Anastasia's Room

230 7 18
                                    

     Ako na yata ang pinakaguwapong lalake sa balat ng lupa.  Mayaman na guwapo pa kaya nga nagkakandarapa ang mga babae sa akin eh, pati nga mga lalake.  Ako nga pala si Marcus, 25 years old.  Sikat na artista sa panahon ko.

     Walang tumatagal na babae sa akin.  Halos lahat naman kasi sila pera lang ang habol sa akin.  Suwerte nga siguro akong maituturing dahil lahat na ay nasa akin pero pakiramdam ko may kulang pa rin.

Magkakaroon kami ng shooting para sa isang pelikula.  Ito ay gaganapin sa isang lumang mansion.  May isang tagapamahala ng mansion ang kumausap sa amin sa labas.  Leonora daw ang pangalan sabi ni direk.  Masyado nang makaluma ang kanyang pangalan.  Sasamahan niya muna kaing maglibot sa buong bahay.

Bumungad sa amin sa loob ang isang malaking kwadro ng isang babae.  Maganda, mukhang mayaman, palaban, edukado pero mapagmahal?  Tinanong ko kay Leonora kung sino ang babaeng nasa litrato.  Siya daw si Anastasia, ang babaeng anak ng konde na may-ari ng mansion.

Ipinagbawal niya kaming pumasok sa kuwarto ni Anastacia dahil hindi pa daw naaayos ito.  Sa mansion na kami natulog dahil bukas simula nan g taping.

Tulog na kaming lahat nang may marinig akong ingay.  Parang kalabog pero hindi ko alam kung saan nanggagaling.  Nagbuhay ako ng isang lampara(nga pala, walang kuryente sa bahay na iyon.  Tanging generator na dala ng staffs ang ginagamit naming) at hinanap kung saan nanggagaling ang ingay.

Nanggaling pala ito sa kuwarto ni Anastasia.  Nilapit ko ang aking tenga sa pinto para siguraduhin na dito nga nanggagaling.  Biglang may babaeng sumisigaw.  Parang nakikipagtalo. 

Baka si Leonora ang nasa loob.  Hindi na ako nagalinlangan at binuksan ko ang pinto ng kuwarto.  Isang liwanag ang lumantad sa harap ko.

Pagmulat ng aking mata, nakita ko ang isang napakagandang babae na ngayon ko palang nakita.  Parang nakikipagtalo ang dalagita sa isang lalake na tinatawag niyang Felipe.

“Bakit ka nagdala ng isang panget na dukhang lalake dito sa bahay?!” galit na tanong ni Felipe sa kanyang nakakabatang kapatid.  “Wala ka nang pakialam kuya.  Ako naman ang responsable sa alilang ito sa harap ng ating magulang at hindi ikaw.” sabat ng babae. 

Lumayo na lang paalis si Felipe sa dahilang ayaw niya na makipagtalo sa kapatid niyang matigas ang ulo.  Pero pinagtataka ko ay kung bakit tinawag niya akong panget at dukha.  Ako kaya ang sikat at mayaman na si Marcus.

Bumangon ako at pagharap ko sa salamin ay nakita ko ang isang lalakeng maitim at panget ang mukha.  Ako ba ito?! Hindi maaari! Anung nangyare?! Mukha akong taong lansangan na hindi mo na maitsurahan.  Panaginip lang ito!

Napansin ng dalagita na nagising na ako kaya nilapitan niya ako para pakalmahin.  “Anung pangalan mo?” tanong niya.  “Marcus,” sagot ko.  “Ako nga pala si Anastasia”  Naaangkop sa kanya ang kanyang panagalan.

Hapunan na kaya naghanda na sila ng kakainin.  Gulay ang mga putahe nila.  Ang problema, hindi ako kumakain ng gulay.  Nahalata ata ni Felipe na ayaw ko ng ulam na hinain nila kaya nagparinig siya, “Ang panget na nga, ang arte pa.”  “Pasensya ka na sa aming putaheng inihain.  Ano ba ang gusto mo at ipagluluto kita?” sabi ni Anastasia.

“May steak ba kayo?  O roasted chicken?” tanong ko.  Nagtitigan ang magkapatid nag-iisip kung ano yung mga sinabi ko.  “Kahit ano na lang basta hindi labag sa puso mo.” sabi ko.

Naghintay muna ako sa may sala nang Makita ko ang isang kwadro.  Pamilyar ang litrato kaya napaisip ako.  Nang Makita ko si Anastasia, naalala ko yung malaking kuwadro sa lumang mansyon.

Teka lang, anung ibig sabihin nito?  Naeengkanto ba ako? Nasa nakaraan ako? Paano nangyari yun eh wala ngang makaimbento ng time machine eh.

Pumunta muna ako sa kuwarto para mag-isip kung ano ang nangyayare. Pagbukas ko ng bintana, hardin ang tumambad sa akin at ang mga kalesang dumadaan.  Ang mga tao ay luma kung manumit.  Panahon ban ng Espanyol ang napuntahan ko?

“Magandang gabi po.” Paulit-ulit na bati ng mga boses lalake sa may sala.  Sinilip ko kung anong meron.  Kumpol ng mga nakaposturang lalake ang nasa sala nina Anastasia.  May mga dalang bulaklak, tsokolate, at iba pang pangregalo.  Mukhang umaakyat ng ligaw ang mga ito.

Biglang dumating ang mga magulang ni Anastasia at magalak na binati ng kanyang ina ang mga bisita.  Ngunit pinauwi na ito ni Anastasia ng hindi man lang nakakapagsalita ang mga ito.

“Bakit mo sila pinalayas?” galit na tanong ng kanyang ina.  Hindi siya sinagot ni Anastasia at pumasok nalang ng kanyang silid.

Isang linggo na ang lumipas at may isang balik- bayan ang dumating.  Siya ay ang anak ng alkade ng kanilang bayan.  Halos lahat ng mga dalaga pati matatandang babae ay gustong masilayan ang kagwapuhan ng binata.

Nautusan si Anastasia na mamalengke kaya sumama ako para makapaglibot-libot na rin.  Saktong pumunta rin ang binata sa bayan para gumala.  Nagkabungguan ang dalawa ng hindi sinasadya.  “Patawad binibini.  Ako nga pala si Mateo at ikaw naman?” sabi ng binata.  Kausali ko ang lalakeng ito kung ako si Marcus sa kasalukuyan.    Humingi lang ng tawad si Anastasia at hindi na pinansin si Mateo.  Mukhang nabihag ang puso ni Mateo kay Anastasia kaya ipinagtanong niya kung saan nakatira ang magandang binibining kanyang nakita.

Nalaman ni Mateo na matalik niyang kaibigan ang kapatid nito na si Felipe.  Kinagabihan, dumalaw si Mateo sa tahanan nila Felipe.  “Mateo!” masayang bati ni Felipe sa kaibigan.  “Matagal na rin tayong hindi nagkikta simaula ng mag-aral ka sa Espanya.” Dagdag pa ni Felipe.

Sinabi ni Mateo na gusto niyang ligawan si Anastasia at siyempre pabor naman itong si Felipe.  “Anastasia, may bisita ka.” Tinawag ni Felipe si Anastasia. 

Palagi nang dumadalaw sa tahanan nila si Mateo.  At habang tumatagal, higit na pala sa panliligaw ang minimithi nito kundi ang mapakasalan ang dalaga.

Hindi tinanggap ni Anastasia si Mateo dahil ayaw niya sa pag-uugali nito.  Pagkaalis ni Mateo ay hinigit ni Felpe si Anastasia at kinausap. 

Mukhang tinatakot ni Felipe ang kapatid kasi pumayag na itong magpakasal sa bandang huli.

Sa isang buwan na agad ang kasal ng dalawa.  Nakita ko mula sa may bintana na may tinanggap na sobre si Felipe kay Mateo.  Ipinagkanulo ni Felipe ang sariling kapatid sa isang demonyo.  Araw- araw na lang tuloy tulala si Anastasia.

Araw na ng kasal at ang lahat ay nakahanda na.  kinatok ng kanyang ama ang pinto para tawagin si Anastasia ngunit hindi nito binubuksan ang pinto ni sumagot man lang.

Inakala lang ng lahat na nag-aayos pa ito kaya naghintay pa sila ng trenta minutos.  Ngunit nag-aalala na ang lahat kaya kinuha na ng kanyang ina ang susi at binuksan ang pinto ng kuwarto ni Anastasia.

Nagulat ang lahat pati ako ng makitang nakalupasay sa sahig ang malamig na bangkay ni Anastasia.  Ang kanyang magulang ay umiiyak samantalang ang anak ni Mateo ay nag-uwian na pati si Mateo dahil sa takot.

Nilason niya ang kaniyang sarili dahil sa ayaw niyang magpakasal sa taong hindi niya naman lubusang kilala.  Nakita ko ang isang liham sa kanyang higaan.  Parang kagagawa lang nito bago siya mamatay.

Biglang lumiwanag nang sobra at sa pagmulat ko ay nakita ko si Leonora na alalang-alala.  “Anong nangyare?” tanong ko pagkatapos kong bumangon sa sahig.  Nalaglagan daw ako ng mabigat na gamit sa ulo pagbukas ng pinto ng kuwarto ni Leonora kaya ako nahimatay.

Pagkatapos ng taping, umalis na kami.  At habang nakasakay sa kotse ay nakita ko sa aking bulsa ang isang liham.

Huwag kang tumingin sa panlabas na kaanyuan kundi sa kagandahang loob ng isang tao.

Anastasia

Totoo nga ang nangyare, ito’y hindi isang panaginip.  Pagtingin ko sa bintana ng kotse, nakita ko si Leonora na kumakaway.  Sandali! May kamukha siya.  Wag mong sabihing si Anastasia at Leonora ay iisa.  Tapos biglang nawala si Leonora na parang bula.

Pagdating ko sa bahay ay may mga gamit na pinapalipat ang aking ina sa tambakan.  Bigla kong napansin ang isang malaking kuwadro ng isang matanda.  “Ma! Sino siya?” tanong ko habang hinahabol ng tingin ang litrato.  “Lolo mo sa tuhod.  Bakit?” sagot niya.

“Parang pamilyar kasi siya.”  “Ou naman kasi kamukha mo siya nung kabataan niya pa.”  sabay bigay sa akin ng litrato ng lolo ko sa tuhod nung binata pa.  “Anung pangalan niya?” tanong ko.  “Mateo.  Kaya nga Marcus ang ipinangalan namin sa iyo eh.”

Ibig sabihin ang pakakasalan dapat ni Anastasia ay ang lolo ko sa tuhod.  Kaya ba siya nagpakita sa akin ay para magbabala?

Anastasia's RoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon