Sabi nila Love gives you the best feeling in the world
Paano ako maniniwala sa mga ganyan kung yung iba nagpapakamatay dahil sa love na yan.
Best feeling na ba ang pagkakamatay.Oo masarap magmahal pero pag nasaktan kulang na lang pasanin ang buong mundo sa laki ng ng problema.Tsk.Ang gulo -.-
Bakit pa kasi nabuo ang love na yan.Pag walang love,walang masasaktan at pag walang masasaktan edi everybody happy.Psh.Natauhan na lang ako sa pagde-daydream ng may magsalita.
"Sabay ka ba?Uwi na ako eh.Mag-gagabi na kasi." nginitian ko na lang ang bestfriend kong si Claire.
"Una ka na may pupuntahan pa ako eh" Psh .Bakit ko ba kasi pinoproblema ang love na yan.Sumasakit tuloy bangs ko.
**
Papalabas na sana ako ng campus ng may nabangga ako.
"Pasensya na miss nagmamadali kasi ako" Tinulungan ako ng lalaki pulutin yung mga librong nahulog sa sahig dahil sa pagkabangga niya.
"Psh sa susunod mag-iingat ka kasi.Try mo rin tumingin sa dinadaanan mo sa susunod"
"Sungit mo naman miss nag-sorry na nga eh" Aba't loko to ah binangga na nga ako sinabihan pa ako ng masungit.Kung upakan ko kaya to.
Naglakad na lang ako paalis wala namang kwenta kausap tong lalaking to.
"Wait miss" Ano na naman bang problema nito.
"Ano?!!??"
"Ahm a-ano pwede bang malaman pangalan mo?"
"Tsk. I'mMaxine"
"Maxine? Ibig sabihin ikaw yung kaibigan ni Clare?" Bakit ba ang daming tanong ng lalaking to?Reporter lang ang peg. Tsk.
"Yup at saka bakit ba ang dami mong tanong?"
"Ah wala wala.BTW I'm Andrew nice to meet you Maxine"
Pagkatapos niya sabihin yun ay tumakbo na sya papaalis
Ewan ko pero bigla na lang akong napangiti sa nangyari.