1 ~EDITED FINAL~

1.2K 10 2
                                    

INTRODUCTION

Alam kong lahat sa atin ay di masabi na mahal o gusto mo ang isang tao, dahil sa kaba, hiya at mga tukso kapag nalaman ng iba.

Pero ang iba sinuswerte dahil, may lakas sila ng loob para maipahayag at masabi na gusto nila ang isang tao, harap harapan.

Nagkaroon ka na ba ng isang kaibigan na walang ibang bukambibig kundi ang crush niya, tumitili pag nakikita niya ang lalaking yun? at halos masapak na ang braso mo dahil sa kilig?

Pagkatapos itong kaibigan mong babae, lahat ng sikretong nararamdaman sa ibang tao ay sinasabi sayo, shine-share bawat ditalye.

Tulad ng :

(OMG tinignan niya ako)

(Gosh, ang inet nung kinakausap niya ako)

 (Sh*t ang gwapo gwapo niya talaga).

Nakakainis di ba? Sana isang araw ako naman ang sabihan niya ng ganyan, pero spell ASA, dahil yan nalang ang tangi kong magagawa, ang umasa.

 

CHAPTER ONE

Ito nga pala ang aking kwento, I, Goldmon “Gold” Santos, isang mabait na kaibigan inaamin ko mabait ako noh maunawain at maintindihin minsan. Ayaw kong ginugulo ang buhok ko, lalo na’t kung di ako naka wax mahaba kasi konti ang buhok ko dahil, kada dalawang buwan lang ako magpagupit . Mahilig ako sumayaw ng sexy dance, sa harap nga lang ng salamin Enrique moves, yung dougie haha . Magaling din ako kumanta sa banyo.

Sabi nga ng iba, nasa akin na ang lahat, MAANGAS ANG DATING, MATANGKAD, GWAPO, HOT AT MALAKAS ANG SEX APPEAL. Pero bakit duwag ako patungkol sa pag-ibig? Ni hindi ko masabi sa kanyang mahal ko siya, dahil ba sa kaibigan ko siya? O dahil naiimpluwensyahan niya ako sa mga sinasabi niyang sikreto patungkol sa mga crush  niya?

Minsan na akong naduwag sa pag-ibig. Una kong naramdaman ito noong nasa second year high school, isang babae ang nagpatibok ng puso ko, nakakabaliw pala umibig, inisip kong isikreto ito sakanya, dahil mas maganda munang magkaibigan kami, dahil di kami magiging close sa isa’t isa kung sasabihin kong gusto ko siya, magkakailangan kami at baka di niya na ako pansinin kung aamin akong gusto ko siya.

Di nag tagal ay sumabog na ang nararamdaman ko, sinabi ko sa isang tropa kong gusto ko si Angel Mariano, ang elementary- high school crush ko na gusto kong ligawan at maging girlfriend, nagpa advice ako kung paano manligaw, si Rex ang naging tulay namin, alam kong una ko palang gagawin itong panliligaw.

*

Angel, galing kay Gold, pwede ka daw ba niyang maging girlfriend?”

 

pero di ko lubos naisip na, si Rex pala ang gusto ni Angel at hindi ako.

Book 3: He's Hiding His Feelings 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon