Chapter 12
Malamlam na liwanag ang sumalubong kay Veronica nang imulat niya ang mga mata. Tanging isang dilaw na bombilya sa hindi kataasang kisame ang tanging tanglaw ng silid na iyon. Nagpalinga-linga siya sa paligid gamit ang blurred na paningin, bahagya pang hilo ang ulo niya dahil sa nalanghap na kemikal. Nang tuluyang naging malinaw sa kanya ang lahat ay nahindik siya sa tumambad sa kanyang mukha. Ang diver nila iyon na si Mang Ipe, may tama ng bala ang noo nito, tumigas na ang dugong marahil ay kanina pa umaagos roon.
Gusto sana niyang tumayo at tumakbo upang makalayo roon ngunit hindi siya makawala dulot ng mga lubid na nakagapos sa kamay at paa niya. Sinikap na lamang niyang gumapang. Hindi pa man siya nakalalayo roon ay may humila na sa paa niya. Sa paglingon niya ay nakita niya si Yveth. Sinabunutan siya nito at sapilitang isinandal sa sementadong dingding.
“Saan ka pupunta, ha? Anong akala mo makakatakas ka?” saad nito, may baliw na ngiti sa mga labi. Lumuhod ito sa harap niya. Tila gilw na giliw itong pagmasdan siya.
“Anong kailangan ninyo sa akin?” asik niya rito.
“Wala akong kailangan sa’yo, gaga! Pero iyong ama mo malaki ang kailangan sa’yo!” bulyaw nito, nanlilisik ang mga mata. Mayamaya’y bumungisngis itong parang asong ulol.
“Si Daddy? Si Daddy Vergil? “ hindi makapaniwalang tanong niya. Bulahaw lamang ng halakhak ang isinagot nito sa kanya.
“Kayo ba ang may pakana ng lahat ng nangyari? Kayo ba ang pumatay kay Rebecca at Denise? Pati kay Adora? Bakit ninyo ito ginagawa?"
“Hinay-hinay lang, Veronica,” wika nitong tumigil sa pagtawa. Hinawakan nito ang pisngi niya at pinisil ang kanyang mukha. “Huwag kang mag-aalala, ipapaalam ko ang lahat sa’yo.” Binitiwan siya nito at malakas na sinampal sa magkabilang pisngi. Napa-aray siya sa lakas ng pwersa nito.
“Damn you, bitch! I will kill you oras na makawala ako rito!”
“Tumigil ka sa kangangalngal mo! Baka gusto mong itulad kita kay Adora!”
“Ikaw ang pumatay kay Adora?”
"Hindi naman siya dapat mamamatay. Ang kaso nahuli niya akong inihahanda ang sorpresa ko sa’yo. Naaalala mo ba si Charlotte at ang basang higaan mo? Nakakatawa hindi ba? Nasorpresa ka ba?”
“Hayop ka! Hayop! Napakasama mo! Anong ginawa mo sa daddy ko? Demonyo kang babae ka!”
“Mag-ingat-ingat ka sa pananalita mo sa akin, Veronica. Kayang-kaya kitang patayin ngayon. Kung hindi lang dahil kay Vergil noon pa kita idinispatsa. Alam mo, mas demonyo ang ama mo kaya buhay ka pa ngayon.” Bahaw na tumawa ito. Marahas na binitiwan ang mukha niya.
“Liar! You Bitch! Fuck you!”
Mag-asawang sampal na naman ang ibinigay nito sa kanya. Nalasahan niya ang pait ng sarili niyang dugo sa pagkakataong iyon.
“Maniwala ka man o hindi, wala akong pakialam! At para sabihin ko sa’yo, siya ang pumatay sa Mommy Monica mo. Siya rin ang gumawa ng sunog sa opisina nila Iñigo. At malamang, siya rin ang pumatay sa malanding kaibigan mo.” Baliw na muling tumawa ito. Umalingawngaw iyon sa buong silid.
“At alam mo bang noong gabing patayin niya si Denise ay ngitngit na ngitngit siya at galit na galit dahil nakita niya kayong naglalambutsingan ni Steve sa kusina! Hinding-hindi ko malilimutan ang hitsura ng ama mo. Para siyang batang sabik na sabik sa candy pero sa huli ay hindi niya natikman ang candy dahil inagaw iyon ng iba at inunahan siya,” siyang-siyang wika nito, patuloy sa pagtawa.
“Anong sabi mo? Hindi niya magagawa iyon…. Hindi!” isang sampal na naman ang pinalagapak nito sa mukha niya.
“Tonta! Hindi mo ba naiintindihan kung bakit ka nandito ngayon, ha? Gusto ka ni Vergil sa isang makamundong paraan. Hindi ko nga alam kung bakit humaling na humaling siya sa’yo gayong nandito naman ako. Well, kung sa bagay, wala namang pinipili ang daddy mo ng mapaparausan,” siwalat nito, tila makahulugan ang huling sinabi base sa nakakalokong ngiti nito. Parang nasiraan na ito ng ulo dahil sa malabis na pagtawa.
BINABASA MO ANG
Wet Me With Fire (TO BE PUBLISHED)
General FictionImage on cover photo is used with owners' approval. Licensed by Shutterstock. All rights reserved. Indulge in a Dark Erotic Romance!!! WARNING: Contains explicit and violent scenes. Not suitable for very young readers. Simula pagkabata ay magulo na...