Katotohanang may halong kasinungalingan
Pagbabala't kayong pawang may pinagtataguan
Bawa't ngiting may mga luhang pinipigilan
Piki't matang nagbubulagbulagan
Kumapit sa patalim dahil sadyang kinakailangan
Kahit kapalit pa nito'y siya'y kamuhianBahay sugalan ang naging pangalawang tahanan
Magarang kasuotan na halos lantad na ang katawan
Alahas na kumikinang na labis makatawag ng pansin
Makapal na maskara, labing mapula ang nakapinta
Marahil iyo nang nabatid ang kanyang pagkakakilanlan
Siya nga'y isang babaeng bayaran, makasalanang nilalangSa likod ng mapang-akit na kaanyuan
Sa kamundohang kanyang nararanasan
Nakatagong takot at sakit na hindi maiibsan
Sa salaping siyang naging kadahilanan
Ang puno't dulo ng kanyang kasakitan
Pagiging bayaran ang siyang pinagmulanSa bawat segundo, minuto at araw na lumilisan
Nababawasan ang paghihirap sa pakikipagsapalaran
Tila'y isang tagumpay habang nasa digmaan
Pandirihan man at husgahan ang kalabasan
Kung ang buhay ko'y muling nadagdagan
Ituturing na lamang itong biyaya mula sa kalangitanBabaeng isinuko ang donselya dahil sa kagipitan
Mali man ito'y wala ka pa ring kaparatan
Ang tapakan ang isang prinsesang walang kaharian
Hayaan mong imulat ko ang iyong isipan
Prinsesang mala perlas ngunit walang kinang
Kapareha ng ibon na pilit kumakawala
Nais makamit ang kalayaang tinatamasa.
BINABASA MO ANG
Ipinagbiling Donselya
PoetryKwento ng isang babaeng nagpaalipin para lamang mabuhay sa laro ng buhay kahit pa'y kumapit sa patalim.