Chapter 25: Rivalry of San Agustin and Shiozuka

838 22 0
                                    

Nessan's POV

Just got home after our date with Rodney, ang sweet talaga niya grabe. Ang weird niya dati pero ang saya niyang kasama. Parang ako nga lang ang nagpapasaya sa kanya ehh, kapal ko noh. 

Pag uwi ko ay nakita ko si Kuya sa may sofa, nanonood ng drama sa TV. 

''Good Evening Kuya''

''Good Evening Bunso, teka saan ka galing huh?'' -Robin

''Sa Mall, nagdate kami ni Rodney'' 

''Wow ang sweet naman ng dalawang ito. Edi kayo na may lovelife. Kamusta naman si Rodney?'' -Robin

''Ok lang kuya, ang saya niyang kasama tapos ang sweet pa niya. Tignan mo ohh binigyan niya ako ng necklace. Ang ganda noh?'' tinuro ko sa kanya yung necklace na binigay ni Rodney. 

''Ang mahal niyan ahh'' -Robin

''P1499.75 lang naman ay mali 1500 pala, round off na natin'' 

''So ngayon ko lang alam na mayaman si Rodney, kung sa bagay, dati siyang nag-aral sa Santo Domingo'' -Robin

"Basta aalagaan ko itong binigay niyang necklace sa akin. I really love it'' 

''Hay nako Bunso, kumain ka na ba? Gutom lang iyan'' sabi sakin ni Kuya, anung gutom?

''Tapos na kuya ehh kumain na kami ni Rodney'' Nag dinner date kami kanina sa isang restaurant. Ang sweet noh?

''Ahh sige'' habang nanonood ng TV

Nagpalit na ako ng damit pambahay pero suot ko pa rin yung binigay na necklace sa akin ni Rodney, ang ganda kasi ehh bagay na bagay sa akin. Pagkatapos noon ay kumain na ako ng hapunan. Takaw ehh kumain na ako kanina kumain ulit ako. 

''Akala ko ba kumain ka na?'' sabi sakin ni Kuya

''Nagutom ako ehh hihihihi'' then nag peace sign ako kay Kuya.

"Halata nga" -Robin

Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko na yung mga hugasan at pagkatapos nun ay nagpunta ako sa sala. Sinamahan ko si kuya na manood ng drama. Di naman nakakaiyak, puro lang away away. then after a while, natapos na ang palabas.

''Ay biten? Sasapakin na sana siya ehh. Tsk tsk tsk'' -Robin

''Ay Kuya huwag mong lip------'' 

Wala na nalipat na niya sa ibang channel. Nilipat niya sa basketball. At NCAA pa ang laban between San Carlos at San Agustin replay iyan, alam naman natin na mananalo San Agustin diyan.

''Tambak ang San Carlos grabe'' reaksyon ni Kuya, ay nga pala kalaban nila ang San Agustin bukas. Can't wait to watch.

Then nilipat na ni Kuya yung channel, nilipat sa MYX. Para tuloy nawalan ng ganang manuod si Kuya.

''Kuya, ganyan ba talagang kalakas ang San Agustin?'' 

''Hindi naman, siguro yung nakita mo kanina 20% pa lang yun'' -Robin

''Grabe naman, ganyan ba talagang kalakas ang team na iyon kuya?'' 

Lumipat ng pwesto si Kuya at humiga sa may hita ko. Hala, Ambigat pa naman ni Kuya

''Kuya naman, muka bang unan itong hita ko?'' 

''Ehh inagaw mo yung sofa ehh, hihiga sana ako'' sorry, pero nauna ako ehh. Kanina ka pa nandito di ka humiga.

''Kasi Bunso, Unang choice ko kasi bago ako mag college ay sa San Agustin dahil gusto kong sundan ang legacy ni Daddy, Si Daddy kasi ay kilalang kilalang basketball star sa San Agustin nung panahon niya, maski si lolo. Kaya nga sabi sa akin ng iba. Bakit di raw ako nag aral sa San Agustin para raw masundan ko ang yapak ni Daddy saka ni Lolo'' kwento ni Kuya

''Dahil nanjan si Ate Jenna? Hahaha tumpak ako kuya diba?'' Sus alam ko kung bat sa Shiozuka nag aral yan, nung nalaman kasi niyang mag aaral doon yung crush niyang si Jenna, doon din siya nag aral. Ang chismosa kong kapatid noh?

''Di noh, siya sumunod sa akin hahaha, pero ang totoo nun kaya ako nag aral sa Shiozuka para makilala ako na hindi umaasa sa Legacy ng pamilya natin. At nakita ko sa team na ito simula nang una akong sumali na may teamwork, chemistry di tulad sa San Agustin, sa totoo lang malalakas lang talaga silang maglaro'' 

So malakas talagang maglaro ng basketball sina Bernard, Prince saka si taba?

''Matagal na ang rivalry ng Shiozuka at San Agustin. Almost 50 years na ang nakakalipas. Inaasam asam pa rin ng mga tao na sila ang magtatapat sa Championship pero wala ehh, minsan talaga bilog lang ang bola. Pinapalad pero minsan minamalas. Nung panahon ni Daddy rebuilding ang Shiozuka at nakuha nila ang championship ng limang sunod sunod pero nabawi ulit ito ng Shiozuka tapos nung makalipas ang ilang taon nung nagrebuild ang Shiozuka dahil graduate na ang mga malalakas nilang players, doon na sinamantala ng San Agustin ang momentum na makakuha ng 5 straight champion'' ngayon ko lang nalaman na nagbabasketball pala si Lolo, buong lahi ata namin mga player ehh. 

''Grabe pala rivalry ng school naten noh?'' 

''Para sa akin oo, pati lovelife ko inagaw nang dahil sa isang estudyante ng San Agustin''  tumayo si Kuya sa pagkakahiga niya at umupo sa kabilang upuan. 

''Drama mo kuya, kung sino man yan. Bawian mo bukas. Alam mo may kaagaw rin ako kaso taga ibang school ay mali pala ex girlfriend lang ni Rodney'' 

''May ex girlfriend si Rodney??'' tanong ni Kuya

''Oo, ang pangalan niya ay Argelle. Na meet ko siya nung isang araw at napagtripan siya ng apat na mokong. Alam mo kuya, ang ganda kaya nung ex niya'' 

Tumalikod si Kuya at may ibinulong ''Oo nga ehh, kahit di ko nakikita alam kong maganda siya" biglang tawa si Kuya. 

Hinampas ko si Kuya, grabe ito. ''Asar ka kuya, bakit di ba kami bagay?'' 

''Bagay naman kayo, pero bunso advice ko lang ahh. Ok lang naman sa akin na mag boyfriend ka. Tutal teammate ko naman si Rodney kaya medyo mapagkakatiwalaan ko pa siya. Sumbong mo sa akin kapag niloko ka niya'' -Robin

''Yes sir'' then nag salute ako sa kanya.

''Cute mo talaga hehehehe'' then pinisil ni Kuya yung cheeks ko, sakit nun ahh. 

Di niya alam na hinalikan ako ni Rodney sa lips, OMG, kinikilig ako tuwing naaalala ko iyon. 

''Sige bunso, tulog na ako para may energy ako bukas. Matulog ka na rin ahh'' 

''Ahh sige po kuya, gagawa pa kasi ako ng assignment sa math ehh. Pahinga ka na kuya, pagpray ko na rin kayo na manalo sana kayo bukas'' 

''Ang bait mo talaga, sige Ness good night'' 

''Good Night Kuya'' then umakyat na si Kuya papunta sa kwarto niya. Mukang seryoso si Kuya ngayon ahh. Sana nga manalo sila bukas. Excited na tuloy ako sa laban nila bukas. 



Rebound: GAME OVER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon