"Ayoko nang mabuhay".
" Hindi pwede , kung tatalon ka dyan , Sasama ako"Katagang aking narinig habang lulan ng isang sasakyan
Hindi sadyang mapatingin sa labas, kung saan naguusap ang dalawang magkaibigan.
Nakatungtong sa tulay ang dalagita, habang hawak ng kaibigang binata
Pagasa'y naglalaho na
Pagluha ang tanging sagot sa kanyang kasama .Makikita ang maruruming suot at gulo gulong buhok ng dalawa.
Kalungkutan lamang ang tanging mababakas sa kanilang mukha.
Ano meron ?
At tila siya ay nawawalan ng pagasa.
Problema ?
Oo nga, problemang sumisira sa buhay ng bata't matatandaKung titigna'y nasa labing apat na taong gulang pa lang ang dalawa
Nakakagulat no? Sa murang edad , ang buhay ay sira na.
Handang iwan ang mundo , pagtakas ang sagot
Lahat ay gagawin , basta't hininga'y malagotNapaisip ako at napatanong sa aking sarili
"Sapat ba na sirain ang buhay na ipinahiram lamang ng May Likha ??"
Aking nakita ,
Pagkitil sa buhay , Solusyong akala ng iba ay tama.
Problema'y tinatakasan, buhay ay wawakasan
Bakit ?
Depresyon ang dahilan ng ilang mga mamamayan.Depresyon, Ano ang nais mo saming mga tao?
Maligaya ka bang nakakakita na may taong nanlulumo at wasak ang puso?
Kuntento ba ang iyong isipan na makitang bibitaw at pabitaw na ang mga kapwa tao ko ?
O sadyang ang lahat ng mga bagay na ito ang iyong layunin at gustoAno ang tatakbuhan ng mga taong unti unting kinakain mo?
Sa una'y nais mapagisa
kapagdaka'y masasanay na ?
Sa una'y isang hiwa
Hanggang sa dumami na ?
Tanging kamatayan ang tingin nila'y sagot
Para magising sa isang nakakatakot na bangungot.Nakakatakot , nakakakilabot
Nais ni kamatayan
Wag sanang kasanayan.
Masasayang alaala, muling balikan
Tumingin sa taas, Dios ang kasagutan.-----
Ctto sa cover picture 💓