PHOTOGRAPH

1.2K 68 45
                                    

Dedicating this story to lychelaoie dahil ate chee hindi ka naulit gumawa ng another stories
Note: Read the story while listening to: Ed sheeran- Photograph para mas feels!

--

First week of December

Madilim ang paligid at malakas ang hampas ng hangin, hudyat na nagbabadya ng pumatak ang ulan mula sa langit.Mabilis akong nakipagsiksikan sa maraming tao, para mauna na akong makasakay ng jeep mahirap pa naman sumakay ng jeep lalo na ganitong oras, rush hour.

Pero mukhang hindi ko araw ngayon dahil ilang oras na din akong naghihintay sa may shed at palakas na ng palakas ang ulan, wala pa naman akong dalang payong kaya pinabayaan ko na lang ito. Mukhang mamaya pa darating ang ruta ng jeep pauwi saamin.

Habang naghihintay sa shed pinapanood ko ang karamihan ng tao sa terminal habang umuulan,may mga batang akay akay ng mga magulang nila habang pinapandungan, may mga estudyanteng ginagawang pandong ang bag nila, may mga workers na piniling mabasa sila kaysa mabasa ang dalang mga papeles at iba't iba pa, napakarami nila to the point na hindi mo na mabilang.

"Hindi mo ba naiisip kung ilang tao ang nakakasalubong mo araw araw?"

"Naiisip din naman, ilan nga kaya?" saglit akong tumigil at nanlaki ang mata ko ng marealize kong sumagot ako sa tanong na narinig ko lang, ako kaya ang kausap nito? Kaya alanganin akong tumingin sa katabi ko, ngumiti lang ito sa akin at saka nagsalita ulit

"Dati kaya nakasalubong mo na sa daan yung mga taong kilala mo na ngayon?" Katulad ko kanina nakatingin lang siya sa karamihan ng tao. Ang weird naman ng mga tanong nito, tumingin lang ako sa kanya ng alanganin kasi baka mamaya hindi naman ako ang kinakausap nito.

"Ako ba ang kausap mo?" Tanong ko sa kanya

"Mukha bang may ibang tao pa dito?" tumingin ako sa paligid, maraming tao sa paligid pero hindi dito sa shed na inuupuan namin, ako at itong lalake lang na to' ang nakaupo.

"Pasensya na, wala akong oras makipagusap sa di ko kilala" Nagdadalawang isip ako kung aalis ba ako sa may shed pero nagpasya akong magstay na lang dahil wala naman akong payong at ayoko namang maging basang sisiw at hindi naman mukhang masamang tao ang lalakeng to' infact siya nga yung tipo ng lalakeng mukhang hindi naman nagcocomute,mukhang mayamanin.

"Pero mas masarap kumausap ng hindi mo kilala, kasi atleast sila hindi ka nila iju-judge." Huminga ako ng malalim at saka tumingin sa kanya kaunti na lang mababadtrip na ako sa kadaldalan ng lalakeng to

"Osige ano pang tanong mo?" sarkarstiko' kong tanong sa kanya, at ngumiti naman ito saakin

"Natatandaan mo ba kung ilang beses ka ng nakabangga o nakasagi ng hindi mo kilala?" tanong niya saakin

"Hindi ko na alam kung ilang beses at wala akong pakielam" sagot ko

"Alam mo ba sabi nila milyon milyong tao ang nakakasalamuha natin araw araw simula paglabas natin ng bahay,minsan hindi daw natin alam yung mga taong malapit sa atin ngayon nakasalubong na natin sa daan noon kaya I therefore concludenatotoo ang fate o tadhana" sagot niya

"Kaunti na lang maghihinala na akong nakatakas ka.." tumawa naman siya saakin kahit wala namang nakakatawa

"Saan naman?" tanong niya habang natatawa parin

"Sa Mental" pabalang na sagot ko

"Oy,grabe ka naman hindi porket hindi tayo magka kilala pwede mo na akong ganyanin" sagot niya habang natatawa tawa pa

"Bakit naman kasi puro ganyan ang sinasabi mo, malay ko ba kung ilang milyon na ang nakakasalubong ko araw araw pati ba naman nababangga at nasasagi ko sa daan itatanong mo pa? well infact hindi naman tayo magkakilala" ngumiti naman uli ito, wala na bang alam to kung hindi ngumiti?

PHOTOGRAPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon