Kabanata 30

318 13 1
                                    

Kabanata 30

Fear

"Krist... who are you looking at?"

I looked away and smiled a little. "N-nothing."

Natigip kami sa lamesa kung nasaan ang aming ama kasama ang iba pa.

Tumayo ang aking ama at sinalubong ako ng yakap.

"You look so gorgeous tonight, Krist."

Gustuhin ko mang mag-alma at magalit sa kaniya ay pakiramdam ko'y nawalan ako ng gana.

Wala akong naitugon nang salubungin rin ako ng kaniyang asawa, "Magandang gabi, hija." aniya habang naka-rehistro ang sinseryong ngiti sa kaniyang labi, but I can read the happiness in her eyes.

Naguguluhan man dahil ramdam na ramdam ko ang higpit ng kaniyang yakap ay mas nanguna sa akin ang galak.

Hindi ko napigilan ang sariling maluha. Hindi ko akalaing sa ganitong kaagap na panahon ito mangyayari sa buhay ko. Ang matanggap kami o ako ng pamilya ng aking ama... hindi lang ako kun'di pati ang mga kapatid ko.

"Angel." maawtoridad na tawag ng aking ama sa aking kapatid na matalim ang tingin sa kaniyang iniinom na alak.

Tumayo ito at pilit ang ngiting iginawad sa akin. Ngunit mas lalo akong nabigla ng may pumatak na luha sa kaniyang mga mata. Patakbo niya akong nilapitan at niyakap ng mahigpit. Humagulhol siya sa aking balikat na ikinagulat ko.

"Angel, anak." nilingon naming dalawa ang kaniyang ina. Pinandilatan niya ito ng mga mata doon nama'y humiwalay sa akin si Angel at pinawi ang kaniyang luha.

Nahihiya naman akong tumungo ng lingunin ko ang mga taong ngayon ay nakatingin sa amin.

Inalalayan akong umupo ni Paevin. Sa gilid ng aking mata'y sinisilip si David na ngayon ay kausap ang katabi niyang babae.

"Hi." gulat kong nilingon ang lalaking hindi ko kilala sa aking tabi.

I awkwardly smiled at him and greet him back, "Hello."

"Houston." pagpapakilala niya at inabot ang kaniyang kamay sa akin.

Tinanggap ko naman iyon, "Kristine." ani ko.

He smiled sweetly at me, "It's nice to meet you, Kristine."

"My pleasure."

Nilingon ko ang aking ama na umakyat sa maliit na stage na nasa unahan. He get the mike and gently tap it to check if there is a sound.

"Ladies and Gentlemen. I want to personaly introduce my daughter, Zakrisean Putiney Grey."

Tumayo ang ina ni Angel at ginabayan akong tumayo't pumunta sa stage. Naiilang na sumunod ako sa kaniya. Nang makatabi ko ang aking ama sa maliit na stage ay nakasalubong ko ang ilang mga mata ng tao na masayang naka-ngiti sa akin.

I can't help but to smile a little. Hindi dahil sa masaya ako kun'di dahil gusto kong ipakita sa ina ni David na ngayon ay gulat na nakatingin sa akin kung sino ang taong nilalait-lait niya noon.

I am not mad at her. I just want her to think that she made a wrong decision. Gusto kong pagsisihan niya kung ano man ang nangyari noon. Well, even though it's in the past right now.

May kung ano pang inimik ang aking ama na hindi ko na pinakinggan pa ng mabuti dahil sa isang madilim at itim na itim na mga matang nakatingin sa akin. Sinalubong ko ang tingin ni David ngunit sa huli ay ako rin ang umiwas.

Fear filled my system. Alam kong walang kasal na nangyari sa pamamagitan nina David at Laurel. At malaking kasalanan ang nagawa ko kay David dahil sa pang-iiwan sa kaniya ng gabing iyon. But anger is in my system too dahil sa isiping ni hindi man lang niya ako hinanap.

Unknown Mistake (Raquel Boys Series #1)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon