"Bat ba ayaw mong kumain?" sabi ni sam habang binibigay ang mga pagkain sakin.
"Ayoko wala akong gana"
"Anong walang gana! Ano ba nangyari? May nangyari bang masama? Hinanap ka namin ni zey kung saan saan buti nalang at natagpuan kita sa cr"
"Nagpahinga lang ako"
"Nagpahinga? Aba cass galingan mo naman magpalusot, bakita ka magpapahinga? Tyaka sa cr? Dun ka magpapahinga? Tyaka bakit maga yang mata mo!" Sabay turo sa mata ko.
"N-napuwing lang kanina"
"Sinungaling ka talaga"
"Oo nga"
"Mamatay man!"
"H-hindi"
"Hay nako cass kilala kita pag nag sisinungaling ka kaya dapat sinasabi mo na agad sakin ang totoo"
Dapat bang sabihin ko? Napaka babaw naman ata ng dahilan ko kung bakit maga mata ko.
Teka mababaw na dahilan ba yun? Sa palagay ko sobrang bigat yung dahilan na yun! Napahiya ako sa babaeng new student tapos hinayaan pa niyang pumulupot sa kanya yung babaeng yun! Tapos mas pinakinggan niya yung babaeng yun!.
"Easy lang cass mukhang may problema ka ata ah. Gusto kong chumismis kung bakit maga yang mata mo pero mukhang ayaw mong iopen sakin kung bakit" sabi niya habang kumakain ng pancake.
Nakokonsensya ako kasi hindi ko masabi sa kanya. Siguro ako ang may mali kanina kaya hindi nagawang ipagtanggol ako ni jes.
Nag seseloss lang talaga ako tyaka yung babae naman talaga na yun ang may kasalanan.
"Here" si zey na may hawak na chocolate cake.
"San kaba nang galing zey? Napaka tagal mo ah!" -sam
"Humanap pa kasi ako ng pagkain na alam kong magugustuhan ni cassandra" sabay ngiti sakin.
"Thankyou pero wala akong gana sorry zey" sabi ko.
Nakita ko namang sumimangot ang mukha niya sa sinabi ko. Nakukunsensya tuloy ako.
Kukunin na niya sana yung cake ng bigla kong kinuha at kinain.
"Alam kong nag effort ka kaya kakainin ko na" ngumiti naman sya.
"Thankyou cass"
"Hoy hoy! Baka mag ka developan kayong dalawa! May asawa na yan zey ha!"
"Napakaingay mo naman sam nandito tayo sa cafeteria oh" sabi ko.
Tumingin naman sya sa paligid at parang nahiya sa ginawa niya.
"Oo nga noh hahaha ah basta zey kung gusto mo mabuhay lubayan mo bespren ko!" Sabay inom niya sa pineapple juice niya.
"Alam ko naman yun e. Ang kaso lang naman e hindi ko kayang tingnan si cass na malungkot habang nakikipaglandian yung asawa niya sa iba"
Nakikipaglandian?
"Imposible yun" pagtatanggi ko.
Matino si jes alam kong nag bago sya pero hindi lang ako sure. Simula ng makita ko ang pagtataksil niya sakin alam ko nung mga araw na dinala ako sa hospital at inalagaan niya ako ay nagbago na sya.
Alam kong kahit konti mahal niya ako.
Kamusta na kaya yung babaeng kahalikan niya na yun?
Ow shet pag naalala ko yung araw na yun gusto kkng maglaho sa mundo na to, hindi ko matanggap na makita na may kahalikan sya.
BINABASA MO ANG
Campus Hearthrob Is MY HUSBAND
Romancetype of being obsessed *lahat gagawin mo na para lang mapansin ka *magpaganda baka sakaling magustuhan ka *sundan mo kung saan saan *titigan sya ng husto at magpabebe sa harapan niya *pagselossin sya kahit naman walang dahilan para mag seloss sya ka...