Hindi ko alam kung anong meron sayo
At hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal ko
Ano bang gayuma ang ginamit mo
At napaibig mo'y isang tulad ko?
Lumipas ang maraming taon
Ang mga puno'y nagpalit na ng mga dahon
Marami ng kalendaryo ang itinapon
Ngint pag~ibig ko sayo'y di naglaon
Hanggang ngayon,naluha man ako sa piling mo
Ikaw pa rin laman ng puso ko
Pangalan mo'y sinisigaw ng utak ko
At alam ko,ako lang ang para sayo
Kahit gaano pa kasakit ang mga nagawa mo sa akin
Sa isang "sorry" lang na iyong sambitin
Agad ika'y aking patatawarin
At magiging masaya muli sa iyong piling
Di bale ng tawagin nila akong bobo
Kung ikaw naman ang tinitibok ng puso ko
Kahit kailan man mahal kitang totoo
At hindi ikakahiya kahit kanino
Nakikita man kitang kasama siya
At parating sakit ang nadarama
Tanga na kung tanga
Pero mahal talaga kita