CHAPTER 3: He Changed, He Cared :)

84 1 2
                                    

 JULIANNE'S POV

     After that incident, nahihiya-slash-natatakot na ako sa tuwing nakikita ko si Marco. But at the same time, mas naging close kami ni Chone.

     Papunta ako sa room ng 1st section kasi hihiramin ko ang MAPEH Notebook ni Cheska.

     Nasa tapat na ako ng kanilang room ngunit natatakot akong pumasok. Nasa loob kasi si Marco kaya hanggang sa may pintuan nalang ako. No choice, tinawag ko nalang si Cheska.

    "Cheska! Cheska !" lmingon si Cheska at lumapit sa akin.

     "Yes?"

    "Hihiramin ko sana yung MAPEH Notebook mo."

     "Hindi ka kasi nagka-copy ng lessons." sabad ni Joyce.

     Inirapan ko nalang siya. Then suddenly, someone pulled my hair at the back kaya napalingon ako. Ang nakabungisngis na mukha ni Gabi ang nakita ko.

     "Aray Gabi ha ! Ang sakit nun !"

     "Late reaction!" sabay hagalpak ng tawa.

     "Hoy Julianna Kris !" tawag ni Oline.

     "Ano?"

     "May nagsa----"

     "Oh! Ito na! Isauli mo agad sa akin ha !" sabay abot ni Cheska ng hinilam kong notebook.

     "Panira ka naman ng moment Cheska !" maktol ni Oline. "Back to the topic, kalat na sa buong sambayan na boyfriend mo na raw si Chone Heracles Abad. Totoo ba?!" saad niya habang paikot-ikot sa akin.

     "Tumigil ka nga Oline at nahihilo ako. Ang exagge naman ng news na yan tsaka di yan totoo noh !" natatawa kong sabi sa kanya.

     "Talaga?" inilapit niya ang mukha sa mukha ko.

    Hinampas ko ang noo niya, "Luka-luka ka talaga !" saad ko.

    "Para nagtanong lang, nanghahampas ka agad!" maktol niya."Your guilty!"

     "Aalis na nga ako!" sabi ko.

     "Bye !" at tumalikod na si Oline.

     Bago ako tumalikod, pasimple kong tinapunan ng tingin si Marco. There he is, having a conversation with JayR.

       Naramdaman niya marahil na may tumitig sa kanya kaya lumingon siya.

     Anak ng kapre !

     Nagkasalubong tuloy ang aming tingin.

     Dali-dali na akong umalis at akoy napa-buntong hininga.

     Ang laki na talaga ng ipinagbago niya. Dati, during free hours kontento lang siya sa pakikinig ng music with his headphone habang tahimik na nakaupo sa armchair but now nakikipagdaldalan na siya.

      Nagbago ba siya dahil sa akin?

   Nakakalungkot namang isipin.

    "Julianna, are you okay?" tanong ni Chone sabay hawak sa kamay ko.

      Nagising ang diwa ko. Malapit na pala akong mauntog sa pader ng klasrum namin.

     "O-Oo naman !" sabi ko sabay ngiti.

     "Parang hindi eh !" paniniguro niya.

     "Okay lang ako. Promise !" at nilaparan ko pa ang pag-ngiti ko.

     Tinitigan niya ako.

     Nag-iwas ako ng tingin . Nakakailang kasi.

     Bumuntong hininga siya.

       "Okay. I just dont wanna see you sad Ianna," saad niya at isinabit ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha ko.

     Aww .. Touched naman ako! :)

     "Ang sweet mo talaga !" at nilagpasan ko na siya. Pumasok na ako sa loob ng klasrum.

     I felt strange ! :(

=====_=====_=====_=====_=====_=====_=====_=====_=====_=====_=====_=====_=====

   Yan lang muna sa ngayon. Ulan kasi, kaya inaantok ako. Hehehe :))

Abangan ang next chapter entitled: Oh No No !

KEEP ON READING GUYS!

POST YOUR COMMENTS, TWEET, SHARE, VOTE.

All Rights Reserved 2012

By: TheKindOfGirl_

Falling For Him AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon