Chapter 1: Uno

3 0 0
                                    

"Sabby baby!!! Anong gagawin ko! Hindi ko mapigilan ang hindi pamilyar na pakiramdam na aking nararamdaman ngayon!!!huhuhu!!!" Parang batang ngumangawa si Jordan

" It's what you call LOVE Idiot!" Pagsigaw ko sa kanya ng mag sawa ako sa kakaiyak niya tungkol sa 'unfamiliar feeling' daw na nararamdaman niya.

"Kalalaki mong tao umiiyak ka diyan tapos hindi mo pa kayang i figure out yang nararamdaman mo!" Napapa-iling na lang ako sa pinag gagwa ng lalaking toh sa walang kwenta niyang buhay.

"Eeehhhh!!! Diba sabby baby sabi mo sa akin noon na kapag ang tao ay nagmamahal nawawala ito sa tamang wisyo? Kaya acceptable lang ang mga ginagawa ko ngayong pagiinarte dahil gaya nga ng sinabi mo ang aking nararamdaman ngayon ang pinaka paymos na emosyon na kung tawagin ay pag-ibig kaya lahat ng ginagawa ko ngayon ay natural lamang dahil gawain ito ng taong nagmamahal." Proud na proud niya pang sabi, tss

"Hindi mo kilala ang pag-ibig Jordan. Kaya nitong durugin ang lahat-lahat sa iyo at wala itong panahon na maawa sa iyo kapag dumating ang panahon na walang wala ka na dahil sa halip na tulungan kang bumangon mas lalo ka nitong hihilahin pababa, the deeper the more pain you'll feel." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Ano ba yan sabby baby grabe ka naman manakot."

"Hindi ako nananakot Jordan, ang mga sinabi ko ay purong katutotohanan at hindi pananakot." Nakataas kilay kong sabi sa kanya. Ang kapal niya para maliitin ang pag-ibig duh hindi niya alam kung anong sakit ang mararamdaman niya sa ilalim ng mga kamay ng pag-ibig.

"Haaaay wag ka nga masyadong seryoso sabby baby dahil itong nararamdaman ko ngayon lilipas din to, ano ka ba." Tatawa-twang sabi niya.

"Jordan! Naririnig mo ba ang sarili mo?! Hindi ka tatantanan ng lintik na pag-ibig na yan ng hindi ka nasasaktan!"

"Okay okay masyadong kang hot sabby baby, hahaha!!!"

"Alam kong hot ako hindi mo na kailangan pang ipa-alam sakin yan."

"Hehehe sabby baby kumakapal ang atay mo hehehe" aba't ang kapal naman ng kalyo niya sa mukha para sabihin niya yan sa akin, pero dahil mabait akong diyosa sige papalampasin ko yun.

"Jordan mauna na pala ako tinawagan pala ako ni dos kanina pinapapunta ako sa mansyon niya. "

"Sige iwan mo na ako, ganyan ka naman lagi.... lagi mo na lang akong iniiwan kung kailan kailangan na kailangan kita." Nagda-drama na naman po siya.

"Mas maswerte ka pa kesa sa iba" Malungkot kong sabi sa kanya dahil sa alaalang muling nanumbalik sa aking isipan na para bang kahapon lang nangyari. Sariwa pa rin ang mga sugat na dulot nito sa aking puso.

"Bakit naman? Eh hindi kaya nakakatuwang maiwan."

"Alam ko." Natatawa kong tugon habang inaalala kung ilang beses na ba akong iniwan na walang assurance kung may hihintayin pa ba ako o kung dapat pa ba akong maghintay.

"Sabby baby yung tanong ko."

"Jordan sa tuwing umaalis ako alam kong sigurado ka sa iyong sarili na babalik ako sa tabi mo pero sa tingin mo ba ganun din ang nangyayari sa iba tuwing may nangi-iwan sa kanila, hindi. Dahil hindi lahat ng tao kaya pang bumalik at mas lalong hindi lahat ng tao gusto pang bumalik, sa ngayon hindi pa ako isa sa mga taong iyon pero alam natin pareho na darating ang araw na mangiiwan ako at hindi na babalik kaya dapat paghandaan mo ang araw na iyon."

Ang sakit mang isipin pero iyon ang katotohanan. People come and people go ay ano to love shot lang ang peg hahaha! Ewan ko ha pero diba dapat pang dramatic na emosyon ang maramdaman ko ngayon kasi bes we're talking about leaving at hindi biro ang mangiwan at maiwan maaring yung iba oo matutuwa sila pero paano naman yung iba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shattered Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon