- First One Shot. Di ko alam gumawa ng short one shot. Sarrey. Haha :D Please Vote and Comment para mas masaya. Friendly naman po ako. Kahit anong comment basta sa improvement ng story ko. Read my other stories guys. Salamat sa mga nagbabasa. :) Sorry sa mga ilang error's. Pag may time, ie-edit ko to. ^^ Btw, thanks @KrungRi_Gizibe. Thumb's na naman po sa cover :)
***
Hindi Kami Mutual.
One Shot.
-
" Uuyyy! Ang takaw mo :3 Hahahaha. "
Pang aasar ni Mark.
" Eh ano ngayon? *nom* Sarap ee! Kumain ka nga lang :3 "
Ako pala yung ' matakaw ' :3 Im KC Leiz Sy. At ang kaharap ko ngayon ay ang bestfriend ko. Si Christian Mark Delfin. Matagal ko na yang bestfriend pero .. Andaming mga bagay ang hindi ko man lang masabi.
Isa na dun yung bagay na ang hirap sabihin ng personal. Yun yung ... Mahal Ko Siya.
" Uyy KCeiz, una na ako aa? Anjan na yung teacher namin. Bye :) "
Dahil sa magkaiba kami ng section pero parehas na senior high, iba iba ang oras ng pagdating ng teacher namin sa school kaya nagbabye na sa akin si Mark. Nagsmile lang ako bago siya umalis.
Nakatingin ako sa kanya habang paalis siya. Napaisip tuloy ako. Kailan kaya?
Kailan kaya darating ang araw na masasabi kong mahal ko siya? Aamin ako sa kanya na walang kasiguraduhan? Na ' mutual ' ang feelings namin sa isa't isa.
Mutual naman kami ah .
Mutual ' friends '.
***
* phone rings *
Nagising ako ng wala sa oras kahit inaantok pa. Nakita ko yung oras sa wall clock. 6:16 Am.
Kinuha ko naman yung cellphone ko. Tumatawag siya. Si bestfriend LANG.
" Hello KCeiz! Sorry sa pang iistorbo aa? "
" Ok lang. Wala na akong magagawa :3 Bakit ka napatawag? Ang aga aga. :3 "
" Uhmm. Saturday ngayon diba? Libre ka ba ngayong araw ? "
Oo lagi akong libre. Para sayo.
" Uhmmm. Yup. "
" Great. Pero, di kita masusundo ha? Mag deretso ka na lang sa plaza. Sa dati. "
Parang kumirot yung puso ko na ewan. Sa plaza. Sa may swing. Dun ko sya unang nakilala.
- Flashback.
Nag aaway na naman sina mama at papa about sa pera. Tapos, may babae daw si papa. Di ko na kayang halos araw-araw naririnig ang away nila. Mas gusto ko na lang hindi umuwi sa bahay na to. Lalabas ako. Ayaw ko ng makarinig ng sigawan.
Gusto ko ng umiyak. Tutulo na ang luha ko. Sinabi ko na lang sa sarili ko na ilalabas ko lang to pag nasa tamang lugar na ako.
Sa paglalakad ko, nakarating ako sa plaza. Nakita ko yung swing dun. Wala ng tao dahil malalim na din ang gabi. Nakakatakot pero gusto ko lang talaga mapag isa.
Bakit ganun? Di naman ganun sina mama at papa dati. Nagsimula lahat nung umasenso kami. Nung sinuwerte sila sa negosyo. Pero minalas naman kami sa pamilya. Masaya kami noon. Noon. Nag iisa lang ako na anak kaya solo lang ako na umiiyak,nalulungkot tuwing mag aaway sila.
Tumulo na yung luha ko. Grade 3 palang ako, naririnig ko na silang nag aaway. Minsan pa nga nagkakasakitan sila. At yun ang masakit.
" Bat ka nag iisa dito? Bat ka umiiyak? Na rape ka ba ha? Gabi na oh. "
BINABASA MO ANG
Di Kami Mutual
RomanceOne shot story. Para sa lahat ng mga broken hearted dahil di sila parehas ng nararamdaman ng mahal nila.