Astrid's POV
'Bebe ko, gusto ko ng ice cream. Bilhan mo naman ako pretty please'
Rinig ko sa babaeng, akala mo kung sinong maganda kung mag-inarte kay Nicholo my loves. Isubsob ko to sa kanal. Makita niya.
"Ooops, i think someone here is jealous." mapang-asar na sabi ni Hayley
I just glared at her.
"Queen A, payong maganda lang ha? Bakit hindi mo pa itry maghanap ng iba. Kasi honestly speaking three-fucking-years is so not normal na considering na hindi ka naman niya magawang pansinin." i rolled my eyes in lack of interest of what Hayes said
"Una hindi ka maganda, pangalawa three years na ang ginugol ko para lang mapansin niya ako and no way in hell na susuko pa ako. And besides, i know sooner or later. Magiging akin rin siya kaya huwag nga kayong mambasag trip dyan kung ayaw niyong mga mukha niyo ang basagin ko." i said then took a sip of my orange juice
Break time namin at andito kami ngayon sa Cafeteria ng Engineering Department not because engineering ang course namin dahil wala yan sa bokabularyo ko at forever enemy kami ni math, that's why.
Kasama ko ang dalawa kong bestfriend na sina Hayley Moshni at Hayes Moshni. Sila ang tinatawag kong Unfortunate Twins. Haha. Wag na kayong magtanong kung bakit.
By the way im Astrid Vera. The one and only queen of Vera University na pagmamay-ari lang naman namin.
"Hey, watch this" i said to them and walks toward my king
I walk as if i own the way. Well, sa amin naman talaga. Everyone is staring at me. Im used to it, after all, im the damn-gorgeous-queen of this University.
"Miss, can i have one order of Quezo Royale please." sabi ko sa vendor na ikinagulat naman niya. Tss. I know, right! Maganda ako, hindi na yun kagulat-gulat pa
Napalingon ako sa katabi ko, only to find out na nakatingin rin siya saken.
We stared at each other for what seemed like eternity. Jusko! Lakas maka-lovelife ang eternity ko. Haha
"I can't blame you if you're amazed of how gorgeous i am." i seductively said to him
Nilapit niya ang mukha niya saken. Ilang inch na lang, magkadikit na ang lips namin sa isa't isa, and im so kilig. Sunggaban ko na kaya para tapos na? Pero i choose not to.
"Nasa kabilang counter ang ice cream section." i can smell his menthol breathe—pero ano raw?
Tinignan ko kung saan ako nakapila at tengene leng, nasa pastry section ako. Oh lupa lamunin mo na ako, now na!
"Hehe. Sabi ko nga, sa kabila." nakangiti kong sabi trying not to look so damn stupid.
He just smirked at tuluyang kinuha yung order niya pabalik sa upuan nila ng girlfriend niya.
Napatingin ako sa paligid at by the look of them alam kong pigil na pigil na ang tawa nila dahil sa katangahan ko. Shetness Overload!
Dumiretso naman ako sa Ice cream section at binigyan ko ng pamatay na titig ang nagtitinda.
"Siguro naman narinig mo kanina ang order ko diba?" nanggagalaiti kong sabi sa babae
"Ye-ss p-o ma-am." she said stummering
Everyone knows who i am and no one dares to mess up with me. Takot na lang nila sa daddy ko no.
Padabog kong kinuha ang order ko at with poise pa ring naglakad pabalik sa mga kaibigan ko as if nothing happened.
BINABASA MO ANG
The Antagonist Love
RomanceI love him. He loves her. but I don't care because sooner or later He'll be mine.