First one shot story, hope you enjoy it. Vote, share and comment! Selemet!
***
Yung ikaw na lang yung nandyan para sa kanya pero hindi niya yun mapansin. Hayy, ako nga pala si Maui Rodriguez. Peymus, maganda, singer dancer actress 3-in-1, imperfect ako. Maraming lalaking naghahabol, pero isa lang talaga ang gusto ko.
"Maui!!!" Speaking of gusto, ayan na siya.
*pogi* yes! *appealing smile* oh yes! *hot body* oh sht i'm melting! "Uy Lance!" sabay nag-apir kami. Siya, siya yung lalaking gustong gustong gustong gusto ko! Ang problema nga lang, hindi niya ako gusto. Siya pala si Lance Mariveles, well, hindi ko siya besprend. Hindi kasi bestfriend tingin namin sa isa't isa kundi magkapatid pero, iba yung tingin ko sa kanya eh. Pero tanggap ko naman eh, na kapatid-zoned lang ako. "Maui! May good news ako sayo!" nae-excite na sinabi saken ni Lance.
"Ano yon?" PLEASE! Sabihin mo mahal mo na ako! "Nakipagbalikan na saken si Nichole!" natutuwa niyang sinabi saken. Ay, good news nga ba? Anong good dun sa news na yun?!! Natulala nalang ako. "Huy Maui! Kafated! Ok ka lang?" tinanong niya at pinipisil pa yung pisngi ko. "Ha? Wala wala, ok lang ako, ay sige alis na ako ah." at umalis na ako, medyo naiiyak. Ganto naman ako lagi eh, pag may napupusuan siyang babae, iniiyak ko na lang yung sakit ng puso ko.
Ay nga pala, si Nichole. Well, since 1st year ko pa naging bestfriend slash kafated slash crush si Lance, at si Nichole, siya ang HS crush at girlfriend niya. Well, nagbreak sila once pero nagbalikan nga. 4th year na kami ngayon, 3rd sila nag-break eh, but still, di pa rin ako napansin ni Lance. Bat ba ang manhid niya?!!
Iniyak ko nalang lahat sa cr. Pagkatapos ko umiyak, pumunta na ako sa room. Pagpasok ko, sakto! Ngayon lang dumating yung mag-aanounce! "Guys, intrams na next next week, may mga sports rin na dapat kayo salihan, meron rin singing and dancing competition, pati cheering. Yun lang, thank you!" sabi nung president ng student council sa school. Nagkatinginan kami ni Lance, iba yung look eh, parang nae-excite na look, alam ko na ibigsabihin niyan, DANCE COMPETITION! Since first year, lagi na kaming kasama ni Lance sa mga dancing contests sa school. Wala eh, dancing is our life!
Nagpalista na kami para sa dancing competition sa school. "Uhm, Lance, musta pala kayo Nichole?" Well, ang totoong dahilan kasi ng break up nila is lumipat si Nichole ng school nung 3rd year. Pero, wala eh. Nagbalikan pa rin sila. "Eto, LDR." sabay nag-pout siya. Ang cute niya talaga! Isama mo na yung nguso! "Ok lang yan Lance, atleast nakipagbalikan siya sayo kahit LDR kayo." sinabi ko sa kanya. "Supportive mo talaga Maui!" sabay pinisil ulit yung pisngi ko! Grrr! Isa nalang talaga! "Ang kulit mo talaga!" sabay kinurot ko siya sa braso. "Aray!" napasigaw siya sa saket! Lakas ko kaya mangurot! "Yan napala mo!" sabay kinutusan ko. "Aray, tama na! Talo na ako!" sabi niya habang inaayos yung buhok niya. Napatawa nalang ako. Bigla nalang siyang napatanong saken, "Maui, nagka-boyfriend ka na ba?
ANO ANG NAG-UDYOK SA KANYA PARA TANUNGIN YON?!! "Uh, wala pa, bakit?" It's true. NBSB ako, puro M.U. lang ang inaabutan ko pero boyfriend? Never had one. Well, actually, I had one pero 4 weeks and 3 days lang eh, wala daw kasi akong kwentang babae, masama daw ugali ko at selosa pero hindi lang naman ako ang mali. Sabi niya wala daw akong tiwala sa kanya. Pano ko naman siya mapagkakatiwalaan kung everyday may nilalandi siya? Hayy ayoko na mabalik dun!
"Wala naman, ganda mo pa naman." Woah? Anuraw?!!! "Maganda nga, di niya naman gusto." sabi ko habang nakatingin sa ibang direksyon. "Huh? Gusto? Kafated, sino yang crush mo?" natutuwang tinanong saken ni Lance. "Huh? Wala ah!" pilit ko dineny pero tanong pa rin ng tanong eh! "Bat ba ayaw mo sabihin?!" nagalit na siya. "Pag sinabi ko naman, walang mangyayari diba?!" at umalis na ako.
BINABASA MO ANG
Bakit di ako? (ONESHOT STORY)
Teen FictionSa loob ng apat na taon, ako lang yung nandyan sa kanya. Ako yung handang alagaan, patawanin at mahalin siya. Pero bakit hindi niya mapansin? Bakit naghahanap pa siya ng iba? Bakit di ako?