Maganda at panget.
Pinahid ko ang luha't tumingin sa salaming halos kasinlaki ko.
Gosh. Bukod sa pumayat ako na pabor na pabor sa akin, may pimples at eyebag pa ako.
Puberty hits na ba ito?
Gaganda na ba ako pagkatapos nito?
Kasi nga 'di ba? Kapag panget ka ng bata ka'y gaganda ka paglaki at kapag maganda ka'y pa-panget ka. Oh my gosh! May pimples ako kaya baka pumanget ako! No! A big NO! No way! Hindi ako papanget! Maganda ako! Isa akong Buencamino kaya't maganda ako! Period.
"May shave ka ba d'yan sa kilay, Ssen? " Sinamaan ko ng tingin si Rivo. "Bakit? "
"Siguraduhin mong shave lang ang kukunin mo ha! "
Ngumisi ito. "Syempre pati cream! Kumpletuhin mo na! "
Argh. Inis akong lumabas ng sariling kwarto.
Muli itong sumulyap sa aking pinto. "Ang panget mo na " Mas lalong kumulo ang aking dugo. Hindi niya alam 'yong pakiramdam na ma-broken heart! At mas lalong hindi niya alam 'yong pagmamahal kasi hindi pa siya nagmamahal! Hindi pa kasi puro siya katarantadahan! Marahil ay hindi niya pa na-appreciate 'yong lyrics na, at tumigil ang mundo... Doon palang, iyong pagtigil ng mundo, damn. Napaka-romantic sa pakiramdam. Tapos 'yong makita mo lang siya'y napapangiti ka na o 'di naman kaya'y pag nasa paligid siya'y matataranta ka? Iyong pakiramdam na hindi mo rin maintindihan pero alam mo sa sarili mong isang tao lang ang kayang magpadama no'n? Iyon ang nagpapa-espesyal sa kanya.
"Balang araw... Mababaliw ka rin sa pag ibig, Rivo "
"Ngayon pa nga lang, Baliw na ako? May ibabaliw pa pala ako?! " Kaya ayokong pinagkakausap ang isang 'to e. Mababaliw ako ng mas maaga dahil sa kanya. Mas mapapadali ang pagpapadala ko sa mental.
Makikita mo... Kapag nainlove ka rin, hindi man sa isang Sepe... Tatawanan kita.
Inipit ang buhok na pusod para hindi na kumalat pa sa aking mukha. Agad akong pumasok sa isang dermatology clinic for my skin care routine every end of the month. Ayoko ng pimples o kung hindi man, Whiteheads and blackheads. Ayoko n'yan. I don't like that. I'm perfect in everyone's eyes. Kuha niyo?
"Sino? "
"Si Al! "
Nagpantig ang aking tainga sa pangalang narinig.
"Ms. Ssen Alawi "
Bago tuluyang makapasok sa silid ni doktora'y pumalakpak ang tainga ko sa tuwa. "Break na raw si Al at 'yong cheap n'yang girlfriend sa public school "
What a great news!
"Iyong Ampere ba na naka-tag sa account niya? Obvious namang 'di magtatagal ang dalawang 'yan e! "
Basta pinublic ni Al sa social media, hindi 'yan magtatagal. Ipagsigawan niya man sa lahat na girlfriend niya na ang taong ito'y hindi kaagad naniniwala ang iba because of his reputation as a playboy. He doesn't know how to be serious! Lahat ng babae niya'y hindi man lang umabot ng taon! Wala ni isa! Ito pa ang isa sa pinaghihinalaan ko... Wala rin sa kanila ang babaeng 'yon.
BINABASA MO ANG
Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)
RandomSTARE but never STEAL. Don't destroy other relationships just to get the love that you desire. This is why some people are toxic. Date started: February 22, 2019 Date finished: July 01, 2019