"Vampires are evil mythological beings who roam the world at night searching for people whose blood they feed upon."
Napairap ako saka napatakip ng tenga dahil sa binabasa ni Salacia. Puro fantasy made na mga libro ang binabasa niya. About sa greek myth, wolves na nagiging tao, sorcerers, at ngayon naman, about sa vampires.
"Ano ba Salacia? Magbasa ka nga ng tahimik. Nakakairita ka." Ngumuso ito sa akin saka sinarado muna yung librong binabasa niya.
"Bakit ba iritang irita ka sa mga binabasa ko ha? Ang gaganda kaya." Napairap ulit ako saka ngumiwi sa kaniya. Anong maganda dun?
"Eh puro kanthang isip lang naman 'yang mga 'yan. Works of imagination." Sabi ko pa. Nagulat ako ng paluin niya ako sa aking braso saka mas lumapit sa akin.
"Anong hindi totoo? Totoo kaya ang mga bampira." Ngumiwi ulit ako sa kaniya. Seryoso ba siya?
"Gosh Saly. Those wolves to humans, sorcerers and vampires are unreal so stop dreaming okay?!" Naiirita kong sabi sa kaniya saka nilayo yung upuan ko. Goodness.
Napatingin ako sa kaniya ng bumuntong hininga siya. Siguro narealize niya na na imahinasyon niya lang talaga amg mga 'yon.
"Sana makatagpo ka ng isang bampira para maniwala ka." Napailing iling nalang ako sa kanya saka dumukdok sa desk. Bahala siya.
-----
"Jamie, hindi ka pa ba uuwi? Alas syete na oh." Napalingon ako kay Salacia saka ngumiti dito pagkatapos ay umiling.Inaayos ko kasi yung school papers dahil kailangan na ito bukas.
"Sige na. Mauna na kayo." Anas ko saka tinuon ulit ang pansin ko sa ginagawa ko. "Sure ka?" Napabuntong hininga ako saka lumingon ulit kay Salacia.
"Yaps. So gora na! Shoo na kayo!" Pagpapalayas ko pa kaya natawa naman sila. "Sige, una na kami. Mag ingat ka papauwi ha?" Napatango tango nalang ako sa kanila. Agad silang lumabas kaya napabuntong hininga ako.
"Konti nalang naman na ang gagawin mo Jamie kaya kaya mo na yan." Bulong ko sa sarili ko saka nagpatuloy sa ginagawa ko.
Habang gumagawa ako ay biglang tumunog yung cellphone ko kaya agad ko itong kinuha.
'Why are you still in the school wife?'
Napakunot ako ng noo dahil sa nabasa ko. Wife?
Tinignan ko yung number, unknown number. Baka na wrong send lang sila.
Napakibit balikat ako saka pinatay ulit yung cellphone ko pagkatapos ay pinagpatuloy yung ginagawa ko.
Hindi pa ako nakakapagsulat ay agad na namang tumunog yung cellphone ko kaya napa mura ako. Hindi ako matatapos neto eh.
'Go home. Now.'
Napairap ako ng makatanggap ulit ako ng message mula dun sa unknown number. Nakakainis na ha.
Pinatay ko nalang yung cellphone ko saka pinagpatuloy yung ginagawa ko.
-----
"Hays! Sa wakas! Tapos na rin!" Sabi ko saka nag unat unat. Tinignan ko kung anong oras na. Nanlaki ang mata ko dahil alas diyes na ng gabi. Papagalitan na ako ni mama neto.Agad kong niligpit yung gamit ko saka pinatay yung ilaw dito sa classroom. Pagkalabas ko ay agad akong napayakap sa aking sarili dahil sa lamig.
"Ang lamig agad ha." Bulong ko sa sarili ko saka naglakad na papalabas ng school. Napangiti ako ng makita ko si kuyang guard sa gate.
"Good evening kuya." Napalingon ito sa akin saka napakunot ng noo. "Alas diyes na, bakit nandito ka pa rin? Buti nalang at hindi pa ako umaalis." Napatawa ako ng mahina saka sumabay sa kanila papalabas ng school.
"May ginawa lang po akong school works kuya." Napatango tango ito sa akin saka kinandado yung gate.
"O siya. Mag ingat ka sa daan ha? Gusto mo bang ihatid kita?" Umiling iling nalang ako kay kuyang guard kaya tumango tango ito sa akin.
"Oh sige. Mauna na ako. Mag ingat ka sa daan." Tumango ako sa kanila saka tumalikod saka naglakad papaalis.
Habang naglalakad ako ay may nadinig akong kaluskos sa aking likuran kaya napalingon ako doon. Napakunot ako ng noo ng wala akong makita tao kaya isinawalang bahala ko nalang 'yon.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarinig ulit ako ng kaluskos. Napalingon ulit ako sa aking likod pero wala akong makitang tao kaya kinabahan na ako. Shit.
Napalingon ako sa aking harapan saka mas binilisan yung paglalakad. Kailangan ko ng makauwi.
Habang naglalakad ako ay may nakasalubong akong grupo ng mga kalalakihan. Napalingon sila sa akin saka napangisi.
"Pre, chicks oh." Sabi nung isa kaya agad akong kinabahan. Lumapit sila sa akin kaya napaatras ako. Fuck.
"A-anong gagawin niyo?" Kinakabahan kong tanong habang paatras ng paatras.
"Mag eenjoy ka dito miss." Sabi nung isa saka tumawa ng malakas. Napahawak ako ng mahigpit sa aking bag saka tumalikod sabay takbo.
"Tangina. Tumakbo yung chicks natin!"
"Habuli niyo bilis!"
Mas binilisan ko pa yung takbo ko hanggang sa matalisod ako sa isang bato saka nadapa. Fucking shit.
Napalingon ako sa mga lalaking humahabol sa akin. Pinalibutan nila ako habang nakangisi.
"Wala ka ng takas miss beautiful." Sabi nung isa kaya nakaupo akong umaatras sa kanila. Hinawakan nung isa yung paa ko saka hinila papalapit sa kanila kaya napatili ako. Shit!
"Ang ganda ganda mo miss." Sabi nung isa saka hinawakan ang pisngi ko. Agad akong umiwas. Naramdaman ko ang mga kamay nila sa aking binti kaya napapadyak ako.
"Lumayo kayo sa akin!" Sigaw ko. Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko. Tulong!
"Simulan na natin ang kasiyahan." Sabi nung isang lalakiat akmang hahalikan ng may biglang sumuntok sa kaniya.
"Don't you dare kiss her asshole." Sabi nung lalaki na sumuntok sa kaniya.
"Aba't matapang 'to ah. Tignan natin ang angas mo." Napatili ako ng sabay sabay silang sumugod sa lalaki. Lumingon sa aking direksyon yung lalaking tumulong sa akin.
"Close your eyes my wife. I don't want you to witness this." Sabi niya kaya agad akong pumikit.
Yakap yakap ko ang sarili ko habang nakapikit pa rin. Napamulat ako ng may biglang humawak sa aking braso.
Nakita ko yung lalaking tumulong sa akin. Agad akong napayakap sa kaniya sa sobrang takot saka pumalahaw ng iyak.
"Shh. I'm already here my wife. Don't cry." Pagpapatahan niya saka hinagod ang aking likod. Humiwalay ito sa akin saka pinunasan ang pisngi ko.
"Stop crying wife okay? I'm already here." Napatango tango ako sa kaniya kaya ngumiti ito sa akin.
Napalayo agad ako sa kaniya ng may maalala ako. Napakunot ito ng noo dahil sa inasal ko.
"W-who are you? W-why did you help me? W-why are you calling me 'wife'?" Ngumiti ito sa akin saka sa isang iglap ay nasa bisig na niya ako. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil dun. P-paano---
"I'm Julius, your husband in your past life. I'm your vampire husband." Nanlaki ang mata ko. V-vampire?!
Akmang aalis ako sa kaniyang bisig ng bigla nitong isubsob ang kanyang mukha sa aking leeg. Shit! Anong gagawin niya?!
"Let go of me! Let go!" Pagpupumiglas ko. Nilabas nito ang kaniyang pangil saka lumingon sa akin.
"I'm going to claim you again my wife." Sabi niya kaya mas lalo akong nagpumiglas pero mas malakas siya sa akin.
Napangiwi ako ng maramdaman ko ang pagbaon ng kaniyang pangil sa aking leeg. Unti unti ring nandilim ang aking paningin.
"Rest well my love." Sabi niya sabay halik sa aking noo. "You're going to be mine again. I love you." Huli kong narinig bago ako lamunin ng dilim.