#CGVSDB
Chapter 27 - Familiar
Author's Pov
*KRIIIINNNGG*
Biglang pagtunog ng alarm clock na dinig na dinig pa sa buong kwarto.
*Bbuggssshh*
Maririnig din ang pagkakabagsak ng isang matigas na bagay sa sahig.
"Aray! Fck it!" Ramdam na ramdam ni Zeek ang pagkakahulog niya galing sa kanyang kama, takip na takip pa ng kumot ang kanyang buong katawan. Ini-off niya ang kanyang alam clock at sinubukang bumalik ulit sa kama.
Dumating naman sa loob ng kwarto ang mama niya. "Eek-eek? Ano nga ulit ang sinabi mo?"
Nanlalaki ang mga mata ni Zeek nung makita niya ang mama, kinabahan siyang baka kasi narinig nito ang pagmumura niya na ayaw na ayaw naririnig nito sa tuwing magmumura siya.
"Moms! Ahh.. wala! Ang sabi ko—'aray, sakit' hehe." Pagsisinungaling niya at napakamot pa sa kanyang ulo.
Napagtanto ni Zeek na ang corny pala minsan ng mga palusot niya. "Bullshit—" Napatakip ng bibig si Zeek at dahan dahan lumingon sa mama niya na nakapamewang, muli na naman siya nitong narinig.
"Ano nga ulit?"
Agad agad na inayos ni Zeek ang sarili niya at humarap sa mama niya. "Ang sabi ko po'y—pusit! Gusto ko po ng pusit.." Ngumiti siya ng malapad.
BINABASA MO ANG
Crazy Girls VS Delinquent Boys
Teen Fiction[COMPLETED] ❝Sino ang magwawagi? Ang Crazy Girls ba? Ang Delinquent Boys? O ang totoong itinitibok ng mga PUSO nila?❞ [‼] WARNING: Kung kayo po'y minor at close minded ay maaari niyong i-skip ito dahil may mga salitang hindi kaaya aya kayong maba...