CHAPTER TWENTY TWO

160 2 0
                                    

"Jes" nakatingin sya sakin at naghihintay na hawakan ang kamay niya para maitayo niya ako.

Akala ko hindi na sya papasok.

Ang saya ko kasi kunpleto na agad ang araw ko sa kanya.

Kumirot ang binti ko kaya napahawak ako. Ang sakit padin pala talaga akala ko naman ay magaling na to.

"Tatayo ka ba dyan o hindi" saad niya.

Inangat ko ang ulo ko at mukhang seryoso ang tingin niya sakin.

Hindi ba sya nag aalala sakin?

"Cassandra tumayo kana dyan at kunin ang libro na pinapakuha ko sayo" -prof

Ramdam ko ang mga studyante na nakatingin saming dalawa. Kahihiyan ang nararamdaman ko ngayon.

Inalis na ni jes ang kamay niya para tulungan ako sa pagtayo ko. Nalungkot naman ako sa ginawa niya.

Tatayo na sana ako ng bigla akong nakaramdam ng kirot sa binti ko.

"Aaray" sambit ko.

"Cassandra are you okay?" -prof

Napahawak ako sa binti ko.

"Hindi paba magaling ang binti mo?, Mr. lim tulungan mo syang pumunta sa clinic"

"Ma'am! Ako na po magdadala sa kanya" -zey

"No si Mr. lim nalang"

Nagulat naman akong hinawakan sa bewang ni jes.

"Kaya mo bang mag lakad?"

"Aa- oo kaya ko" maglalakad na sana ako ng bigla akong napa upo.

Shet bakit parang namamanhid sa sakit ang isa kkng binti.

"Buhatin mo na sya Mr. Lim"

"Hey ma'am!"

"Yes candy?"

"Bakit kailangan pa syang buhatin ni jes kung kaya naman niya maglakad?"

"Hindi mo ba nakita na hindi niya kaya maglakad?"

"Nakita ko"

"Kaya buhatin mo na sya Mr. Lim"

"Hmm no! Wait! Wala ba kayong ibang mautusan na buhatin sya!?" Mataas na tono na sabi ni candy.

"Ma'am! Ako nalang ang magdadala kay ca—-

Naputol ang sasabihin ni zey dahil binuhat nako ni jes.

"Alis na kami ma'am"

"Okay"

Nakapang buhat kasal kami ni jes. Kinikilig ako.

Tiningnan ko sya pero nakatingin lang sya ng diretso.

Napaka gwapo niya talaga.

"Pwede ba? Wag mo kong titigan" nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Pinagtitinginan tayo" dagdag niya.

Nakita ko ang mga studyanteng mga nakatitig samin. Halos patayin nila ako sa mga tingin nila sakin.

"Ano naman kaya ang nangyari sa kanya para buhatin sya ng ganyan ni jes"

"Ang sabihin mo ano nanaman kayang drama ang ginawa niya para buhatin sya ni jes"

"Ang swerte naman niya"

Campus Hearthrob Is MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon