Right here under the rain, I witnessed how my mother was murdered. Hindi ko kayang tingnan ang itsura ng ina ko habang nakaratay siya sa lupa na punong-puno ng dugo. Ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon. Tulad nalang ng "Sana nailigtas ko si mama." At gaya na rin ng "Kung hindi sana hinarangan ni mama yung magnanakaw, ako sana yung nasaksak."
Hindi ko kayang tingnan na nagdurusa ang itsura ni mama habang sinasabi ang mga katagang, "Ria, alagaan mo ang sarili mo ha? Wala na ako sa tabi mo para gabayan ka."
Kahit hirap na hirap na siya ay nagawa niya pang sabihin saakin kung saan nakalagay ang ipon namin dalawa na ipangtutustos ko sa pag-aaral ko. Walang hiyang tatay siya. Kung hindi niya kami iniwan para sa isang babae, hindi sana kami naghihirap ng ganito! Siguro nga't masaya na siya gayong yumaman na siya.
Sa gitna ng pagmumuni-muni dahil sa galit habang nasa ilalim ng ulan ay hindi ko namalayang bigla nalang akong nawalan ng malay.
"Hoy Ria! Pinakikinggan mo ba ako ha? Kanina pa ko nagkekwento dito tas ikaw nakatulala lang jan!"
Bumalik sa kasalukuyan ang pagkumuni-muni ko nang sigawan ako ni Nathan sa tainga. Alam niyo, ang tagal ko nang gustong sapakin to kaso ang laki ng utang ng loob ko sa kanya.
Pamilya niya kasi ang tumulong saakin nang makita nila ako sa gubat na nakahiga sa walang buhay na ina ko. Mangangaso ang tatay niya.
Mula noon, kinupkop na nila ako at doon na ako tumira sa kanila.
"Iniisip mo nanaman ba ang nangyari sa mama mo Ria?" tanong nalang bigla saakin ni Nathan. Mahirap mang aminin but I've been telling all my secrets to him. Private or not.
Binigyan ko muna siya ng malungkot na ngiti befor answering, "Yes Tantan. Sorry ha kasi everytime na ako magkekwento sayo nakikinig ka pero pag ikaw nagkekwento... sorry talaga."
Nginitian niya lang ako at sinabing "Oks lang yun. Nako ikaw pa ba? Parang kapatid na kaya turing ko sayo!" Then he patted my head while grinning widely.
"PARANG KAPATID NA KAYA TURING KO SAYO!" Ouch. Hanggang kapatid lang pala ako sakanya. Bumuntong hininga nalang ako.
Oo. Sa loob ng maraming huwan na nakatira ako sa kanila, nahulog na ang loob ko sa kanya. Sino ba namang hindi eh kung makapaglambing at makapangsuyo e kala mo may relasyon kayo. Hays, di na pupwedeng tumagal itong nararamdaman ko. Aamin nalang ako mamaya at kakalimutan itong nararamdaman ko. Swertehin man o hindi, basta makaamin lang.
"Pst hoy Tantan! Uwi na tayo dali! May paguusapan tayo." Sigaw ko sakanya dahil kausap niya ang mga tropa niya. Narinig ko siyang nagpaalam sa mga tropa niya at lumapit saakin. " Sige sige. Uwi na tayo kasi gutom na rin ako eh."
Sabay kaming naglakad pauwi. Hay, di ko na talaga kaya. Aamin na ako! Malayo-layo pa naman bago makarating saamin kaya eto na! Hoooo! This is the daaaaaay!
"Tantan?"
"Oh?"
"Uhm, ano kasi eh."Tumingin siya saakin at nagtatakang nagtaas ng kilay.
"Bakit Ria? May sasabihin ka?"
"U-uhm, ehem. Oo s-sana e-eh."
"Hmm. Ano ba yon?"Ngumiti siya ng nakakaloko. Jusq po. Feeling ko alam na niyang aamin ako sa kanya.
"Simula ng niligtas ako ng tatay mo at ginamot mo ako, sinabi ko sa sarili ko na hinding-hindi ako magpapaapekto sa sinasabi ng iba. Magpapakalakas ako. Wala akong papapasukin sa puso ko at hindi ako makakaramdam ng pagmamahal sa puso ko. But someone came. You came Nathan. You changed my life. Binago mo lahat ng pananaw ko sa buhay. Nagtataka nga ako kung papano mo nagawa iyon eh. Kaya ayun, napunta na dito. This is the p-point where I will say my t-true feelings for you. And yeah Nathan. M-may g-usto ako... s-sayo."
Namumula kong tinapos ang huling mga salita. Tumigil siya kaya tumigil na rin ako.
"Maria..."
"Oo Tantan alam ko. Walang ka ring nararamdaman saaki---"
"NO! It's not like t-that."
"Hayaan mo. Pipilitin kong kalimutan ang nararamdaman ko para say---"
"Stop right there."Doon sa mga katagang iyon ay nagtaka ako. Nakatigil naman kami ah?
"H-ha?" HALA! Bakit ako natatameme?
He pushed me on a wall behind me and carefully pinned my arms above my head. Magsasalita na sana ako nang nilagay niya ang index finger niya sa labi ko at sinabing, "Shhh darling."
Namula ako kaya agad kong iniwas ang tingin ko sakanya. But, he still managed to hold my chin and make me face him.
"Stop it Maria. I'm not saying that you should stop your feelings for me. I want it all to improve. Gusto kong mapalawak ang pagkakagusto mo sakin at pagdating ng panahon, mahalin mo ako..."
With one swift move, he lifted my face and kissed me. Damn! HE KISSED ME ON MY LIPPPPS!
"Wala akong ibang hihilingin sayo Ria but just please... LOVE ME HARDER."
A/N: MASKI AKO KINIKILIG HABANG SINUSULAT TO. SANA KAYO RIN. HOPE YOU ENJOYED IT KAHIT ONE SHOT LANG. LOOVE YOU ALL!!!