kabanata xvii

263 3 0
                                    

MALAWAK ANG NGITI na bumaba ako ng sasakyan nang makarating na kami sa destinasyon namin ni Cortez. We're at the beach, and it feels so amazing being here again.

Itinaas ko ang dalawa kong braso at sumigaw, "Woah!" Saka umikot-ikot habang pinakikiramdaman ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa malawak na karagatan.

Kahit na medyo mahapdi sa balat ang init ng araw ay hindi iyon dahilan upang pakiramdaman ko ang kalmadong dulot ng magandang lugar. It feels so great and relaxing.

Malawak ang ngiting pinagmasdan ko ang magandang tanawin sa aking harapan. Ang nagniningning na dagat, ang tila mahinahon na paghampas ng alon doon, at ang magandang ilaw na nagmumula sa araw na nagre-reflect naman sa malawak na karagatan. Parang wala kang problema kapag nasa ganitong kakalma at kagandang lugar ka.

Napakislot ako at agad na kinilingan si Cortez na bigla na lang yumapos ang dalawang braso sa aking beywang. Nginitian ko siya at marahang isinandal ang sarili sa kaniya saka hinawakan ang nakayakap niyang braso sa akin.

Marahan nitong kinintalan ng halik ang aking ulo at mas humigpit pa ang pagkakayakap sa 'kin. "You like it here, baby?" Malambing nitong tanong.

Ibinalik ko na ang tingin sa magandang tanawin na nasa aming harapan bago nagsalita, "I love it, Cortez. Thank you for bringing me here," ramdam ko ang pangigilid ng luha sa aking mata habang sinasabi iyon.

Naalala ko kasing bigla ang lola at lolo ko nang makita ang kalmadong karagatan. Dati rin kasi kaming nakatira noon malapit sa dagat kaya sila agad ang pumasok sa aking isipan nang makita ang dalampasigan. And I missed them so much.

Hindi ko na namalayang tuluyan na palang umaagos ang luha mula sa aking mata dahilan para iharap ako ni Cortez sa kaniya. Sinapo nito ang aking mukha at pinunasan ang lumalandas na luha sa aking pisngi gamit ang kaniyang palad saka may pag-aalalang tumingin nang diretso sa aking mata.

"Are you okay? Why are you crying, baby? Tell me," may himig ng pangungusap ang boses nito habang nagsasalita.

Ngumiti ako at tumingkayad upang halikan ito sa kaniyang labi na siyang ikinagulat niya naman. Napatitig na lang ito sa 'kin matapos ko siyang mahalikan na may pagtatakang ekspresyon sa mukha.

"W-what's that for?" Napahagikhik ako nang mautal ito sa pagtanong sa 'kin. Mukhang hindi pa rin ito nakakahuma sa ginawa kong iyon.

Iniyakap kong muli ang braso nito sa aking beywang at inilingkis ko naman ang aking braso sa kaniyang leeg. "I did that to thank you, Cortez. Salamat dahil dinala mo ako rito. Para kasing bumalik uli ako sa panahon kung saan kasama ko pa ang lola at lolo ko noong nasa Cebu pa ako," sinsero at nagagalak kong saad habang nakatingin sa kaniya.

"I'm happy to hear that, baby, " aniya at sumilay ang ngiti sa labi nito nang marinig ang sinabi kong iyon kaya kitang-kita ko ang mapuputi nitong ngipin ngunit hindi naman ganoon kaperpekto. Hindi sinasadyang napahagikhik ako nang makita ang sungal nitong ngipin sa ibaba. Ang cute kasi!

Nagkaroon ng gatla ang noo nito dahil sa ginawa kong iyon at seryoso na ang ekspresyon na tinaasan ako ng kilay. "Anong tinatawanan mo?" Kunwa'y nagsusungit na untag nito.

Mas lalo akong napahagikhik. Naramdaman ko naman ang paghapit nito sa 'kin upang mas mapalapit pa sa kaniya. Sinubukan kong pigilan ang paghagikhik ngunit kusang tumatakas iyon sa aking bibig.

I Am Your Sin | R18+ | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon