Vince POV
Mula nung nalaman namin ni Bea na si Mayor na kadeal namin sa negosyo pala at yung dapat na ipakakasal sa kanya ng Papa nya ay iisa...mas lalo kaming nag ingat....umabot pa sa puntong hindi ko siya iniaalis sa paningin ko....Naranasan ko na yung buhay na wala siya nun....at hindi ko na hahayaan na maulit pa yun ulit sa ngayon....
Naisip ko nga...kaya siguro mula nung makita ni Mayor si Bea hindi na nito itinago yung paghanga sa asawa ko...kasi maaring kilala na nya ang asawa ko...at kung ganun nga may posibilidad na alam na din ng Papa ni Bea kung nasan kami...
Maging ang mga magulang namin nag aalala ...syempre hindi namin alam kung anong binabalak nung mga yun sa likod namin kaya mas mabuti na din yung handa kami sa kung ano man ang mangyayari...Nag hire sina Daddy ko ng body guards para samin....mga patago nila kaming binabantayan...well sa totoo lang hindi alam ni Bea...baka kasi kabahan siya lalo pa at palihim din lang naman nila kaming minamanmanan.....Minsan naiisip ko kailangan na ata naming harapin to...hindi naman kasi pwede na habang buhay na lang kaming matakot....I want a normal life....for my family.....
Months passed....hanggang sa dumating ang kabuwanan ni Bea...Maybe next week darating dito sina Mommy para matulungan kami pag nanganak na si bea....Alam nyo na first time ....first baby kaya siguro gusto nila kaming alalayan.....
Ngayon andito ako sa kusina...ngluluto ako ng almusal namin ni Bea....nung bigla nya akong tinawag......at base sa tono ng boses nya...mukhang lalabas na yung anak namin.....Mabilis kong pinatay ang gasul namin tapos tumakbo ako papunta sa kwarto...Naabutan ko si Bea hawak hawak ang tiyan nya at medyo hindi na maipinta yung mukha nya..Siguro dahil sa sakit na nararamdaman nya....Mabilis ko siyang inalalayan nung makuha ko ang bag na nakaready na...tapos dinala ko na siya sa ospital...
Mabilis naman siyang dinala sa delivery room para macheck....ako naman halos hindi na magkaintindihan...kinakabahan ako e.....parang kung pwede lang na ako na lang yung masaktan aakuin Ko na wag lang masaktan at mahirapan ang mahal ko....
Maya maya tinawag ako ng OB ni Bea....Maari ko daw samahan ang asawa ko habang nanganganak....Kaya mabilis kong sinuot yung damit na binigay sakin ng nurse....Tapos pumunta ako sa tabi ni Bea....Kita ko na nahihirapan siya...na nasasaktan siya...pero kinakaya nya dahil sa anak namin....i held her hand para malaman na na hindi siya nag iisa...na andito ako para suportahan siya.....at iparamdam yung pagmamahal ko sa kanya.....Maya maya pa tiningnan siya ulit ng doktor..tapos pinairi na....Grabe ang higpit ng hawak nya sa kamay ko......maya maya pa narinig ko na ang iyak ng anghel namin....tinaas siya ng doktor at inilagay sa may dibdib ng asawa ko.....Kita ko ang pagtulo ng luha ni Bea.....Tapos tumingin siya sakin at naluluhang ngumiti....
Jake: i love you Mahal.....
Bea: i love you too.....
*kiniss ko pa siya maging ang anak namin.....iba pala ang pakiramdam pag nakita mo na yung bunga ng pagmamahalan nyo ng babaeng pinakamamahal mo.....
Maya maya..pinalabas muna ako..kasi daw lilinisan pa si Baby....tapos hantayin ko na lang daw si Bea sa private room.....ganun na nga.....after ng ilang minuto dinala na si bea sa private room...tulog pa siya kasi siguro gawa ng pagod ...natawagan ko na ang parents namin na malamang ngayon e nasa byahe na.....
tapos bigla kong naisip na tawagan ang Mama Czarina ni Bea....mula nung pumunta kami sa Davao naging constant na yung communication namin sa Mama ni Bea...lalo pa at kami ang nagpapaaral kay Carlene...
mga tatlong ring pa lang nung sinagot ni Sandy ang tawag ko..
Sandy: hello Kuya Vince....??bakit po.??
Jake: Ah Sandy...pwede bang makausap si Mama.?
Sandy: ah sige po...buti na lang wala si papa...
*maya maya pa narinig ko na ang boses ng Mama ni bea..
Mama: Hello Vince..anak...kumusta...si Dianne kumusta?
Jake: ah..hello po Ma...maayos naman po ako...si Bea po Ma,nanganak na....malusog po yung baby namin
Mama: abay siya nga...naku...mabuti naman...kumusta naman ang anak ko..
Jake: maayos naman po siya...kaso siguro napagod kaya heto tulog...
Mama: mabuti naman kung ganun....kung pwede lang kaming pumunta jan.....kaso hindi ko magagawa...lalo pa at baka malaman ng Papa nyo na may komunikasyon kami sa inyo...
Jake: nauunawaan po namin Mama.....maayos naman po ang mag ina ko...kaya wag na po kau mag alala...
Mama: basta anak...ikaw na ang bahala sa anak ko...alam ko hindi mo siya pababayaan...
Jake: opo Ma...ako na po ang bahala....wag nyo na po isipin...
Mama: salamat anak...
*matapos yun binaba ko na ang tawag....tapos nagising na si Bea......kaya lumapit na ako sa kama nya...
Jake: kumusta na...
Bea: ok lang....kaso masakit....
*hindi ko man itanong syempre alam ko na kung alin...
Jake: salamat Mahal ha..
Bea: san?
Jake: kasi tinupad mo yung pangarap kong maging Tatay...
*napangiti naman siya...tapos hinaplos nya ang pisngi ko....Kaya hinawakan ko ang kamay nya....
Bea: mahal na mahal kita Jake...
Jake: mas mahal kaya kita.....saka ang baby natin.....Uhm....hindi pa ko napunta sa nurse...anong ipapangalan natin sa kanya?
Bea: Diba sabi mo gusto mo Mathew?
Jake: oo....
Bea: ano bang meaning ng Mathew?
Jake: Gift from God....
Bea: dagdagan natin Mahal....gawin nating Jayden Mathew....
Jake: San mo naman nakuha yung Jayden?
Bea: uhm...kasi nakita ko siya sa internet....ok din yung meaning..
Jake: ano?
Bea: Parang answered prayer....o diba bagay...si baby natin ang regalong binigay satin ng diyos..siya yung sagot sa lahat ng mga dasal natin....
Jake: oo nga noh...Jayden Mathew Chua - Lee.....ok nga mahal....maganda...
*napangiti naman siya sakin....Maya mya pareho kaming napalingon sa pinto nung bumukas....pumasok kasi yung doktor kasunod ang nurse na karga karga ang aming anghel.....
Nakangiting iniabot ng nurse kay Bea yung anak namin....Napangiti naman ako....ang saya lang sa pakiramdam....seeing the love of my life...holding the proof of our love.....
to be continued......
maulang update...hahah...thanks for reading guys..
9.19.14
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage With Mr. Heart Breaker - JhaBea FanFic
FanfictionBakit kailangan ako pa...Bakit kailangan siya pa... Bakit kailangan kami pa.... Hindi talaga pwedeng ipredict ang mangyayari. kasi kung ano at sino pa ang pinakaaayawan mo...siya pa ang mapupunta sayo..