Coffee [BTS-Jimin]

2.3K 81 29
                                    

Park Jimin's POV

----

"Do you know what's the best way to forget all your problems?" Tanong ni Namjoon sa akin. Kanina ko pa sya kausap dito sa dorm. Kami kasi ang naiwan dito ngayon dahil namimili pa ng pagkain ang iba.

"What is it?" I asked him.

"Take a break."

"Have a Kit-kat?" Tanong ko.

"Hindi! Drink coffee. It'll make you feel better." Tumingin sya sa akin, "Jimin."

"Oh Namjoonie?" Biro ko sa kanya. Ayaw na ayaw nyang tinatawag ko sya nyan kasi hindi naman daw kami close. Hahaha!

"You got no jams!"

"Yan ka na naman.." huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya. "Namjoon, ano sa tingin mo ang kailangan kong gawin?"

"Ahh.. hindi dapat ako tinatanong mo dyan eh! Pero wag kang mag-alala, tutulungan ka naman namin. Hayaan mo yun, babae lang yon. Marami pa dyan! Kung ang mga babae nga sinasabi na they can live without boys then, boys can live without girls!"

"Sigurado ka ba dyan? Di nga? Ang alam ko kasi...."

"Mali yang iniisip mo! Basta!" Namula si Namjoon kaya alam ko na ang tumatakbo sa isip nya. "Mag-kape ka na lang kasi!"

"Kapag nagkape ba ako, forever na mawawala na yung sakit? Hindi naman di ba?"

"Ahhh~~eh... panandalian lang naman kasi yan. E kung gusto mo talaga makalimot punta kaya tayo sa nag-oorasyon o magpasagasa ka. Baka sakaling magka-amnesia ka." Sarkastiko nyang sabi. Alam ko namang nagbibiro lang sya. "Ang hirap pala ng may kausap na broken-hearted. Nakakabaliw!"

"Ang ingay nyo pa nga!" Napatingin kami kay Suga na may bitbit na groceries. Di namin namalayan na nakabalik na sila.

"E kasi naman si Jimin, di makaget-over sa ex-girlfriend nya." Sabi ni Namjoon.

"Aissht! Marami pang babae dyan, pakilala kita." Sabi ni Suga sa akin. Hindi eh. Iba pa rin yung ex ko... yung babaeng minahal ko.

"Bakit Jiminie? Sinara mo na ba ang puso mo sa babaeng yun? Wala kang mapapala dyan sa one-sided love na yan." Sabi ni V sabay lapag ng pinamili sa mesa.

"At pinagpalit ka na nya di ba? Sa iba..." dagdag pa ni Jin na may yakap na stuff toy na nakuha siguro nila sa arcade.

"Hugot ba yan Jin?" Tanong ni Suga.

"Hindi ah." Agad syang umalis at pumasok ng kwarto sabay lock ng pintuan nito.

"Ay bitter~ di makaget-over kay Keira." Sabi ni Jungkook na kumakain ng ice cream.

"Hindi naman sya niloko ni Keira di ba?" Tanong ko.

"Oo. Hindi nga. Pero syempre, may pinagdaraanan sya ngayon.. Parehas kayo." Tinapik ako ni Jungkook sa balikat. "Liit mo talaga hyung."

"Ang sama mo talaga! Akala ko pa naman kakampi kita." Sagot ko sa kanya.

"Ikaw naman ,di ka na mabiro."  Panunuyo ni Jungkook sabay bigay ng lollipop sa akin.

"Kala mo madadaan daan mo ako sa lollipop!" Pagtataray ko. "Akin na!" Kagutom rin kaya mag hintay.

"Jimin naman kasi, kemelu ka na. Maraming girls dyan oh. Sino ba type mo? Si Liza? Raine? Pauline? Si Rachelle? Hannah? Monique? Lahat yan may number ako!" Sabi ni Hoseok. Pero hindi ako interested! Wala akong ganang makipag-date ulit.

Coffee [BTS-Jimin] one shotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon