How Did You Know <3

58 2 2
                                    

This is just a SHORT STORY :)

 I think this is a boring story? Pero tapusin nyo pong basahin dun. Promise magugustuhan nyo to :) Salamat. Magcomment lang po kayo hah.

October 26, 2007 nun. Nasa isang restaurant ako. Syempre nandun ako para kumain, umorder ako nun. Pero wala akong ganang kumain. Ginalaw-galaw ko yung pagkain, parang ako isang bata na naglalaro ng pagkain, kasi naman my problema aki nyn, Iniisip ko kung paano ko malulutas, feeling ko nga ng araw na yon ay pasan ko na ang daigdig. My isang lalaking lumapit sa akin, napatingin ako sa kanya at nakatitig sya sa akin, napakaganda ng ngiti nya, para syang isang anghel! Kakaiba sya. Dahil sa isang iglap sa kanya agad natuon ang pansin ko, Para bang isang iglap nawala yung iniisip kong problema. Bigla sya nagsalita...

" Hi Miss, I'm Jayson Cruz. Ikaw anong pangalan mo? "

" I'm Andrea de Guzman. "

Ang tagal nang pagkakamayan namin, Bigla akong nagsalita.

" Jayson, yung kamay ko. "

Bigla syang napangiti at sabay sabi.

" Sorry Sorry, Sorry Miss Andrea "

Napakagwapo nya at matangkad pa. Sa tingin ko nga ng mga oras na yun love at first sight ako sa kanya. Bigla synag nagsalita.

" Miss, Pwede ba ako maki-share diyan sa  lamesa? Uupo na ako :) "

Napangiti ako at Bigla kong sinabi nun.

" Ano pa ba magagawa ko? Nakaupo kana eh. Saka Andrea nalang. Wag na Miss Andrea. "

" Salamat Andrea "

Nagkakwentuhan kami nun. Ang dami-dami namin napag-usapan. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya, magaan ang loob ko sa kanya. Hindi ko sya sinusungitan at tintarayan. Iba ang pakikitungo ko sa kanya, sa pakikitungo ko sa ibang lalaki lalo na sa hindi ko lubos na kilala. Siguro na inlove lang talaga ako sa kanya nun. Bigla syang nagtanong.

" Andrea, my problema kaba? Kaso kanina napakalungkot mo daig mo pa ang ang namatayan, kanina pa kasi ako nakatitig sayo, buti nga nagkaroon ako ng lakas ng loob na lapitan ka. " Bigla syang tumawa at napangiti ako, bigla kon sinabi.

" Wala, Wala akong problema"

" Sinungaling ka! Walang problema? Kitang-kita ng dalawang mata ko ang kalungkutan mo kanina, pagkatapos wala kang problema?"

Kitang-kita sa mukha nya na galit na sya nun, Bigla akong nagsalita nun nang pasigaw.

" Oo my problema ako! Ano? Masaya kana!

At bigla akong nag walk-out nun, hinabol pa nga nya ako eh, pero hindi nya ako nahabol kasi paglabas ko agad ng restaurant my taxing dumaan kaya pinara ko at sumakay agad ako.

Mga ilang araw lumipas nun, nagkita na naman kami, nakangiti sya sakin, pero hindi ko sya pinansin hanggang tinawag nya ako.

" Andrea! Andrea! Galit ka ba? "

" Hindi, Hindi ako galit sayo. Nainis lang ako kaya ako napsigaw, kaya pagpasensyahan mo na ko hah. "

" Sorry talaga Andrea "

" Okay. Don't mind it."

" Andrea?"

" Yes? "

" Andrea, Pwede ba tayo maging magkaibigan? "

" Oo naman. "

Tuwang tuwa sya nun nangpumayag ako. Syempre ako din naman. Simula nun. Paggising ko sa umaga sya agad ang iniisio ko. Ang laki talaga ng pagbabago sa buhay ko ng dumating sya. Pag my problema ako, nandiyan sya palagi para tulungan ako. At isang araw hindi ko inaasahan , dinala nya ako sa restaurant kung saan kami unang nagkakilala. Ang saya-saya ko nun. Paano ba naman sa restaurant na yun may na kalagay na I LOVE YOU ANDREA DE GUZMAN! Tapos bigla sya lumapit sa akin, my hawak syang white roses, Bigla syang nagsalita.

“ Andrea, Can you be mine? “

“ Yes! Why not? I like you! No. I love you. “

“ Andrea? Andrea? Thank you! I love you! “

Bigla nya ako niyakap.. At bumulong ako sa kanya.

“ I love you too Jayson”

Ang saya-saya namin. Finally kami na. Lumipas ang mga araw, mga linggo, buwan at finally One na kami. Ang saya-saya padin namin. Bawat araw na lumilipas lalo kaming nagmamamahalan. Nagcelebrate kami ng One year anniversary namin. Sabi nya sakin misming araw na yun.

“ Andrea, Mahal na mahal kita! Wag mo kong iiwan hah. Mamamatay ako pag nawala ka “

“ Oo naman. Hinding hindi kita iiwan. “

“ Hon, Pwede ba kitang isayaw? “

“ Walang music Hon. “

Bigla syang kumanta ang kinuha nya ang mga kamay ko. Ang ganda ng boses nya. Pero ang pagkakaalam ko sintunado talaga sya. Beautiful in My Eyes ang kinanta nya. Pagtapos namin sumayaw nang romatic. Biglag my sinabi sya sa akin.

“ Andrea, my aamiminin ako sayo. “

“ Ano? “

“ Yung hindi pa kita nakikilala basagulero ako. Araw-araw lagi ako nakikipag-away. Lagi ako naglalasing at nagyoyosi. Pero ngayon hindi na tinigil ko lahat yun para sayo. Dahil mahal na mahal kita. Ayoko madis-appointed ka sa akin. Ayokong iwan mo ko. “

Napaiyak ako nun at niyakap ko sya. Honestly, hindi ko talaga alam yun na ganun sya dati. Dahil yung unang kita ko talaga sa kanya para talaga syang isang anghel na malabong gumawa ng kasalanan. Mahal na mahal ko sya higit pa sa buhay ko.

Ngayon, wala na sya hindi ko alam kung paano papatakbuhin ang buhay ko nang wala sya. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na wala na sya. Na naaksidente sa mismong anniversary namin.

Jayson, Mahal na mahal kita! Bakit mo ako iniwan? Ang duya mo! Ang duya duya mo! Sabi mo sa akin Mahal na mahal mo ako at mamamatay ka pag-iniwan kita. Bakit ngayon? Bakit mo ko iniwan! Gusto mo bang mamamatay ako nang dahil sayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How Did You Know &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon