bakit kaya niya ako pinapatawag? Dahil ba sa ginawa ko sa nurse kaya ako pinapatawag?.
Kinakabahan ako bawat hakbang ko patungo kung nasaan ang office ni lolo, matagal tagal na din kasi kami hindi nagkakausap simula na din nung my huli akong binastos na teacher at pinatanggal.
Hindi alam ng lahat ng studyante yun, pinahiya ako nung teacher na yun sa mismo sa lahat ng studyante, hindi lang sa room kundi sa buong campus, walang pakundangan niya ako nilait lait isa lang naman ang dahilan niya dahil bakla sya at may gusto sya kay jes.
Noon kasi grabe ang pag papapansin ko kay jes, kakakasal lang namin noon kaya kung umasta ako sa kanya noon ay ipinapakita ko sa kanya kung paano ako maging asawa sa kanya pero hindi niya gusto yun at mas lalo niya akong tinataboy palayo.
Minsan kong nakasalubong ang baklang teacher na yun sa tennis club bukod tanging kami lang dalawa ang nandon, pero dahil nga sa sobrang ka eppalan ng teacher na yun.
Kahit hindi ko sya pinapansin pinaringgan niya ako at nilait ang pagkatao ko, sa sobrang inis ko sinagot ko sya at ang masama dun ay narinig ng lolo ko kung pano ko sya sagutin at sa huli ako ang naiwang masama.
Bandang huli ako ang na suspend at ang teacher na yun ay inalis sa school na to, napahiya sya ng malaman niya na apo ako ng mag ari ng school na to pero ang masama ay hindi manlang ako naipagtanggol at pinakinggan ng aking lolo.
Hindi ko namalayan na nasa labas na pala ako ng office ni lolo. Lumalakas ang pagtibok ng puso ko.
Nung naalala ko ang lahat na yun ay lumalayo lalo ang loob ko kay lolo.
Pumasok nako sa loob at tumambad sakin ang liwanag mula bintanang malaki kung saan dun nakatingin ang lolo ko. Bale nakatalikod sya sakin.
"Its been a years na" at humarap sya dahan dahan gamit ang upuan niya. "Na makakausap at makikita kita apo" sabay ngiti niya sakin.
Hindi manlang kumukulubot ang kanyang balat, hindi ko alam kung dapat ba akong matakot sa pagtanda ko dahil sa kanyang itsura. Mas lalong naging good looking ang lolo ko.
"Are you suprised at my appearance?, you also have not spoken to me for a long time. You can not visit me at my office" dagdag pa niya.
Simula kasi nang isuspend niya ako. Sobra akong nagalit sa kanya dahil hindi na nga niya ako maipagmalaki o maipakilala sa mga may shares sa school na to at sa lahat ng students.
"Masama lang ang loob ko po sayo kaya hindi ko magawang bumisita" sabi ko habang nakatingin sa iba.
"Have you not forgotten the past?"
"Hinding hindi ko makakalimutan yun, bakit niyo ho ba ako pinatawag?"
"I call you because you need to know the shares of the share holders in our school and our company"
Bakit niya ngayon sinasabi sakin to?.
"Hindi na kailangan"
"why? is not that what you wanted? do you know all the great grandchildren you have at school?"
"Kung gusto niyo ako makilala nang mga may shares sa school na to at sa company natin, sana noon niyo pa ginawa sana inuna niyo muna akong pinakilala sa mga studyante dito! Yung noon pang madaming lumalait sakin! Pero hindi! Hindi niyo nagawa yun dahil mas inuna niyong pakinggan sila kaysa sa apo niyo! Haha hindi na din ako mag tataka kasi nga hindi niyo nga ako maipakilala sa lahat pano pa kaya na ipagtanggol niyo ako sa isang tao na ang totoo naman ay sya ang may kasalanan at hindi ako" nilabas ko ang galit na nararamdaman ko sa kanya nakatingin lang sya sakin at kita ko sa mata niya na wala syang pake sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Campus Hearthrob Is MY HUSBAND
Romancetype of being obsessed *lahat gagawin mo na para lang mapansin ka *magpaganda baka sakaling magustuhan ka *sundan mo kung saan saan *titigan sya ng husto at magpabebe sa harapan niya *pagselossin sya kahit naman walang dahilan para mag seloss sya ka...