Sadie POV
*Kring...kring...kring... (alarm sound)*
'Hahhh' naghikab ako sabay in-off yung alarm clock ko. Bumangon ako sa kama nang naka-upo pa at kinusot nang konti yung mata ko sabay kuha nung salamin ko sa ibabaw nang drawer at sinuot ito. Pag-dilat ko tamambad sa akin ang sinag nang araw mula sa bintana na naging dahilan upang ngumiti ako."Sadie, good morning" sambit ko sa sarili ko habang nakatingin sa orasan na nagsasabi na 7 am. Tumayo na ako sa higaan ko upang maghanda at mag-ayos na, ngayong araw kasi ang punta ko sa H.C o Home for the Children.
Daily schedule ko na na-tuwing sabado at linggo mag-punta doon bilang volunteer worker at 3 years ko nang ginagawa ito, simula nang mag-umpisa akong mag-college dito sa Nueva Ecija. Karamihan kasi na college student na katulad ko mas-gugustuhin pa nilang mag-part time job o kaya mag-pahinga sa bahay at gawin ang gusto nila.
Pumasok na rin sa isip ko ang mag-part time job kaso di ako pinayagan ni mama kesyo daw mapabayaan ko ang pag-aaral ko, buti na lang at may nag-alok kay lola na kung gusto ko maging volunteer sa isang children foundation, pinayagan naman nila ako kasi work-related naman daw sya sa course ko atleast hindi ako ma-boboring tuwing weekends.
"Good morning 'la." Pag-bati ko kay lola na nakangiti habang pababa nang hagdan papuntang hapag-kainan.
"Sadie 'nak, mukhang maganda ang gising natin ah." Sambit ni lola habang inilalapag ang ulam sa mesa. Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa pisngi sabay upo sa lamesa.
"Syempre 'la, makikita ko na naman yung mga makukulit at cute na mga bata." Sambit ko habang naka-ngiti at ngumiti lang din si lola sa akin sabay upo na din.
Nag-umpisa na kami kumain nang mapansin ko na wala si lolo, lumingon ako sa kwarto nila na nasa baba na medyo tanaw sa kainan.
"Yung lolo mo gustong maaga magbukas nang tindahan kaya umalis na." Sambit ni lola nang makita nya akong tumingin sa kwarto nila at napa-tungo na lang ako.
Merong tindahan sina lolo at lola sa bayan hindi ganun kalakihan yung pwesto kumbaga sakto lang ang laki at ang paninda nila ay mga gulay at prutas, doon sila laging nag-stay ni lola kasama yung dalawa nilang trabahador.
"Lolo talaga, ayaw iwanan yung tindahan." Biro kung nasambit sabay subo sa pagkain ko at natawa nang konti si lola.
"Kumain na po ba si 'lo?" Tanong ko kay lola matapos kong lunukin yung pagkain ko.
"Doon na lang daw sya mag-agahan kasama ni Kuya Leo at Kuya Jake mo." Sagot ni lola at napa-tungo ulit ako.
Sina Kuya Leo at Kuya Jake ang dalawang trabahador nina lolo at lola, mababait ang mga yun at pamilya na ang turing nila lolo at lola sa kanila parang ko na rin nga silang tunay na kuya.
Natapos na din kami kumain ni lola at inayos na namin yung kinainan namin, ako na ang nag-hugas habang pumunta nang kusina si lola.
Matapos kong mag-hugas ay umakyat ako nang kwarto ko para ayusin ang itsura ko at sabay kuha at suot nang sling bag ko at bumababa na ulit.
"'La, alis na po ako." Sambit ko habang nag-susuot nang sapatos at lumabas na nang pinto.
Kinuha ko ang bike ko at paalis na nang biglang lumabas si lola at tinawag ako.
"Sadie, teka lang." sambit ni lola sa may pinto. Tinabi ko saglit yung bike ko at lumapit kay lola.
"Ibigay mo ito sa kanila" banggit ni lola habang inabot sa akin yung apat na box na may laman na mango tart.
"'La, siguradong matutuwa ang mga iyon lalo na yung mga bata." Sambit ko habang kinuha yung box nang mango tart.
Mahilig mag-bake si lola at hindi lang ito ang unang beses na mag-bigay sya nang kanyang mga binake na sweets. Gustong gusto nga nila ang mga sweets na gawa ni lola, sobrang sarap daw nito.
BINABASA MO ANG
LAST CHANCE TO LOVE
RomancePrologue Paano kung ang "crush" ay ma-uwi sa "love"? At kung kailan na maayos na ang lahat tsaka mo sya biglang iniwan. Paano mo tuloy mapaparamdam ang pag-mamahal mo sa kanya kung ikaw mismo ay hindi nya maramdaman o makita? At sa hindi inaasahang...