short story lang po ito
na tungkol sa isang kuyang nagsisi sa huli..
-----------
Sa aking paglaki dama ko ang puot at pighati ng aking nararamdaman , selos mula sa aking kapatid ...
anak din nila ko bakit unfair silang magmahal , bakit mas mahal nila ang aking kapatid ..
madaming tanong na nabubuo sa aking mga utak ..
na kahit ako ay hirap masagot ..
ngunit dumating ang araw na lahat ng ito ay nasagot ng isang hindi inaasahang pangyayare ...
-----
Bata palang ako sunod na ang luho ko , kahit anong naisin ko ay nakukuha ko ...
kapag gusto ko ang bagay naiyon bibilin agad ng aking mga magulang .. masaya ko sa ganitong sitwasyon ...
na lahat lahat nakukuha ko at kinaiingitan ako ng lahat
Pero nabago lahat ng iyon ng isilang ni mommy ang pangalawa kong kapatid
simula non halos wala na silang time para sakin ...
pakiramdam ko kulang ang lahat ng bagay sa mundo , kaht na kinaiingitan parin ako kulang padin sakin , dahil naiingit ako sa mga batang laging kasama ang kanilang mga pamilya kahit na hindi nila makuha ano mang naiisin nila..