AN/ HELLO! Ito na po,umabot na tayo sa huling kabanata ng kwento nina Keyven at Chasty. Gusto ko lang pong magpasalamat sa lahat ng sumuporta sa kwentong ito mula sa umpisa. Pero bawat kwento ay kailangang may katapusan at ito na po iyon,ang sarap lang sa pakiramdam na hanggang sa huli ay sinamahan nyo ako sa kwentong ito. Nag enjoy po ako sa kwentong ito,kasama kayong lahat.
ALAM NYONG LAHAT ANG SITWASYON KO AT SAWA NA AKONG MAGPALIWANAG PAULIT ULIT. AND AGAIN,THIS WILL BE MY LAST UPDATE AND I WILL START WRITING AGAIN KUNG MAGKAKA CELLPHONE NA ULIT AKO. SOBRANG MAHAL KO ANG PAGSUSULAT PATI ANG MGA SUMUSUPORTA SA AKIN,KAYA LAHAT NG PARAAN PARA MAKAPAG UPDATE AT MAIBIGAY ANG GUSTO NYO AY GINAGAWA KO,PERO NAKAKAPAGOD PO KASI ANG PARA PARAAN KO AT NAKAKAPRANING. KASO TULAD NG KWENTO,NAGTATAPOS DIN ITO. WALA AKONG PERA PAMBILI NG BAGONG PHONE KAYA TITIGIL MUNA AKO. KUNG KAILAN AKO BABALIK,HINDI KO ALAM,PERO SA NGAYON MAGPAPA ALAM MUNA AKO,MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT.
THE GOOD THING IS,MAKAKAPAG REPLY AKO SA MGA COMMENTS AND MESSAGES NYO,DITO SA WATTPAD AT SA FACEBOOK.
SORRY DIN PO KUNG NAGING DEMANDING,MALDITO AT MOODY AKO,SORRY PO TALAGA.
SA NGAYON,GOODBYE MUNA PO!
Again,ito na po ang huling bahagi ng REBEL HEART =)
===========================================================
~
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa kadilimang pumapaligid sa akin. Blangko ang aking isipan at hindi ko din alam ang rason kung bakit ako nandito sa kadilimang ito.
Hanggang sa may marinig akong magsalita. Hindi ko pa maintindihan nung una,hindi ko din mabosesan,hanggang sa naging malinaw din ito.
"K-keyven." boses iyon ni Chasty! Hindi ako maaaring magkamali! Nasaan sya? Nasaan ba ako?
"Kung sakaling hindi mo na kayang lumaban,magpasabi ka ah? Para maging handa kami,para maging handa ako. Kung pagod ka ng lumaban,magpahinga ka na. Pipilitin kong tanggapin,pipilitin naming tanggapin. Pero alam kong lalaban ka. Lalaban ka diba?"
Huh? Anong sinasabi nya? Bakit sya ganyan? May nagawa ba ako? Lumaban naman ako ah? Hindi ko sya iniwan,hindi ko sya pinabayaan. Bakit sya nagsasalita ng ganon?
Nadinig ko ang paghagulhol nya. Natakot ako,bakit umiiyak si Chasty? Ano bang nangyari?
Biglang pumasok sa isip ko ang isang eksena.
Binabaril kami at nag aapoy na ang paligid.
Nakaligtas ba kami? Salamat at buhay si Chasty. Eh ako? Patay na ba ako? Parang hindi ko ata sya kayang iwan,lalo pa at naririnig ko ang pag iyak nya ngayon.
"K-keyven." ang muling pagtawag sa akin ni Chasty. Gusto ko sanang sumagot na naririnig ko sya pero hindi ko kaya,gusto kong imulat ang mga mata ko pero hindi ko magawa. "Masakit sa akin ito,pero kailangan kong gawin,hindi ko ito gusto pero ito ang nararapat."
Naiinis na ako! Hindi ko na nagugustuhan ang mga sinasabi nya! Bwisit! Bakit hindi ko maidilat mga mata ko? Bakit hindi ako makagalaw?
Naramdaman ko ang paghawak at pagpisil nya sa kamay ko. Gusto kong gumanti ng pagpisil.
Shit! Bakit hindi ko magawa?
"Chasty? Bakit ka nandito?" Si Papa! Boses iyon ni Papa! Nasaan si Mama? Namiss ko sila bigla,namimiss ko na din ang anak ko.
"Please tito. Kahit five minutes lang. Magpapaalam lang po ako." bakit sya nakikiusap? Pinagbawalan ba sya? Bakit sya pagbabawalan? Gusto kong nandito sya!
BINABASA MO ANG
Rebel Heart! (boyxboy) - COMPLETED!
Художественная прозаLumaki si Keyven Montenegro sa isang pamilya/clan na open sa same sex relationship. Nasaksihan nya ang mga ito habang lumalaki sya at hindi nya maintindihan kung bakit ganon. Kaya pinangako at isinumpa nyang hindi gagaya sa mga tito nya na pumatol s...