Pagdating nila sa ospital ay agad silang sinalubong ni Kent. Halatang kakagising lang nito dahil masyadong magulo ang pagkakaayos ng kanyang buhok.
"Where have you been, guys? Kanina pa ako napapanis dito ah!" may halong pagkainis ang sambit ni Kent
Sa labas lang sila ng kwarto ng Dad niya nag usap.
"Here's the pictures." sambit naman ni Edward sabay abot kay Kent nung brown envelope
Nandun din si Adrian at Florens. Tahimik lang ang mga ito dahil hindi parin nawala ang inis ni Florens kay Edward.
"Kent, I have something to tell you." panimula ni Florens at umupo sa tabi ni Kent na abala sa pagtingin nung mga litrato
"It's about Pinky and his brother, Andrew." seryoso ang mukha ni Florens
Hindi niya rin alam kung paano ito mag rereact dahil masyado itong kalmado ngayon.
Umupo naman si Edward habang si Adrian, dumistansya ng kaunti dahil may tumawag sa kanya.
"Alam ko na ang tungkol diyan, bro. Nung gabing pinuntahan natin si Ran sa warehouse, may nakita akong bracelet dun. I know it was the possession of Andrew dahil kapareho yun ng kay Pinky. Isa pa, nahuli ko rin silang dalawa dun sa parking lot ng school na nag uusap. Anyway, thanks parin dahil sinabi mo." he still looks serious
Hindi narin nagsalita pa si Edward. Tumahimik lang sila pero ang katahimikang yun ay binasag ni Adrian.
"Guys, sina Warren napapalaban!" sigaw ni Adrian
Agad namang pumasok si Kent sa kwarto ng Dad niya para sabihing may pupuntahan na muna sila.
"Dad, I'll be back. Just stay here and rest!" nagmamadali siya habang sinusuot yung itim niyang jacket
Nang madaanan niya ang isa sa mga pulis na nagbabantay sa Dad niya ay binilinan niya itong magbantay ng mabuti.
Sa kabilang banda naman, duguan na si Pinky nang maabutan ito ni Andrew. Natamaan ito sa tiyan at kaliwang braso niya.
"No! Pinky?!" sigaw ni Andrew sabay alalay kay Pinky para makasandal sa dibdib niya
Nahihirapan na itong huminga.
"Pinky! Please, hold on. Kuya Andrew mo'to!" nag aalalang sambit ni Andrew habang niyuyugyog ang kapatid
Hindi na nito naabutan pa si Maureen dahil pinatakbo na ito ni Pinky. Akala kasi ni Pinky ay ang Kuya niya ang makakahuli sa kanya pero si Jane pala. Hindi man lang ito nagdalawang isip na paputukan siya.
"Kuya..." mahinang sambit ni Pinky pero nakapikit parin siya.
"Sino'ng bumaril sayo?" malamig niyang tanong sa kapatid habang nakakuyom ang kamao niya
He's hoping na sana sumagot pa ang kapatid niya. Sa di kalayuan, nakarinig na naman siya ng putok. Binalewala niya yun at binuhat ang kapatid. Paglabas niya sa main door ay nakasalubong niya si John. Bigla naman siya nitong tinutukan ng baril pero dahil buhat niya si Pinky ay hindi niya ito magagantihan ng tutok.
"Mauna ka, babantayan kita dito sa likod." sambit ni John at mabilis naring naglakad si Andrew
Si Maureen naman, kasama na niya si Maurice ngayon habang binabantayan ni Warren. Duguan narin si Warren dahil nadaplisan ang braso niya habang inaalalayan si Maureen kanina na makalabas.
"Tigil!" sigaw nung isa pang lalake habang may kasamang apat
Pinaputukan nila si John pero hindi ito natamaan.
"Damn! Wala na akong bala!" reklamo ni John sabay tapon nung baril niya
"Please hold on, please!" bulong ni Andrew sa kapatid niya
BINABASA MO ANG
Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)
Novela JuvenilTHIS STORY DO NOT FOCUS ON FAIRY TALES BUT ON DECISIONS, ACTIONS AND SURVIVAL. Alamin ang patutunguhan ng kanilang kwento. Kent Luis Mendoza and Raniella Dela Cruz's story P.S: This story is UNEDITED so expect some errors.