Chapter 36

906 32 3
                                    

Irish's POV

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at agad bumungad sa akin ang puting kisame. Puti rin ang paligid at napansin ko ang dextrose na nakakabit sa akin kaya marahil ay nasa ospital na ako ngayon.

"I-Irish?" Gulat na sabi ng lola kong si Mama Tina nang makita na nagkamalay na ako. Mabilis siyang lumapit sa akin at mabilis akong niyakap. "Salamat sa Diyos at gising ka na!" Masaya niyang sabi at humahagulgol ng iyak.

Nakita ko si Stacey na umiiyak rin sa may gilid habang nakangiti sa akin. Marahil ay masaya siyang makita na gising na ako.

"A-Asan si Ricci?" Tanong ko kahit na nahihirapan. Tinangka kong igalaw ang katawan ko pero nakaramdam lang ako ng sakit kaya napadaing ako.

"Don't force your self to move, Irish." Nag-aalalang sabi ni Andrei na nakasuot ng coat na pang doktor. Kanina pa siya nakatayo sa gilid ko at chinecheck ang mga kung ano-anong bagay na nakadikit sa akin.

"Where's Ricci? I-I want to see him." Sabi ko.

Gusto kong makitang ayos lang si Ricci. Naalala ko yung aksidenteng nangyari sa amin. Bumangga kami sa isang malaking puno at niyakap ako ni Ricci para maprotektahan ako. Gusto ko siyang makita dahil paniguradong mas malala ang nangyari sakanya.

"Irish apo, mas maganda kung magpahinga ka muna." Sabi ng lola ko.

Umiling-iling lang ako. "Ayos lang po ako. Gusto kong makita si Ricci. Asan si Ricci?" Tanong ko at tumingin kay Stacey. Nakita kong nag-iwas lang siya ng tingin sa akin. Hindi niya ako sinagot.

Napapikit ako at pinilit na makaupo pero hindi ko kaya. Sobrang sakit pa rin ng katawan ko.

"Apo..."

"Sabihin niyo sa aking kung nasaan si Ricci. Pupuntahan ko siya." Matigas kong sabi. Kung ayaw nila akong samahan, ako nalang ang pupunta.

"Ate..." Rinig kong sabi ni Stacey pero hindi ko lang siya pinansin.

Lumingon ako kay Andrei na nag-aalalang nakatingin sa akin. "Asan si Ricci, Andrei?"

Nakita kong bumagsak ang tingin niya sa lapag. Muli siyang tumingin sa akin at pinakalma ako. "Irish, wag kang masyadong gumalaw--"

"Bakit ba ayaw niyong sagutin yung tanong ko!" Malakas kong sigaw. Nagsimula na akong umiyak kasabay nang matinding takot na nararamdaman ko.

Gusto ko lang naman makita si Ricci! Bakit ba ayaw nila akong pagbigyan!

"Gusto kong makita si Ricci! Gusto kong masigurong ayos lang siya!" Sigaw ko habang umiiyak.

"Ate, hindi ka pa gaano kagaling." Nag-aalalang sabi ni Stacey habang mangiyak ngiyak.

"Wala akong pakielam! Ang mahalaga ay makita ko si Ricci! Kailangan ko siyang makita!" Pagwawala ko. Pinilit kong makaupo kahit na nasasaktan.

Nakaupo naman ako sa kama at akmang tatayo nang pigilan ako ni Andrei.

"Irish..." Pigil niya sa akin at umupo sa tabi ko. Naramdaman kong mabilis niya akong niyakap at pinakalma. "Irish please... Don't do this." Nag-aalala niyang sabi.

Panay pa rin ang hikbi ko. Napansin ko naman na umiiyak din ang lola ko at nakaalalay naman sakanya ang kapatid ko na umiiyak din.

Bumitiw ako sa pagkakayakap sa akin ni Andrei at tumingin sakanya. "A-Andrei please... Sagutin mo yung tanong ko..." Pagmamakaawa ko sakanya. "Nasaan si Ricci?" Maluha-luha kong tanong.

Nakita kong mariing napapikit si Andrei. Maya-maya ay tumingin siya sa akin at malakas na bununtong hininga. "He's okay Irish..."

Para naman akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang marinig ang sinabi niya. Nakahinga ako ng maluwag at nabawasan ang pag-aalala.

You're Still The One || Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon