryBakit pag single ka nababadtrip ka pag madami magkasintahan na nakapaligid sayo ? Dahil ba bitter ka ? Dahil wala kang lovelife ? Pano kung makita mo yung makilala mo siya sa isang Jeep ? Ang cliche diba ? Pero pano nga ? Eto ang story ni Faye . An...