ella_nutella

32 5 9
                                    

"Ella! Yung clearance mo daw na kay ma'am pa."

sabi sakin ng isa sa mga kaibigan ko.

"Eh? Sinabay mo na lang sana sayo Rica"-ako

"Kukunin ko nga sana eh, kaso sabi ni ma'am ikaw daw mismo dapat kumuha diba riks?"-Raine

Nakita ko naman si Yha na isa sa mga kaibigan ko na nakasmile. Hmmh something's wrong here.

"Stella, samahan mo naman ako sa faculty room" aya ko rito.

"Busy ako Ella. Busy..." sabay kuha ng libro at binabasa kunwari.

"Vans, ikaw na lang please"sabay paawa effect ko..

"Ayy! May pupuntahan pala kami ni Dannah,  diba Dan?"

Tumango naman is Dannah.

Bat parang may mali?

"Yha..??"

"Ayy! May quiz pala mamaya sa English!"

" Kaninang umaga pa ang English ah!"

" Hehe.. Para bukas pala."

Arghh! Nakakahalata na ako ahh..

" Bat ayaw nyo akong samahan? Ano bang problema nyo?!"

Napasigaw  ako sa inis.

"Wala!" sabay-sabay nilang sagot.

Padabog naman akong lumabas sa classroom at bumaba sa faculty room.

Kumatok ako ng tatlong beses at binuksan ang pinto. Bawal daw kasing pumasok agad.

"Ma'am Sory yung clearance ko po?" tanong ko kay ma'am na adviser namin.

"Heto oh. Balik mo yan mamayang hapon kasi dapat cleared na yan ngayong araw.. Exam nyo na kasi  next day."-Ma'am Sory

"Opo Ma'am."

Sinirado na ni ma'am ng pinto  at halos manglambot ang tuhod ko ng mapansin kong halos ni isang sign ay wala ang clearance ko.

Di na ako nagpatumpik-tumpik pa at isa-isa kong pinapirmahan ito. Pero shet lang tong si Ma'am Havolin kasi nagpapahabol. Mag iisang oras na akong nakabuntot sa kanya pero parang wala lang.

"Ma'am.."

"Kay Kent mo  muna  yan ipa-sign tapos balik ka rito."

" Ma'am havol.." aangal pa sana ako.

"May reklamo ka??"

"Wala po.."

Bat si Kent pa? Eh maligno yun eh. Sang lupa at puno ko naman yun hahanapin.. Lulubog at lilitaw yung gnome na yun..

Halos malibot ko na ang buong school pero walang bakas ni Kent.

Dahil sa pagod ako kaya naisipan kong kumain sa canteen. Sarap na sarap ako sa siopao na kinakain ko..

Wait...... yung clearance ko!!

Nasan na ang clearance ko?!

Ano ba yan? Paano na ako ngayon? Isang oras na lang bell na.

Umalis ako sa canteen dala-dala ang food ko. Pero nahagilap ng mata ko ang isang bagay..

Clearance ko!!! Pero nakasabit sa puno.. Pano yan nakarating dyan sa sangang yan?

"Oy tangkad! Anong problema mo?"-Kuya Christian

"Kuya tyan yung clearance ko nasabit sa sanga."

"Ha? Pano yan napunta dyan?"-sya

Nagkibit balikat lang ako. Paano nga ba?

"Christian may meeting daw"

Sabi ng isa sa student council officer habang hinahabol nya ang hininga nya.

"Bye tangkad!"

Tapos umalis na sya..

Kinuha ko yung tuyong stick na nahulog ata galing sa sanga ng punong ito.

Tinaas ko sya kaso di ko abot. Anyare? Sa pagkakaalam ko at Matangkad naman ako.. haayy. No choice!

Tinanggal ko yung sapatos ko at inakyat ang walang hiyang puno. Feeling ko ako ang Jane ni Tarzan dahil sa ginagawa kong kabaliwan.. Kung sino man ang nag sabit nito dito ay isinusumpa ko na..

Aabotin ko na sana kaso humangin ng malakas kaya napahawak ako ng mahigpit sa sangang kinakabitan ko at yung pesteng clearance ko ay lumipad palayo. "ploook!" Bigla syang nawala. Kainis!

Bumaba ako sa puno at sinundan kung saang direksyon papunta ang clearance ko.

Ayon!! Shet! Sumasabay sa hangin..

Hindi ako titigil!! Haggang sa na.

Napatid ako sa bato dahil di ko tinitignan ang daanan ko.

Pumikit ako. 1!2!3! Tapos nagising ako at nalamang panaginip lang pala lahat.

Joke!!! May sumalo sakin.

Pagdilat ko ..

"Ingat Ms. Intrams.. Bat mo pala yan hinahabol?"

"Clearance ko kasi sya malamang!"

"At sinong nagsabing iyo yun?"

Sino nga ba?

Ahh..Kasi Rivera yung nakita kong nakasulat don?

Tama!

" Kasi Rivera yung. ."

"Bakit ikaw lang ba ang Rivera sa mundo?"

"Hin.."

Kinuha nya yung clearance na hinahabol ko at binigay nya sakin.

"Nathan Rivera yung nakasulat so akin to."

Nasan yung saken?

" Ito ang sayo.."

Tapos binigay nya sakin yung clearance ko..

" Cleared na yan "

Tapos umalis na sya.

"Uy thank you!"

"I love you too".

--------------------------

©Buenaliz

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The flying clearanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon